Chapter 13

439 11 0
                                    

(𝘓𝘶𝘤𝘪𝘯𝘥𝘢)

Halos hatinggabi na nang makarating ako sa bahay ni Tabitha dahil hindi ko talaga matiyak kung ano ang gagawin ko sa kaniya lalo na't parang nasaktan ko talaga ito. Hindi ko lang alam kung tumatanggap ito ng mumurahing mga regalo dahil nga nalaman kong may sarili itong business at parang mga kilala at mayayaman lang ang puwedeng lumapit sa kaniya. Bahala na, basta't ayaw kong masama ang loob niya sa akin dahil hindi ko gustong makatulog na may kagalit. Aminado ako na ako'y nasa kamalian at nais kong magkaayos kami.

Paulit-ulit kong pinindot ang doorbell ng bahay hanggang sa halatang nainis na ang babae sa loob at pinagbuksan na ako nito ng pintuan sa gate. Agad kong iniharap sa kaniya ang plato, at ang tambak na inihaw ko kanina.

"Pasensiya na," sincere na bungad ko sa kaniya. "Magkapitbahay tayo, 'di ba? Dapat pala hindi ako masama sa'yo. Pagpasensyahan mo na ako kung sakali mang nabastos kita sa nangyari. Aminado ako ro'n."

"At? Tingin mo tatanggap lang ako ng pasensya? Akin na 'yan." Tipid akong ngumiti sa kaniya nang kunin nito ang plato at tinikman niya agad ang barbeque roon. "Salamat, gutom na rin kasi ako. Pumasok ka nang makita mo ang ginawa mo."

Sinundan ko na agad ito papasok at nakita ko na mas maliit pala ang bahay niya kaysa sa akin. Panay makabago nga lang ang mga materyales at halatang magaling ito sa pagdidisenyo. Dinala niya ako sa likod-bahay at nakita kong kulob doon saka amoy mabaho.

"May naipit na patay na daga sa drainage ng kapitbahay kaya sa tapat ako nagsasampay ngayon. Ang underwear at maselan kong mga damit, sa taas. Nagkataon lang na sa labas ako nagsampay dahil nagluto ako ng tuyo kanina at baka bumaho ang damit." Mas na-guilty pa ako sa sinabi niya habang wala lang sa babae na nilalantakan ang barbeque ko. "Hayaan mo na, nangamoy inihaw na at puwede pa namang labhan sa kamay. Kamay ang gamit ko dahil masisira ang tela ng damit if I'll use the washing machine."

"Marunong akong maglaba," pagbo-boluntaryo ko sa kaniya. "Iingatan ko 'yon at lalabhan nang maayos, pangako. Nalabhan na ba?"

"Sa tagal ng panahon na lumipas, malamang," sarkastikang sagot niya. "Pero maganda rin na paglabahin kita ng mga damit ko. I want hand wash, you might break my washing machine kapag iyon ang ginamit mo."

"Sige. Ano pa? Baka kasi galit ka pa..."

"Wala na." Naglakad na siya patungo sa pintuan at binuksan na niya 'yon. "Labas na, 'di na kita kailangan."

"Saglit nga lang." Huminto ako malapit sa pintuan at tinitigan ko si Tabitha. "Ang daya naman kung tatambakan mo ako ng gawain tapos 'di ko alam kung areglado na ako sa'yo. Sabihin mo nga kung talagang ayos na tayo para 'di tayo mahirapan."

"Bakit ngayon pa? What if magtrabaho ka muna bago kita mapatawad?"

"Diyan tayo malabo, e," kalmadong sagot ko sa kaniya. "Hindi naman patas ang gagawa ako para sa'yo tapos dehado ako kapag 'di napatawad. Saka alam mo, hindi ko naman kasi alam na nagkamali ako."

"Ignorance isn't an excuse."

"Ano?!" Agad akong napahawak sa ilong dahil parang lalabasan 'yon ng dugo. "Tabitha, 'di kita maintindihan. Puwede ba na gamitin mo ang wika natin? Parehas naman tayong nasa Pilipinas."

"Ang sabi ko, 'di sapat ang kawalan mo ng pakialam or kaalaman para maging palusot. 'Di ka marunong ng english?"

"Paano ko malalaman iyan, e lagi akong natutulog sa klase? Idagdag mo pang high school lang ang natapos ko at tinamad na akong mag-college. Sige, susundin kita. Basta't gusto ko na may kasiguraduhang magiging ayos tayo."

"Okay!" pagpayag niya. "I assure you, we will be okay. Sigurado ako basta't magiging mabait ka sa akin at 'di mo na ako pag-iinitan."

"Sige, areglado!" Nilakad ko na ang patungo sa labas ng bahay nito at tumingin ako sa kaniya. "Lagi naman akong narito, pero sana sa gabi mo na ako utusan dahil lagi na akong maagang magsisimula sa trabaho. Kailangan ko talagang kumita para may ibigay kay Nanay Luning. Para kasi niya akong babarilin ng armalite kung magsalita at daig pa niya ang pari kapag nanenermon."

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon