CHAPTER 16-NAGKAKAMABUTIHAN

6 0 0
                                    

Jack's POV

Ahhh! Ang ganda ng umaga ko, pagkatapos naming maglaro sila Lance at Shai...

Hala?! Naalala ko tuloy yung ginawa ko kay Ate... Hahahaha ano kayang reaction nya sa ginawa ko? Napangiti tuloy ako...

Pumunta naman ako agad sa dining room at kumuha ng juice na tinimpla ko kanina bago ako umakyat at natulog ulit... Parang ako pa yung gising dito ah?

"Ahhh! Multong tigre!! Lumayo ka sakin!"

"Hoy ano ba?! Anong multong tigre?" Oops... Si Ate pala yung dumating...

"Ah-wala... Wala... Expression ko lang yun... Hehe" nagfake laugh ako...

"Nagsisinungaling ka eh..."

"Ano ba? Ang ingay ingay nyong dalawa!" Tumingin naman si Shai kay Ate... "Ay tigre... Este, Ate... Ang aga mo naman nagising..." tska naman sya tumawa na nakatingin sakin at tumawa din ako ng mahina...

"Anong meron sa inyong dalawa at parang tinatawag nyo akong tigre ha?"

Bumaba naman si Jelo, tumingin sya kay Ate at tumawa ng tumawa...

Nilagyan ko kasi ng eyeliner, lipstick, blush on at maskara yung mukha nya na parang tigre... Kaya naman kami tawa ng tawa...

"Anyare sayo Jelo?"

"Bakit?" Habang tawa pa din ng tawa si Jelo...

"Yung buhok mo! Hahaha!" Tapos tawa ng tawa si Ate... Tumawa din kami... Tinignan naman agad ni Jelo yung buhok nya...

"Uy! Sinong may gawa nito?! Flawless naman yung buhok ko kagabi bago ako matulog ah!"

Tawa kami ng tawa dito sa dining.

"Anyare sa inyo? Ang aga-" pagtingin naman ni Lance agad, tumawa sya ng tawa. "HAHAHAHAHAHAHA!"

"Uy Lance! Hinaan mo yung boses mo, magigising sina Dad at Mom!" Habang tawa pa din ng tawa si Shai...

"Hindi ka ba tumingin sa salamin kanina paggising mo Ate?" Tawa pa din ng tawa si Lance.

"Hindi, bakit?" Tumakbo agad si Ate sa salamin, "SINONG MAY GAWA NITO?!?!?!" habang umiiyak iyak pa sya nung nagpapahid sya sa mukha nya, nakakatawa yung mukha ni Ate... Napaupo tuloy ako at si Shai sa sahig dahil sa tawa ng tawa kami eh..

"Si... Si... Si..." habang tawa pa din ng tawa si Lance... "Kuya... Jack..." Tapos tumawa ulit si Lance ng malakas.

"Jaaaaackk!!!" Tumakbo naman si Ate papunta sakin at hinampas nya ako...

"Ate! Huy! Hahahahaha galit ba o nageenjoy sa makeup mo?" Sabi kong tumatawa pa din...

Hindi sya sumagot at kiniliti nya ako sa giliran ko...

"Ate!!! Hahahahaha tama hahahaha na!!!" Sigaw ko na tawa pa ng tawa...

"Yan! Yan ang makukuha mo sakin kapag minimakeup mo ako!" Nanggigigil pa nyang sabi...

"Ang ganda ng umaga ah, nagbobonding na kayo..."

Tumayo naman agad si Ate at nag good morning nila Tita at Tito...

"Good morning Mom and Dad..." sabi ni Lance... sumunod naman si Jelo... Tumingin naman ako kay Shai, sumunod na din sya sa mga kapatid nya... Pero nagkiss lang sya...

"Magluluto muna ako ng pancakes para breakfast nating lahat..."

"Sama ako! Gusto kong matuto magluto ng pancakes Ate!"

"Sige Jelo... Ate, wash your face na din..."

Sumunod naman si ate sa sinabi ni Shai at pumuntang bathroom...

Bad/Good Girl's Love #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon