2

10 3 0
                                    

"Carrie, kumain ka pa."

Kasabay nang pag-abot ko ng mansanas ay syang pag-iling ng kapatid ko sa akin.

"Ate, busog na po ako," aniya at inilayo ang mansanas sa kaniya. "And it's already 8 na po, late na po ako sa bus."

Napalunok ako at napatingin sa orasan. Patuloy lamang sa pag-andar ang mahabang kamay nito.

Oo nga, mahuhuli na sya para sa bus.

Bumuntong hininga na lamang ako. Inayos ko ang kwelyo ng kaniyang uniporme at muling tumitig sa mga mata nya.

Ganon pa rin, blanko at walang laman.

Alam ko kung anong ipinapahiwatig ng blankong hinaharap, at gagawin ko ang lahat para hindi iyon mangyari sa kapatid ko.

Masakit man pero kailangan kong labanan. Kagabi pa nga ako walang tulog, kakaisip kung paano at ano ang dahilan para sapitin iyon ng kapatid ko.

Ngumiti ako sa kaniya at pinaglandas ang aking mga kamay sa kaniyang buhok.

"Mag-iingat ka sa byahe mo, ah," nakangiting panimula ko. "Lagi kang tumingin sa kaliwa pati sa kanan bago ka tumawid. Gusto mo ba samahan na kita sa labas?"

Kumunot ang noo nya sa mga sinabi ko. "Ate naman, dyan lang naman po sa tapat ng bahay yung bus. Tapos ibababa naman po kami ni manong driver sa loob mismo ng school."

Ngumuso sya na para bang isang bibe dahilan para mas lalo akong masaktan.

"Basta, lagi kang mag-iingat, ok?"

Ilang sandali pa, isang busina ang aming narinig sa labas ng bahay.

"Nandyan na pala yung sundo mo," ani ko at inalalayan syang tumayo.

Pagbukas ng pinto, agad kong sinigurado na makakasakay si Carrie sa bus.

Tinawag ko si Kuyang Driver. Paglingon nya ay agad akong kumaway.

"Mag-iingat po kayo, manong! Dahan-dahan lang sa pagmamaneho!"

At nang magtagpo ang mata namin ay nakampante na ako sa wakas. Ligtas silang makakarating sa school, wala na akong dapat ipangamba...sa ngayon.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naisipan kong magpahinga at matulog. Wala pa rin si mama, marahil ay natagalan sa pamamalengke.

Pagpasok ko sa kwarto, hinayaan ko ang sarili na humiga sa malambot na kama. Hanggang sa wakas, tuluyan din akong nilamon ng antok.

******

"Anak, kumain ka na!"

Naalipungatan ako sa mga narinig. Nag-unat muna ako saglit bago tuluyang tumayo.

Tumitig ako sa pahabang orasan na patuloy na kumikislap sa ibabaw ng mga libro ko.

"11:38," bulong ko sa sarili.

Wait.

Teka lang.

16 hours?

Oh my god!

16 hours akong nakatulog?

Ganoon na ba talaga kapagod ang katawan ko para makatulog nang ganon kahaba?

Kaya pala parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Pagtayo ko ay narinig ko si mama na nagsalita sa labas ng kwarto ko.

"Esther, gising ka na ba? Kumain ka na sa baba, may ulam na doon. Tinirhan ka namin, initin mo na lang at matutulog na kami. May pasok pa si Carrie bukas."

EstherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon