Chapter 16 [R18+]

801 9 0
                                    

(𝘛𝘢𝘣𝘪𝘵𝘩𝘢)

Bumalot ang matinding dilim sa amin nang isara ni Fern ang pinto ng silid na 'di ko mawari kung ano ang nasa loob. Nadinig ko na may iniharang itong upuan sa pinto, saka ko naramdaman ang presence niya malapit sa akin.

"I love you, Tabitha." Napaangat ang mukha ko nang muli niya akong halikan. Yumakap ito sa akin, saka ko nadama ang kamay nito na nagtatanggal ng suot kong dress. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na makiramdam sa kaniya dahil wala akong makita. Naramdaman ko ang labi nito sa leeg ko na senswal na humahalik doon. "I miss you so much..."

"Ma'am Fern? Si Ma'am Fern, hanapin niyo dali!"

Sabay kaming huminto nang makarinig kami ng ingay sa labas. Nagtututunog na rin ang cellphone nito, saka niya tiningnan iyon. Nabasa ko ang tambak na mensahe sa kaniya at sumilay ang lungkot sa mga mata nito.

"I'm sorry, I have to go."

"Ayos lang," tipid na sagot ko sa kaniya. Inayos ko na ulit ang damit ko at ngumiti ako kay Fern. "Let's go back."

Lumabas na muna ako bago ito sumunod sa akin matapos ang ilang minuto. Nakarating na ako sa mesa namin kanina ni Lucinda, at bigla akong natahimik nang makita ito. Nakangiti lang siya sa akin kaya agad akong tumabi rito.

"Ang tagal mo, ha?" natatawang tanong ni Lucy sa akin. "Sabay pa kayong nawala ng CEO namin. Akala ko tuloy nagkasama na kayo."

Nagkatitigan kami ni Fern na kapapasok lang din mula sa ibang pintuan doon at tipid itong ngumiti sa akin. Hindi ko na nakuha ang tingnan pa siya, si Lucinda na lang ang tiningnan ko at kinuha ko ang kamay nito.

"Lucinda..." pagtawag ko sa kaniya. Umangat ito ng tingin at nakipagtitigan ito. "Umm, I have to tell you something. This is actually—"

"Birthday ko sa makalawa," excited na anunsyo niya sa akin. "Thirtieth birthday ko na sa makalawa, Tabitha. Sorry, na-excite lang talaga ako. Gusto ko sanang dalhin ka ro'n at ipapakilala kita kina Nanay Luning at sa kapatid ko. Titingnan ko pa kung maitatakas ko si Tatay Liam. Ikaw, anong sasabihin mo?"

Bigla akong nakonsensya sa kaniya at parang ayaw ko itong saktan lalo na't malapit na ang espesyal na araw nito. Naisip ko agad na sabihin na itigil niya ang panliligaw sa akin dahil sa biglaan kong ginawa kay Fern—na dapat kong panindigan lalo na't kay Fern ako unang nagpahiwatig ng nadarama ko. Isa rin na ayaw kong saktan si Lucinda, at baka puwede ko pa itong bigyan ng chance tutal hindi naman ako nagbigay ng label sa amin ni Fern—unfair din kung may magaganap sa amin ni Fern kaya naguguluhan talaga ako ngayon.

"Ano ba talaga 'yon?" excited na tanong niya sa akin. "Ang tagal mong iniisip ang bagay na iyan, may dapat ka bang sabihin? Ayos lang kahit na ano pa 'yan."

"Uuwi na lang siguro muna ako, masakit kasi talaga ang ulo ko. I'm feeling dizzy," sabi ko sa kaniya. "Baka hindi kita maihatid, I'm so sorry. I'm really sorry but I can book a car for you. Ayos lang ba?"

"Oo naman! Ikaw pa!" Nakadama ako ng comfort sa sinabi niya na 'yon at tumayo na ako nang mabilis bago bumeso rito. "Sige, iyon nga ang gusto ko! Nasa likod ako tapos may nagmamaneho para sa akin. Parang may posisyon sa kompanya, 'no? Ayos lang talaga. Balitaan mo ako kapag kailangan mo ako mamaya para tanggalin ang sakit ng ulo mo."

Patakbo na akong umalis sa pag-iisip na naroon pa rin si Fern at nang makauwi na dahil talagang naguguluhan ako ngayon. Patakbo na ako papunta ng kotse nang biglang may humila sa akin. Nakita ko agad si Fern na may takip na parang kurtina sa katawan niya at agad ako nitong niyakap nang makapunta kami sa gilid doon. Muling nagdikit ang mga labi namin nang kumalas ito sa pagkakayakap sa akin.

"What took you so long?" palingun-lingon na tanong niya. "I've been looking for you. Hinahanap nila ako sa loob pero nakatakas ako. I stole this curtain para maging cover ko hanggang makalabas ako. I miss you so much, Tabitha."

La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon