"Sigurado ka bang ok ka lang, iha?"
Napapikit ako sa tanong na 'yon. Hinawakan ko ang makapal kong jacket. Pilit akong ngumiti at tumingin sa mga mata ng bago kong TL na si TL Kim.
Sa kaniya ako nilipat ni TL Arvin. At mukhang ok naman sya hindi tulad ng ibang TL dito sa office.
Nakalugay ang kulot nyang buhok. Judgemental man pakinggan pero mukhang na sa edad 40 na siguro sya dahil sa mga kulay puting buhok na tumatakas sa kaniyang buhok.
At sa mga mata nya, wala akong ibang makita kung hindi kaligayahan and successful na hinaharap.
"Ok lang po talaga," nahihiyang sagot ko sa kaniya. "Siguro nag-aadjust pa po yung katawan ko."
Tumango-tango si TL Kim sa sinabi ko. Napahawak sya sa baba nya at tinitigan ako.
"Siguro nga. Para ka kasing walang tulog. Natulog ka ba kanina?"
Doon ay natawa sya nang makita akong hindi sumagot.
Totoo naman talaga, anong isasagot ko kung wala? Magdamag lang akong gising kanina at pilit prinoseso ang mga nakita kagabi.
"Normal lang 'yan. Mahirap mag-adjust sa sleeping schedule lalo na't two days transition lang ang binigay," dagdag nya.
May kinuha syang papel sa drawer at pinapirma sa akin.
Halata siguro sa mukha ko na wala akong tulog ngayon. Mukha siguro akong zombie.
Kinuha ko ang papel at ballpen. Inumpisahan kong basahin ang papel ngunit wala talaga akong maintindihan.
Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala.
Sa mga telenovela ko lang kasi napapanood yung mga ganito. Yung may sinusundo na kaluluwa.
Kung isa syang grim reaper, hindi kaya susunduin nya si Carrie kaya sya na sa bahay nung gabing 'yon?
Pero hindi, imposible. Dahil hindi naman nawala ang kapatid ko nung gabing 'yon. Hindi naman nya nasundo si Carrie.
"Baka napadaan lang?" mahinang tanong ko sa aking sarili.
"Sinong napadaan, iha?"
Agad akong napabalikwas sa gulat nang marinig ang tanong ni TL Kim. Mukhang napalakas yata ang tanong ko sa sarili.
Umiling ako bilang sagot sa kaniya. At sinimulang pirmahan ang dalawang papel.
"Nga pala, papunta na ang mga bago mong team. Ipapakilala kita mamaya kapag lunch mo, tutal same lunch naman kayong lahat sa team ko."
Tumango ako bilang sagot. Matapos kong pirmahan ang dalawang papel ay inabot ko 'yon sa kaniya at tumayo. Nagpasalamat ako sa kaniya at bahagyang ngumiti.
"Welcome to my team," nakangiting bati nya sa ikalawang pagkakataon.
"Thank you po ulit, TL Kim."
**********
I-rate na customer talaga ang nagpawala ng antok ko sa loob ng apat na oras.
Sila yung mga galit na galit, yung tipong kakasagot mo lang ng tawag ay sigaw agad ang bubungad sayo.
Halos pareho lang naman sa morning na puro i-rate customer.
Kaya lang, ang pinagkaibahan lang sa pang-umaga ay masyadong avail dito sa gabi. Ibig sabihin, iilan lang yung calls kaya medyo boring din pala. Pero ok lang, may night differential naman.
Nang makita kong lunch ko na ay in-off ko muna ang system ng pc ko. Nag-unat ako saglit at tumayo na sa station ko.
Mabigat na yung mga talukap ko sa mata, pero lima na oras pa ang kailangan kong tiisin bago makauwi.
Hindi lang pala ako ang tumayo sa station ko, may iilan din mula sa katapat naming bay.
Nagtungo muna ako sa locker ko at kinuha ang cellphone at wallet ko. Matapos kong gawin 'yon ay nagtungo ako sa office ng bago kong TL.
Medyo malawak ang floor namin, kaya medyo malayo pa ang lalakarin ko. Mabuti na lang at air-conditioned ang buong building. Lalo na itong floor, masyadong malamig. Tama lang para sa suot kong makapal na jacket na kulay brown.
Pagpasok ko sa office ni TL Kim, anim na tao ang nakita ko. Lahat sila ay napatingin sa akin at ngumiti.
Limang babae tapos isang lalaki.
Wow, anim lang sila sa team nila?
"Guys, this is Esther!' sigaw ni TL Kim at tumayo mula sa upuan. "And Esther, this is your teammates!"
Tinitigan ko sila isa-isa sa kanilang mata. Normal lang naman, except sa lalaking na sa dulo.
Matangkad sya, matangos ang ilong, maputi, at may tattoo sa kanang braso. In short, gwapo ang isang 'to. Yung tattoo nya na isang tigre sa buong kanang braso ay bumagay sa kaniya.
Masyadong weird.
Nakita ko kasi na kasama nya ako sa hinaharap. Alam ko namang glimpse lang ang mga nakikita ko, mga kakapiranggot na senaryo na walang specific na oras.
"Nice to meet you all," ani ko at yumuko sa kanila.
Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na. Hindi kasi talaga ako sanay na maraming kasama sa lunch.
Pagsakay ko ng elevator ay napabuntong hininga ako.
Gusto ko pa sanang suklian yung lalaking 'yon ng matagal na tingin para naman malaman ko kung bakit kami magkasama sa hinaharap nya pero wag na, baka iba ang isipin nya.
Pumila ako sa cafeteria, magririce ako ngayon. Pero hindi ako magheheavy lunch, masama sya sa katawan lalo na't mahina ang digestion sa gabi.
"Isa pong adobo," sabi ko habang nakaturo sa salamin. "Tapos isang rice lang po. If may sabaw pahingi na lang din ako ate."
Ngumiti si ate at tumango. Nagtungo naman na ako sa cashier para magbayad.
Medyo kaunti lang ang tao ngayon sa cafeteria. Siguro dahil na rin sa schedule.
Pagbukas ko ng wallet ay kinuha ko roon ang buong isang daan. 75 pesos kasi ang rice at ulam dito.
Pero pagkuha ko ng 100 sa wallet ko, isang papel ang nalaglag doon.
Kinuha ko iyon sa lapag. Nakatiklop yung papel kaya di ko maiwasang mapakunot ng noo. At nang makita na hinahanda pa yung order ko ay binuklat ko ang maliit na papel at binasa.
"Stay away from him," bulong ko habang nakakunot ang noo.
Huh?
Kanino ako lalayo?
At teka, kanino naman kaya galing ang papel na 'to?
"Miss, ito na yung sayo," pagkuha ng cashier sa atensyon ko. "Ito na rin po yung sukli nyo."
"T -thanks," nahihiyang sabi ko at kinuha ang tray.
Shocks.
Kanino naman kaya galing ang papel na 'to?
At kanino ako lalayo?
Nang mailapag ko ang tray sa bandang dulo ng cafeteria ay umupo ako agad. Pero hindi pa nag-iinit ang pwetan ko nang may isang boses akong narinig sa aking gilid.
"Pwedeng makiupo?"
Tinignan ko kung kanino 'yon galing, at halos magtagpong muli ang mga mata namin sa ikalawang pagkakataon.
"I'm Raymond," nakangiting pakilala nya. "Yung bagong team mo. Pwede bang makiupo?"
BINABASA MO ANG
Esther
FantasyMula pagkabata, alam na ni Esther na mayroon syang kakaibang kakayahan-- ang kakayahang makakita ng mga senaryo ng isang tao sa hinaharap. At sa bawat pagkakataon na makita nyang hindi maganda at mapanganib ang mangyayari sa mga nakakasalubong nya...