The Clash

16 2 0
                                    

Melrose POV

[Park]

Nandito kami ngayon ni Kuya hinihintay si Kahlen na dumating. Mabuti at pumayag syang makipagkita at makipag-usap ng matapos na ang dapat tapusin
dahil ayoko ng magcross pa ang paths namin.

"Titigilan ko na siya.. Kaya wala ng dahilan pa para kausapin sya Melrose" pagmamakaawa ni kuya

"Mas mabuti ng makumpirma ko" ako

"Melrose.." si kuya

"Ayokong mabulag ng kasinungalingan kuya.. Kung talagang titigilan mo na sya gusto kong makumpirma 'to ng maayos" ako

Inigo's POV

Bakit ba umabot sa ganito..

Kasalanan ko 'to.

Pero..

Di ko matanggap na ganito ang nangyayari.

Nagmamakaawa ako sa kapatid ko ng paulit-ulit na itigil ito sinabi ko ng wala na kaming relasyon ni Kahlen.

Mahal ko sya pero hanggan dun na lang talaga sya na din ang may gusto ayoko na syang guluhin.

Kahit masakit.

Kahit di tanggap ng puso ko.

Kailangan kong gawin na tigilan na sya.

Habang naghihintay kay Kahlen ay kinakabahan ako sa mangyayari.

Ilang minuto lang nun ay napansin ko na sya sa di kalayuan.

May kasama sya.

Akala ko mag-isa lang sya.

Napansin kong napahawak sya sa kamay ng lalaki.

Di ko matanggap na makita yun kaya iniwas ko ang pagkakatingin.

Di nya nga talaga ko siguro minahal.

Kahlen's POV

"So anung gusto mong pag-usapan?" ako na sinusubukang kumalma pero di ko magawa dahil nag-iinit din ang dugo ko sa babaeng 'to.

"Gusto kong malaman kung naging kayo ni kuya.." si Melrose at tumayo sa kinauupuan nya.

Iwas si Inigo habang nag-uusap kami.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Di ko matatawag na naging kami napapayag lang ako sa kontrata ni Inigo dahil sa takot na madumihan at maging kahihiyaan ang pagiging dugong Mercado. Masasabi kong sapilitan ang naganap.

Oo sapilitan.

Pero ginusto ko din.

Pero mali.

"Melrose.." pagpigil ni Inigo kay Melrose

"Ano ba kuya!" si Melrose at pumiglas dito. "Sumagot ka Kahlen!" dugtong nito

"Pwede easy ka lang miss.." si Sasha

"Sino ka ba!? Bagong kalandian ni Kahlen!? Aba! Kung ipagtatanggol mo yan siguraduhin mong wala yang kalandiang iba!" si Melrose na nag-iiskandalo

Ang Basag Na Puso Ng KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon