A Disaster Comeback! 2.0 (Untold Story)

33 2 0
                                    

Melrose POV

[School]

Maaga akong nakarating ng school dahil kasabay ko si kuya napakalamig ng panahon ngayon.

Triple na ang suot ko pero di pa rin mawala ang lamig! Pagfall season talaga.

Naglalakad-lakad ako sa hallway ng makita kong papalapit na si Kahlen nagpamewang agad ako at nagsmirk akala nya madadaan nya ko sa mga galawan nya na pagka-catwalk kaya naman naglakad din ako like im on a runway.

HAHAHAHAHA! Pustahan magugula 'to sa gagawin ko.

Pagkalapit ko sa kanya ay agad kong hinawakan ang kamay nyang nakagloves.

"Sorry po for what happened last week. Im truly sorry for what i've done." ako

"Oh really? it's okay i apologize too because it's my fault right from the start. I started to talk rumors about you that is not even true. So i apologize. Im really sorry." sya.

Halatang plastik.

"Im sorry too." ako

"It's okay already forgiven. Di naman ako nagtatanim ng sama ng loob." sya

Oh? Talaga? Halata nga sayo eh. Nakakatawa ka.

At nagshake hands kami.

"Can we be friends?" ako

HAHAHAHAHAHA!

"Oh. Yes of course." sya at niyakap ko bigla para dama nya.

Ang raming tao na sa paligid pinagtitinginan kami.

"What's your name again?" tanong nya at bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya

"Melrose." ako

"Oh what a cute name for you." sya at ngumiting aso

Halatang minumura na ko sa isip niya kaya naman tinapos ko na din ang pag-uusap namin dahil mag-uumpisa na ang klase.

"Next time na lang ulit ate Kahlen baka dumating na teacher namin." ako at tumakbo na papunta sa isang building habang nagwewave sa kanya.

Napa ate pa ko.

Pagkadating ko sa classroom ay walang ginagawa, nag-iingay lang ang mga kalalakihan sa classroom dahil wala yata ang first period teacher namin kaya naman lumabas ulit ako ng classroom at pumunta sa tahimik na lugar.

Naglakad ako papunta sa side stair para umupo.

Naninibago pa ko sa bagong school ko sana'y makatagal ako dito.

Binuksan ko ang phone at tiningnan ng oras ng nakarinig ako ng pamilyar na boses.

"Im not done with you!" boses ng lalaki

"Bitawan mo ko." boses ng babae

Napakapamilyar ng mga boses agad kong sinilip kung sino ang mga iyon ng makita ko si Kahlen at Inigo.

"Bitawan mo ko!" pagpupumiglas ni Kahlen kay kuya "Ano ba!" sigaw pa nito na nagpupumilit makawala ng bigla itong halikan ni kuya.

Laking gulat ko ng makita ang bawat sandaling iyon.

Di ko matanggap!

Kaya tumakbo ko pabalik ng classroom.

Di ko kaya makita ang mga iyon! Maiyak-iyak akong nakarating ng harap ng aming classroom nagulat sakin ang mga kaklase ko at napatigil sa ginagawa nila dahil sa pagkakabiglang bukas ko ng pinto. Umupo ako at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

Pinipigil kong umiyak.

Ayaw ko alalahanin ang nakita ko.

Akin lang si kuya!

Akin lang sya!

Akin!

Sya!

Habang nasa kalagitnaan ng sumunod-sumunod naming klase ay tinawag ako ng co-teacher ni kuya at pinaalam sakin ang nangyari.

Agad kong hinanap si kuya pagdating sa ospital.

Maiyak-iyak ako.

At nababalisa sa nangyayari kay kuya.

Nang biglang naalala ko ang nangyari kaninang umaga.

Si Kahlen ang may kagagawan nito!

Sya ang kasama ni kuya nun!

Sya ang may gawa nito kay kuya!

Kasalanan nya 'to!

Matapos ang mga dalawang oras ng paghihintay sa waiting area inicheck na ng nurse kung saang room si kuya.

Pagkadating na pagkadating ko ay nakita kong nakabandage ang ulo nito pagpapaliwanag pa ng doktor ay nabalian sya ng buto sa bandang kanang braso pati na din sa legs hanggang sa paa nito. Okay naman daw ang ulo nito at di napuruhan nagkaroon lang ito ng open cut sa pagkakatama sa sahig pero all in all ayos na dahil natahi na ang sugat at kailangan nya na lang magpahinga at pahilumin ang sugat sa ulo at baling mga buto.

Ako lang ang bantay kay kuya gabi na din nun ng nagring ang phone ni kuya hinanap ko kung saan ito ng makita ito sa drawer na nasa tabi ng uluhan ni kuya. Pagkacheck ko kung sino ang tumatawag ay babe ang nakalagay.

"Babe?" nagtaka ako.

Dahil baka magising si kuya ay agad ko itong sinagot at tumakbo dahan-dahan at pumunta sa labas ng room kung nasan si kuya.

/Melrose/
"Hello?" nanigurado ako kung sino ng marinig si Kahlen

/Kahlen/
"Hello, Inigo." nag-init ang ulo ko ng malamang si Kahlen ang kausap ko

/Melrose/
"Hindi 'to si Inigo. Ang kapal din naman ng mukha mo para tumawag dito sa phone ng kuya ko! Nakipagkaibigan ako sayo tapos gaganti ka pala! sa kuya ko pa! kung galit ka ako harapin mo hindi dahil mas matanda ka gaganyan ganyan ka!" binuhos ko ang inis at galit ko dito sabay baba ng tawag bago pa man sya makapag salita.

Madaling araw na ng magising si kuya laking tuwa ko at agad na tinawag ang nurse.

"Okay ka na ba kuya? Gutom ka ba? Anong gusto mo?" sunod-sunod kong tanong

"O-okay lang ako..." mahina nyang sagot kita sa mukha nito na iniinda ang sakit na natamo nya sa pagkakalaglag.

Kinaumagahan din nun ay umuwi muna ko ng apartment para makapagpalit at makaligo dahil magdamag akong nagbantay kay kuya.

Matapos makaligo at ilagay ang mga kailangan ni kuya ay bumalik na din ako ng ospital naglalakad na ko papalapit sa room kung nasan si kuya ng masalubong ko si Kahlen.

Tumigil ako at tumingin ng masama sa kanya pero iniwisan ako nito ng tuluyang magkasalubong kaming dalawa.

Naglakad na din ako at pumasok na ng room kung saan si kuya at nag-act na inosente na parang di sya nakita sa harap ni kuya.

Pero sumunod-sumunod din na araw na yun ay tinanong ko si kuya kung bakit umiiyak si Kahlen pero iniiwasan nya itong sagutin.

Ang Basag Na Puso Ng KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon