Prologue

31 5 0
                                    

Patuloy lamang ako sa pagtakbo habang hawak ang mga libro sa aking kamay. Tirik na naman ang araw, masyado nang mainit para sa suot kong uniporme.

Nakakainis, wala na yatang araw na hindi ako nahuhuli sa klase!

"Excuse me!" sigaw ko habang umiiwas sa mga taong nadadaanan ko. "Makikiraan po!"

Katulad ng mga normal na araw, nakikita ko na naman ang mga hinaharap ng mga taong tumitingin sa mata ko.

Kahit na anong iwas ko, hindi ko talaga maiwasan ang magkaroon ng eye contact sa mga estrangherong ito.

Katulad na lang ng isang lalaking may hawak na cellphone. Nagkatitigan kaming dalawa ngayon. Nakangiti ang lalaki at muling bumalik sa ginagawa na tila may kausap sa kabilang linya. Mababakas mo sa kaniyang mukha ang kasiyahan.

"Thank you po, sir! Gagawin ko ho talaga ang makakaya ko para hindi maapektuhan ng trabaho ko yung pag-aaral ko!"

Pero hindi ko maiwasang malungkot nang makita ang pag-iyak nya sa hinaharap dahil sa pagbagsak nya sa pag-aaral.

Bumuntong hininga na lamang ako at muling tumakbo. Gustuhin ko mang tumulong pero may mga bagay na ayoko nang maulit muli.

Ayoko nang pagkamalan na isang sindikato. Kaya mas mabuting manahimik na lang ako at tuparin ang pangako sa sarili na tsaka lang ako tutulong kung nanganganib na ang buhay nila.

Muli ko na namang tinahak ang daan papunta sa University. Pero sa hindi inaasahan, isang babae ang nasagi ko sa balikat.

Nagkatitigan kaming dalawa, at doon, isang kirot sa puso ang tuluyang lumamon sa akin.

Kitang-kita ko kung paano makita ng babaeng ito sa hinaharap ang kaniyang nobyo habang nakapatong sa isang babae.

Nang makita ko kung sinong katabi ng babaeng ito ay hindi ko maiwasang mainis at magalit.

"Lumayo ka sa kaniya," ani ko at tinuro ang babaeng nakalugay na tila ba isang inosenteng babae. "Kung ayaw mong umiyak, lumayo ka sa kaniya."

"Huh?" takang tanong ng babae na tila ba napakainosente. "Excuse me, miss. Hindi ka namin kilala."

Bumaling ang babaeng nakalugay sa babaeng nabangga ko. "Tara na, best friend. Malalate na tayo sa meeting. Hayaan mo na 'yang babae na 'yan."

Napatiim bagang na lamang ako at muling bumuntong hininga. Hayst, ito na naman. Nangialam na naman ako sa buhay ng iba.

"Ikaw din, bahala ka kung ayaw mong lumayo sa babaeng 'yan," ani ko at muling tumakbo.

"Akala mo kung sinong mukhang santo, ahas naman," bulong ko habang tumatawid ng pedestrian.

Ilang lakaran na lamang at mararating ko na ang gate. Midterm exam ko pa naman ngayon, at hindi ako pwedeng mahuli sa klase!

Ngunit sa pag-iwas ko sa isang tae ng aso sa daan, isang lalaki ang bumangga sa aking balikat.

Naging dahilan iyon para tumapon sa sahig ang hawak kong mga libro. Sa kabutihang palad, hindi iyon dumapo sa taeng iniwasan ko.

"Miss, mag dahan dahan ka naman," ani ng lalaki. "Nakakabangga ka sa ginagawa mo."

At sa pag-angat ko ng tingin para silipin ang lalaking 'yon, agad akong sinabulong ng mga mata nya.

Sa pagkakataong iyon, hindi ko maiwasang magtaka nang makita ko ang isang senaryo kung saan... umiiyak ako sa harapan niya. Kitang kita ko kung paano ako humagulgol sa iyak.

"S -sino ka?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Dahan dahan kong inangat ang kamay ko at tinuro sya.

"B -bakit... umiiyak ako sa hinaharap mo?"

EstherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon