(𝘛𝘢𝘣𝘪𝘵𝘩𝘢)
"Tabitha, oh God..."
Parang walang nagbago kay Fern nang makita ko ulit ito. Napahawak ako sa dibdib sa sobrang bilis ng pagtibok no'n, saka ko siya tinitigan nang masama. Akmang mas hahawak pa ito sa akin nang itabig ko ang kamay niya palayo.
"Hindi kita kilala!" galit na sigaw ko sa kaniya. Mabilis akong tumayo at gano'n din ito. "Kung may sekretarya lang ako ngayon, sana ipinatulak kita. Pinaghahawakan mo pa ang pisngi ko!"
"Are you alright?" pambabaliwala niya sa sinabi ko. Gumilid ito at tiningnan niya ang siko ko. "Nagasgasan, Tabitha. Do you want me to bring you to the clinic?"
"Tabitha? Kilala mo pala ako?" Tumawa ako nang mapait bago magpagpag sa sarili. "Akala ko po ba, 'di niyo ako kilala? Miss CEO."
"I'm sorry." Umikot ang mga mata ko sa kaniya at pinilit kong magtaray pero uminit lang 'yon at um-eskapo agad ang bultu-bultong luha. Muli siyang lumapit sa akin at pinunasan niya ang mga mata ko. "You're crying. Don't cry, please. Huwag mo akong iyakan. Do you want us to eat somewhere? My treat."
"Talaga lang, ha? Alam mo, ang layo mo na sa akin. Nakakahiya naman na samahan ka dahil kagaya noon, baka bigla kang magkaroon ng amnesia at 'di mo na ulit ako kilala. I'm sorry, pass ako riyan."
Naglakad na ako palayo sa kaniya at nakadama ako ng saya nang 'di na niya ako ulit sinundan pa. Namamasa na ang leeg ko sa luha habang naglalakad ako patungo sa kotse at parang 'di maawat 'yon. Huminto ako malapit sa stoplight dahil napakalabo na ng mga mata ko at hirap akong makakita.
"Gano'n ba siya umarte? Talaga bang parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya noon? Umiiyak ba ako dahil nasasaktan ako, or galit na galit ako sa kaniya? Apat na taon na, baka nga lima na, e. Dapat hindi ko na kinikimkim 'yon." Kumuha ako ng panyo mula sa bag at pinunas ko agad iyon sa mga mata ko. Muli kong sinigawan ang aking sarili, "Huwag ka nang umiyak. Please, kumalma ka na Tabitha!"
Biglang bumuhos ang ulan na parang nakikidalamhati sa akin at ganap nang nabasa ang katawan ko. Hindi ko dama ang lamig—parang masaya pa nga ako dahil kahit ilang mga tao ang tumatawid at sumasalubong sa akin ay 'di nila mahahalatang umiiyak ako.
"Tapos na ang ulan?" Biglang huminto sa pagpatak ang ulan sa akin at nakita kong may maliit na payong na sa ulo ko. Nakita ko ang kamay na may hawak na payong, kaya sinundan ko iyon ng tingin. Nagulat ako nang makita kung sino ang may hawak no'n, "Nandito ka?! Bakit ka narito?!"
Nakapikit nang mariin si Lucinda habang pumapatak dito ang tubig ulan. Naawa agad ako sa estado niya at inilagay ko sa side nito ang payong, pero itinulak niya iyon papunta sa akin.
"Ayos lang!" sigaw niya. Pinunasan nito ang mga mata niya bago tumingin nang diretso sa akin. "Kaya kong magpaturo sa'yo kahit may lagnat, ikaw 'di mo kaya na turuan ako kapag may sakit ka. Ayos lang. Iyo na 'tong payong, isasalba ko lang ang mga pinamili ko dahil mahirap na kapag nabasa."
Tumakbo kami nang mabilis patungo sa kotse ko at nauna na akong isakay ni Lucinda. Sunod niyang inilagak ang mga gamit niya sa likod ng kotse, bago pumunta sa upuan sa harap at dali-dali kong itinutok sa kaniya ang air conditioner. Nagtanggal na muna ako ng damit at kinuha ko ro'n ang duffle bag ko, bago manghagilap ng pamalit at tuwalya.
"Ayos lang ba na nakahubad kang ganiyan at bra lang ang suot?" Kumaliwa ako ng tingin at nakita ko siyang nakatingin sa mayayabong kong mga dibdib. Agad itong tumingala pero nauntog lang siya sa upuan at bigla akong natawa. "M-Mali ang iniisip mo, 'di ako manyakis! Ang laki kasi, parang mga pakwan. Concerned lang ako sa mga puwedeng makakita sa'yo."
"Don't worry, tinted naman ang windows ko. Saka baka magkalagnat ka, let me help you." Umusog ako papunta sa kaniya pero bigla lang itong namula at takot siyang lumayo sa akin. "Don't mind these! Hindi ka nila kakainin. Maghubad ka na at pahihiramin kita ng mga damit. Maybe you can escort me to the mall because I'm planning to buy a laptop for you. Alam mo na, mas effective na paraan ng pagtuturo."
BINABASA MO ANG
La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]
RomanceNararapat bang respetuhin ang mga puta? Sila nga ba ang talagang walang respeto sa sarili nila, o biktima sila ng kinagagalawan nilang mundo? Hindi lahat marumi. Hindi lahat ginusto ang nangyayari sa kanila. May mga talagang biktima. May mga nahubog...