5

10 2 0
                                    

"Anak! Ok ka lang ba dyan?"

Sigaw ni mama sa labas nang marinig ang malakas na sigaw ko.

Mukhang napalakas, mukhang umabot pa yata sa ibaba.

Kakapasok ko lamang ng kwarto at hindi ko inasahan kung sinong makikita ko na nakasandal sa bintana ng kwarto ko.

"O -ok lang po ako!" nauutal na sagot ko habang patuloy pa rin na nakatingin sa lalaking ito.

"M -matutulog na po ako! M -may nakita lang po akong ipis!" pagdadahilan ko sa kaniya.

Napalunok ako matapos kong sabihin ang mga bagay na 'yon. Pilit kong tinatagan ang sarili at huminga ng malalim.

Agad kong sinarado ang pintuan. Matalim akong tumingin sa lalaki para ipahiwatig na hindi ako natutuwa sa paglitaw nya rito.

"B -bakit ba nandito ka na naman?"

This time, wala na ang takot sa katawan ko. Napalitan na ng inis. Ito pa naman ang ayaw ko sa lahat, ang papasok sa kwarto ko nang walang paalam.

Hindi ko maiwasang mapatiim bagang habang patuloy pa rin syang tinitignan.

Kagaya nung mga nakaraang araw, ganyan pa rin yung suot nya. Isang black na polo, black pants, black shoes, at isang itim na libro.

"Nakalimutan ko kasi yung sasabihin ko last time," simpleng sagot nya habang kumakamot sa kaniyang batok. "May inasikaso kasi ako remember? Kaya bumalik ako."

"Please lang, kalimutan na lang natin na nakikita kita, ok?" mahinang sabi ko. "Ilang araw na akong walang tulog because of you. Maawa ka naman."

Kakauwi ko lang galing shift, at halos tatlong araw na akong gising dahil sa kaniya!

At hindi ko pa rin makalimutan ang mga nakita ko nung isang araw. Masyadong malayo sa katotohanan.

Napakamot sya sa kaniyang baba. Tila ba sya nag-iisip nang malalim. Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan lamang sya.

At ilang sandali pa ay tumingin sya sa aking mga mata. Kagaya nung dati, blankong puti.

"Nahihirapan kang matulog, right? I can help you with that."

Kumunot ang noo ko. Binaba ko ang bag na dala ko sa sahig at tumingin ulit pabalik sa kaniya.

"Yup, matutulungan mo ako kung lulubayan mo na ako," agad na sabi ko. "Huwag mo na akong gambalain, please. Ipagdadasal na lang kita araw-araw."

Napangisi sya at napailing. Bahagya ko tuloy nakita ang matangos nyang ilong.

"Base sa itsura mo ngayon, mukhang mahihirapan ka na matulog. Lalo na at panggabi ka na."

"E, paano mo naman nalaman na panggabi na ako?" agad na tanong ko sa kaniya. "Sinusundan mo ba ako?"

"Narinig ko yung mom mo kanina," simpleng sagot nya. Tinaas nya ang kamay nya. "Promise, makukumpleto yung 8 hours of sleep mo and I am going to make sure na safe ka sa gabi. Just do me a favor, miss."

He looks like someone na nag-aaral sa isang private school. I mean his accent, masyadong maarte pakinggan.

Wala na akong maisip na dahilan para lubayan nya ako. At para matigil na ang kalokohang ito ay nagpakawala ako ng isang buntong hininga.

Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Ok, fine," pagsuko ko. "Pero bago mo sabihin sakin yang favor mo, I am going to set a rule here."

Nakita ko kung paano mag-iba ang aura ng kaniyang mukha. Naging masaya sya sa madaling salita. Pero ako? Not sure kung magiging masaya.

Hindi na ako nag-isip ng matagal. Isa lang naman ang gusto ko, privacy.

"Wag na wag kang papasok sa kwarto ko nang tulog ako or naliligo," agad na sabi ko sa kaniya.

"Noted with that," segunda nya.

"At wag na wag kang papasok sa kwarto ko nang wala ako," pahabol na litanya ko.

Napatawa sya ng mahina. "Yun lang naman pala," naiiling na sagot nya. "Trust me, I can do that."

Napairap ako sa sinabi nya. "Bilis na, gusto ko nang matulog. Kahapon pa ako di makatulog sa ginawa mong pagkuha sa kapitbahay ko--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapagtanto ko kung anong mga salita ang lumabas sa bibig ko.

Shit.

"Y -you saw me yesterday?" agad na tanong nya. "Pati yung pagtawid namin ay nakita mo?"

Kainis naman. Para na akong lutang na lutang. Ito yata talaga ang resulta kapag wala kang tulog ng dalawang araw o mahigit.

Wala akong nagawa kung hindi amg tumango.

"Hindi ka lang basta multo, hindi ba?" paninigurado ko.

"Hindi nga ako multo," pag-ulit nya. "I already told you na hindi ako kabilang sa kanila."

"Grim reaper?" walang atubili kong tanong.

Dahan dahan syang tumango. Muli akong napairap.

"Oh, e iisa lang naman yon. Pareho lang naman na multo."

"Hindi mo ako pwedeng tawaging multo dahil iba kami sa kanila. Ang multo yung mga kaluluwang sinusundo namin kaya hindi mo kami pwedeng itulad sa kanila," mahabang paliwanag nya.

Nag-explain pa, hindi ko rin naman maiintindihan kasi inaantok na talaga ako.

Napahikab ako at bahagyang nag-unat. "Oh, siya. Sabihin mo na yung request mo."

Nang hindi sya magsalita ay tinitigan ko sya. Nakita ko kung paano sya bumuntong hininga, yung tipong biglang kinabahan.

Hinintay ko syang magsalita dahil parang hindi sya sigurado sa sasabihin nya.

Hanggang nag-angat sya ng tingin at bahagyang ngumiti sa akin.

"P -pwede mo bang hanapin ang hospital kung saan ako naka-confine? Gusto ko lang malaman kung anong dahilan kung bakit ako nandito ngayon."

Hindi ko maiwasang magtaka. Wala akong maintindihan, o sadyang sabog lang talaga ang ulo ko dahil walang tulog.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "E di ba patay ka na kaya ka naging grim reaper?"

"H -hindi pa ako, patay," agad na sagot nya. "Isang araw nagising na lang ako na nakatayo sa harap nya."

"Sino?" agad na tanong ko.

"Wala syang pangalan pero sinabi nya na kailangan kong makumpleto ang mga ihahatid ko sa tamang oras para makabalik ako sa katawan ko," mahabang paliwanag nya.

"Yun naman pala, e. Makakabalik ka naman pala. Bakit kailangan mo pang itanong sakin kung saang hospital ka naka-confine?"

Hinimas nya ang itim na librong hawak nya.

"H -hindi ko rin alam, pero may kung ano sa sarili ko na gustong malaman ang dahilan kung bakit ako...nawala sa katawan ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EstherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon