1

17 4 0
                                    

- ESTHER -

"Hindi ka na naman ba kakain?"

Yumuko ako kaagad at nag-iwas ng tingin kay mama.

"Hindi na po, mama," nahihiyang sagot ko. "Doon na po ako kakain sa office mamaya. Medyo late na rin po kasi ako."

Sa pagbaba ko ng hagdan, agad akong lumabas ng bahay. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na nagtungo sa terminal ng bus.

Medyo mainit, sapat na para magbutil ang pawis ko sa aking noo.

Kung bakit ba kasi late na naman ako nagising. Mabuti na lang at mabilis akong maglakad. Nang makarating sa waiting shed, agad akong umupo. At ilang sandali pa, isang bus ang agad na huminto sa harapan ko.

Pagsakay ko ay agad kong kinuha ang aking earphones at sinaksak sa aking tainga. Pinilit ko ang sarili na ngumiti at bumuntong hininga.

Ilang taon na rin, ilang taon na rin akong hindi makatitig sa mga mata ni mama.

Selfish man pakinggan ngunit ayokong makita ang hinaharap ni mama. Ayoko nang maulit ang bagay na alam kong wala akong magagawa.

Way back 2015, 7 years ago to be exact. Ang huling araw kung saan ko tinitigan sa mata si Mama. Kaya pala umiiyak lagi si mama kapag nakikita ko ang hinaharap nya.

Sa araw na 'yon, hindi lang si mama ang umiiyak sa hinaharap pati kami ng bunso kong kapatid. Pilit na pinipigilan ni mama si papa na huwag umalis ng bahay. Ngunit kahit anong titig ko sa mata ni papa, wala akong makita. Blanko, hindi sapat para malaman ko ang susunod kong plano.

Pilit kong pinakita kay papa na mahal namin sya. At nang dumating ang itinakdang araw, pagmulat ng aking mata ay sigawan ang narinig ko noong araw na 'yon.

At sa araw na rin na 'yon ang mga nakita ko sa mata ni mama ay tuluyang nangyari. At sa araw na rin na 'yon ay tuluyang nagtagpo ang mata namin ni papa. Nakita ko na sa wakas, pero mukhang huli na ang lahat.

Sa mga nakita ko ay halos gumuho ang mundo ko. Kitang kita ko sya, masaya sa piling ng ibang babae.

"Yung gagong 'yon," bulong ko at napatiim bagang na lamang.

Umiling ako at pinikit ang aking mata. Kung bibigyan lang talaga ako ng pagkakataon na alisin ang kakayahan na 'to, ginawa ko na matagal na.

Nakaka-stress, nakaka-drain, at nakakabaliw.

Gusto ko mang sabihin sa iba na may ganito akong kakayahan...pero sino ba namang maniniwala kung sasabihin ko na may kakaiba akong powers or so whatever?

Yung huling taong sinabihan ko nito, inakalang baliw ko at hindi na ako tuluyang pinansin.

Ilang minuto pa bago ako tuluyang bumaba. Pumasok ako ng building at agad na nagtungo sa 7th floor para kuhanin ang headphone sa locker ko.

Isa akong customer service representative, after kong grumaduate last year ay dito ako napadpad.

Bukod kasi sa nakakapressure ang walang trabaho ay ayokong matengga sa bahay.

After kong makuha ang headphone ko ay nagtungo agad ako sa prod.

Hindi pa ako nakakaupo nang harangin ako kaagad ni TL Arvin, ang team leader namin na babaero.

"Esther, I need you in my office," agad na sabi nya sa akin.

"Hindi pa ako nakakapaglog-in, sir," agad na tugon ko sa kaniya.

Hindi ko sya tinitigan sa mata, kalaswaan na naman kasi ang makikita ko sa kaniya. Akala mo kung sinong tahimik, babaero naman.

"Ok, sge," sagot nya. "After mo maglog-in, daan ka agad sa office. May sasabihin ako."

Tumango na lamang ako. Naglog-in lamang ako at nagset-up. After that, tumayo ako at nagtungo sa office ni sir.

Kumatok ako bago buksan ang pintuan.

"Umupo ka muna," ani TL sa akin.

Pag-upo ko ay isang puting envelope ang nilagay nya sa kaniyang desk.

"Mayroong binabang memo galing sa taas," panimula nya. "Isa ka sa mga kasamang maililipat sa night shift."

Napangiti na lamang ako. "Edi mas maganda, sir," tugon ko sa kaniya. "May night differential."

"Hindi mo na ako magiging TL if mapupunta ka sa gabi," agad na sabi nya.

Natawa na lamang ako ng mahina. "TL, ok lang. Magkikita pa rin naman tayo sa office," sagot ko habang nakatitig pa rin sa envelope na hawak ko.

Tumayo na ako at sa pagkakataong ito ay tumitig na ako sa mata nya. Wala na ang mga malalaswang imahe, may bitbit syang bulaklak sa kamay at matapos non ay hindi ko na makita kung kanino nya iyon ibibigay.

Hmmm, mukhang may nakabihag na ng puso nya.

Napangiti ako at napailing. "Mauuna na po ako, TL. Thank you po!"

Paglabas ko ng office nya, hindi ko maiwasang matawa.

Kanino naman kaya sya mahuhulog? Akalain mong may babaero pa palang nagtitino.

Sabagay, mukha naman talaga syang elegante tignan. Baby face at financially stable sa edad na 27. Samantalang ako na 23, ito at nangangapa pa rin. Kung hindi ko nga lang nakita ang parte ng hinaharap nya noong unang araw ko sa nesting ay sigurado akong magugustuhan ko sya.

Bumalik ako sa station ko at sinimulan na ang pagcacalls.

Typical na isang call center, mababadtrip at mababadtrip ka talaga.

May mga i-rate na customer, yung mga galit na galit na akala mo ay wala nang bukas. Kahit anong tulong ang gawin mo ay wala talaga, galit talaga sila.

Doon lamang tumakbo ang siyam na oras ng buhay ko. Araw-araw akong sinusubok ng mga customer, araw-araw na nadadagdagan ang pangako ko sa sarili na magreresign na ako.

Pero mahirap kasi ang matengga, lalo na at wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa agency na pinapasukan ko.

Minsan nga, humaharap ako sa salamin para naman makita ko kung may future pa ba ako o wala, pero di rin naman effective. Nagmukha lang akong tanga.

"TL, uwi na ako!" paalam ko sa kaniya at tuluyang umalis ng office.

Sumakay ulit ako ng bus at muling ipinikit ang mata. Ganito lang umiikot ang araw ko, nakakasawa na pero wala akong choice.

Mga ilang minuto pa bago ako bumaba ng bus. Umuwi ako sa bahay at nadatnan ko na naman si mama at ang bunso kong kapatid na si Carrie-- ang babaeng mahilig sa libro.

"Anak, kumain ka na," paanyaya sa akin ni mama.

Ngumiti ako at tumingin sa kaniyang damit. "Thanks, ma."

Ngunit nang uupo na ako, hindi ko maiwasang magulat nang hawakan ako ni mama sa pisngi.

Inangat nya ang mukha ko at sa hindi inaasahang pagkakaton, nakita kong muli ang kaniyang mata.

At doon, nakita ko kung paano na naman umiyak si mama sa hinaharaop Umiiyak habang nakatanaw sa isang hospital bed.

"C -carrie..." gulat na bulong ko nang makita kung sino ang nakaupo doon.
















EstherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon