(𝘍𝘦𝘳𝘯)
Maliwanag na maliwanag ang sikat ng araw habang nasa labas ako. Todo na sa pagtulo ang mga pawis mula sa akin pero hindi ko 'yon alintana nang lumapit ako sa isang grupo ro'n na may pinaghalong mga babae at lalaki na halatang teenagers pa lamang.
"Umm, hello?" parang ka-barkada lang na approach ko sa kanila. May ibinigay akong papel sa kanila pero parang hangin lang ako na 'di pinapansin ng mga ito. "Umm, sorry for interrupting your talk, ano? Puwede ba kayo na kumuha ng survey? This will only take a few minutes, actually."
"Ang taas ng araw, ano?" pambabalewala ng babaeng inabutan ko ng papel, tiyak kong leader nila ito dahil sa postura nito at sa pananalita niya. Alam kong sadya ang binitiwan niyang mga salita at sinasadya niyang i-alis sa akin ang atensyon ng mga kasama niya. "Grabe, tara na nga. Umalis na tayo kasi mainit na at naiistorbo tayo—"
"If I'll give you one thousand pesos each, sasagutan niyo ba ang survey?" Napalingon sila sa akin at inilabas ko ang wallet kong halos masira na ang leather sa kapal. Ibinigay ko na ang mga papel at agad nilang tinanggap 'yon. "Please don't rush, I need honest answers. I'll pay all of you kapag natapos ninyo. I just need this for my job. Take your time!"
Nagpaka-busy muna ako sa nakita kong puno sa malapit bago tingnan ang mga na-kolekta kong survey data. Iba ro'n ay kusang sinagutan ng mga tao, habang karamihan naman doon ay kinailangan ko pang bayaran. 'Di naman problema sa akin ang pera dahil laging puno ang ATM ko at natural lang 'yon dahil paborito ako nina Papa Graciano—lolo ko, at Mama Delia—ang aking lola. Spoiled ako bilang bata at ayaw naman nila akong pinapagalaw masyado dahil katatapos ko lang ng pag-aaral. Late ako ng dalawang taon sa mga kasabayan ko dahil may panahon na lagi akong nagkukulong lang sa bahay at ayaw malapitan ng kahit na sino.
Nakatapos ako sa isang 'di kilalang paaralan at Fine Arts ang natapos kong kurso. Hilig ko talaga ang magpinta noong bata pa lang ako at masarap na napapalibutan ako ng kulay at ng mga nakabibighaning obra. Mahilig akong magpinta dati at nasa kuwarto ko lahat ng painting ko noon. Nahinto lang 'yon dahil sa isang bagay...
"Ate! Narito na po ang mga pinapasagutan niyo!" Para akong nakabalik sa reyalidad nang may babae akong naaninag sa tapat ko. Ibinigay niya agad ang papel sa akin, at dali-dali kong tiningnan 'yon. Tugma naman ang sagot niya sa huling illustration na nilagyan niya ng check kaya tiyak kong nagpakatotoo ito. "Pera po, ate? Akin na."
"Here it is." Naglabas ako ng makapal na bulto ng tig-iisang libo at inilagay ko 'yon sa kamay niya. "Distribute this sa mga tumulong sa akin. Fair lang, ha?"
Nagningning ang mga mata nito nang makuha ang pera mula sa akin at kumuha pa ito ng isa ro'n bago itapat sa araw para siguraduhin kung tunay ang pera. Tumalikod na agad ako bago maglakad palayo habang iniisa-isa ang mga sinagutan nila.
"Oh, it seems like a lot of them loves pastel colors. And anime illustrations too." Inilipat ko ang mga papel at pare-parehas ang gusto nilang lagyan ng tsek. "Pink, yellow, light blue, and light colors appeals more to them. And they like the third illustration that I made."
Tiningnan ko ang kamay ko at nakita ko ang malaking hiwa mula sa tuktok ng hintuturo ko—na tuluy-tuloy hanggang sa aking siko. Hindi magawa'n ng paaran iyon at tiyak na habambuhay nang marka iyon sa akin. Itinago ko na lang 'yon dahil agaw-pansin sa mga nakakakita.
"That's Fern Suarez, right? Oh, that's her!"
May isang babae na lumapit sa akin na hindi ko nakilala. Agad niyang ipinatong ang mga kamay niya sa balikat ko, kaya inalis ko 'yon nang may paggalang at nang dahan-dahan.
"You don't know me? 'Di mo na ako kilala?" Ngumuso ito at parang may namukhaan akong babae sa kaniya. "I'm Penelope, Fern."
"Umm, I can't recognize you. Baka iba lang ang nakita mo sa akin. I'll be going, bye."
BINABASA MO ANG
La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]
RomanceNararapat bang respetuhin ang mga puta? Sila nga ba ang talagang walang respeto sa sarili nila, o biktima sila ng kinagagalawan nilang mundo? Hindi lahat marumi. Hindi lahat ginusto ang nangyayari sa kanila. May mga talagang biktima. May mga nahubog...