(𝘛𝘢𝘣𝘪𝘵𝘩𝘢)
Napaupo na ako sa kama nang bigla akong magising. Nakita ko na lang ang sarili kong balot sa kumot, pero wala akong maramdaman. Dinampian ko ng kamay ang aking pagkababae pero walang semilya ro'n o kaya'y senyales na may gumalaw sa akin. Wala na ring tao na kasama ko at parang nakatulog lang talaga ako—except sa fact na nakahubad ako at balot ng kumot.
Tumayo na ako saka dali-daling nagbihis nang dahil sa matinding takot. Baka bigla kaming magtagpo ni Jayden, at maisip nito na talaga nang galawin ako. Nag-ayos na agad ako ng damit at natigilan ako nang makakita ng litrato na nakadikit sa television. Kita roon si Jayden at katabi niya ako—habang parehas kaming nakasuot sa ilalim ng kumot. Hindi ko maiwasang mandiri dito at sa litrato namin. May nakalakip din na computer generated na mensahe roon.
"Tabitha, you know what I mean," pagbasa ko sa letter na nasa likod ng litrato. "Once my ate knows about this, tingnan na lang natin. You'll be damned for life and alam mo na ang magiging reaksyon niya."
"Argh! Gago ka!" Pinunit ko na ang picture bago itapon sa basurahan. Tiyak na bina-blackmail ako nito, at baka hindi ako paniwalaan ni Fern kapag nalaman niya. Maiisip nitong nag-sex kami ni Jayden at naghahanap ako ng excuses. Sinipa ko ang basurahan bago mapaupo sa kama. "Putang ina ka talagang lalaki ka, mamatay ka na lang! Mamatay ka na!"
Naisip ko nang umalis agad at dinampot ko na lang ang bag ko saka tumakbo patungo sa exit ng hotel. Nakarinig ako ng wangwang ng police car sa malayo, at nagulat ako nang huminto 'yon sa tapat ko. May police officer na humarang sa akin at may idinikit ito na papel malapit sa aking mukha.
"Confirmed, ito nga si Tabitha Estrella," iwinika niya habang nakatingin sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko, at itinuro niya ang police car. "Ma'am, sumama na po kayo sa akin."
"B-Bakit?!" takut na takot na tanong ko sa kaniya. May ibinigay na itong papel sa akin at tiningnan ko iyon. Nakasaad doon na missing ako. "Sinong nagsabi na nawawala—"
"Tabitha!" Nakita ko si Fern na nakasilip sa bintana ng kotse nito at halos mabangga na 'yon sa sidewalk nang ipara niya. Napakabilis nitong tumakbo papunta sa akin at nakita ko na basang-basa na rin ang damit nito na sa hula ko ay luha niya. Niyakap ako nito nang mahigpit bago halikan sa labi. Hinawakan nito ang leeg ko nang matapos siya at pinasandal ako ni Fern sa bandang dibdib nito. "I'm so scared. I'm really scared na baka napahamak ka na. Tabitha, hindi ako makatulog sa sobrang takot. Akala ko napaano ka na! Are you okay?! Saan ka nakatulog?!"
Tiningnan ni Fern ang mga police officer na nakatingin sa amin at bigla niyang inabutan ng pera ang babae. Ibinalik niya agad ito kay Fern, pero mismong ito na ang nagbigay sa kaniya. "Don't worry, that's nothing. Pabuya ko na 'yan sa paghanap ninyo sa kaniya. I'm so thankful, and sana marami pa kayong matulungan. Salamat sa ginawa ninyo, ako na ang bahala sa kaniya."
Umalis na ang mga ito at muli akong niyakap nang mahigpit ni Fern—na dahilan para lumambot ang puso ko ulit at umiyak na lang sa bisig niya. Humiwalay na ito sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko.
"Have you eaten? How are you? Tabitha, ano ba talaga ang nangyari?"
"A-Ano..." Naglumikot saglit ang aking mga mata para makapag-isip. "Nakatulog lang ako sa hotel, Fern. Nalasing kasi ako sa alak at talagang pagod na ako. Hindi ba't alam mo naman—"
"Wala akong natanggap na mensahe mula sa'yo," seryosong tinuran niya sa akin. Inilabas nito ang cellphone niya at nakita ko lang doon ang more than 100 times nitong pagtawag sa akin. "Tabitha, wala akong natanggap na message. That's why halos mawalan na ako ng katinuan sa paghahanap sa'yo. Sino ba ang sinasabi mong nagpaalam sa akin?"
"F-Fern..." Pilit kong inalala lahat ng nangyari kagabi pero kaunti na lang ang naalala ko. Umiling na lang ako rito at tumingin ako nang diretso sa kaniya. "I'm so sorry, Fern. Sana mapatawad mo ako."
BINABASA MO ANG
La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]
RomanceNararapat bang respetuhin ang mga puta? Sila nga ba ang talagang walang respeto sa sarili nila, o biktima sila ng kinagagalawan nilang mundo? Hindi lahat marumi. Hindi lahat ginusto ang nangyayari sa kanila. May mga talagang biktima. May mga nahubog...