CHAPTER 12-I LOVE YOU

7 0 0
                                    

Hey guys! Sorry hindi ako nakapag update kahapon kasi pagod na pagod kasi ako eh... Babawi ako! :))

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Jack's POV

Hindi ko masyado narinig ang usapan nila Shai at Tito Rett...

Ang nirinig ko lang na naninigarilyo si Shai... Bad nga talaga... I wonder if umiinom ba sya, subukan kaya namin? Hahaha wag na, baka may mangyari pa...

Ilang minuto ang lumipas, bumalik na din sa loob si Tito Rett... Ako naman yung lumabas para kausapin si Shai...

"Shai..."

"Ano bang problema nyo at parang iniiisahan nyo ako ng pamimilit na patawarin si Mama?"

"Shai, si Jack to... Hindi naman ako si Lance..."

Lumingon naman sya agad... Nashock naman sya na nakatayo ako...

"Hoy! Ba't ka nakatayo dyan?!"

"Syempre, obvious ba?" Nakaupo sya ngayon sa bermuda nila... Lumapit ako sakanya, "Makikiupo lang ha, okay lang ba?"

"Oh-oo naman..."

"Uhm, anong pinagusapan nyo ni Tito Rett?"

"Wala..."

"Sabihin mo na..."

"Eh? Chismoso lang?"

"Boyfriend mo kaya ako... Hmph! Sige na nga, hindi nalang kita pipilitin!"

"Sige na, sige na... Kasi, pinipilit kasi nya akong patawarin ang Mama ko eh..."

"At?"

"Ayun, ayoko... Kasi nga nasaktan ako eh... Manhid ba sila para hindi makaramdam?"

"Eh, sa sitwasyong ito, parang ikaw yung manhid eh..."

Nashock sya sa sinabi ko... "Ha! At ako pa ngayon ang manhid? Che! Magsama kayo!"

"Oo ikaw ang manhid... Kasi, nagsisisi na yung Mama mo eh, ikaw yung hindi makapag get over ng nangyari sa inyo... Kaya masakit din yun para sa Mama mo... At parang ikaw na yung naging manhid..." natulala naman sya sandali at tumingin ulit sakin... "Mahal mo ba ang Mama mo?"

"Oo syempre! Kaya nga ako nasasaktan diba? Kasi mahal ko sya..."

"Eh, kung talagang mahal mo sya, tatanggapin mo uli sya sa buhay mo at maging masaya..."

"Ang hirap kaya nun!"

"Ang pagmamahal, dapat may maramdamang sakit yun, pero kung manhid ka naman, at hindi mo iniisip ang damdamin ng iba, iba na yun..."

Nagisip naman sya... "Pero ang sakit sakit ng nararamdaman ko nung iniwan nila ako eh... That was like for 20 years..."

"Kung mahal mo talaga, balilwala na yung sakit na nararamdaman mo..." hinawakan ko ang chin nya... "You need to suffer pain, and know how love cycle runs... It has Pain, happiness, and mixed emotions..."

Tumingin naman sya sakin, at ngumisi... "Thank you Jack for making me realize... Pero, hindi muna ngayon yung paggawa ko ng sorry kay Mama..."

"Bakit?"

"Di pa ko ready..."

Though she has her soft side, mas lumalamang naman yung badness nya... Hindi naman siguro bad, nahihiya lang...

"Tara!"

"Oh, san na naman tayo?"

"Dahil pinarealize mo sakin ang pagmamahal, ililibre kitang Ice Cream!!"

"Hindi pa nga ako maayos eh..."

"Dont worry... Magcacar tayo! Akong magdadrive..." nagwink pa sya sakin ah... Inlove na siguro to sakin... Hahahaha

"Hoy teka! Ba't ka nga ba nanigarilyo ha?"

"Uhm, wala! Dali na!!!"

Hinila nya ako papuntang car nya eh... Dinala nya ako sa isabg Ice Cream shop...

"Dito ka lang ha... Babalik agad ako!" Tumango nalang ako...

Lumabas ako ng car at sumandal sa car nya... Hinintay ko sya...

Ilang minuto rin bago sya lumabas...

"Oh! Ba't ka nasa labas?"

"Hinintay kita..."

"Oh, eto na yung Ice Cream... Rocky Road yan ah..."

"Eh?"

"Bakit?"

"Mahihirapan ako nyan!"

"Bakit?! May allergies ka ba?"

"Hindi, mahihirapan kasi ako nyang makapasok sa puso mo... Dahil sa Rocky Road na dinaanan ko..." at nagwink ako sa kanya...

"Hoy! Naka ilang points ka na sakin ha..."

"Okay lang, ikaw kasi yung inspirasyon kong makashoot para sa points eh... Ilan na ba score ko?"

"100."

"Ano?"

"Ah-ano? Ah-sabi ko kumain ka na... Wala akong ganang sumagot sa tanong mo..."

Tingnan mo, na tameme eh... Hahaha

*

*

*

"Bilis! Dalian mo!"

"Eh? Maglalaro na naman tayo? Hahaha! Kung maglalaro man tayo, wag kang chill chill ha? Baka ma talo ulit kita, may utang ka nga pa sakin ng kiss eh..." nakasimangot kong sabi... Nashock naan ako sa ginawa nya...

"Oh, ayan, bayad na ha..." ikiniss nya ako... Sa pisngi lang ha!

Ayun naglaro uli kami, talo ako kaya libre ko syang teddy bear...

*

*

*

Ang dami naming nagawa ngayon... Nagarcade, food trip, at karaoke pa kami, ngayon? Nasa sea-side na kami...

"Nagenjoy ka ba?" Nakangisi nyang tanong...

"Oo, thank you Shai..." tinignan ko sya sa mata... "I love you..."

"I love you too..." I smiled widely at her... "I mean, I love the view too... hehe..." eh? Patay malisya naman to oh...

"Hmph... Uwi na tayo..."

"I love you Jack..."

"Ano?"

"Sabi ko mahal kita..."

"You love me?"

"Oo Jack... I love you..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - --

Hai! Sorry bitin yung chap... Babawi ako bukas promise! Happy mother's day nga pala sa lahat ng nanay dyan! Sana suportahan nyo pa rin po... Thank you!

Bad/Good Girl's Love #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon