(𝘓𝘶𝘤𝘪𝘯𝘥𝘢)
Excited din para sa akin si Tabitha nang matapos ako sa pagku-kuwento. Nabanggit ko na mabait ang nakausap ko, lalo na't nabanggit niya na may allowance ako kahit na training pa lang ang gagawin ko sa kompanya. Alam ko na kung bakit pamilyar siya, napanood ko kasi ito dati sa television at bata-bata pa siguro siya no'n.
"Talaga!" excited na tinuran ko rito. "Napakabait niya, tapos nakasalubong ko pa siya pauwi at nagpaalam na siya sa akin. Ang ganda nga ng kotse niya, e. May mga parang alalay pa siya noong papasok siya ng kotse. Iyon, ipinasok siya tapos may nagpapayong pa. Siguro mataas ang puwesto niya."
"Anong company iyon?" usisa niya sa akin. "They're really helpful, especially to those na gusto nang magkaroon ng trabaho. And the person na nakausap mo, she's nice I think."
"Ah, secret muna ang kompanya na 'yon..." Ipinatong ko ang aking hintuturo sa labi na parang naglilihim at natawa naman siya sa akin. "Pangit naman kasi kung ikukuwento ko na ganito ganiyan, tapos 'di naman ako matatanggap at biglang mauusog. Siguro dadalhin na lang kita ro'n mismo next time para malaman mo. Alam mo Tabitha, ikaw yata ang 'lucky' sa atin. Simula nang madikit ako sa'yo, pinaulanan ako ng suwerte."
"It's your destiny, I think. Kung nakatadhana ka na maging ganiyan, it's because of your dedication sa lahat ng ginagawa mo. But medyo 'di ko nagustuhan ang sinabi sa'yo ng naunang nagtanong sa'yo..." Tipid lang ako na ngumiti sa kaniya dahil talaga ring nabastusan ako sa sinabi ng babae kanina. "Just because may degree ka or let's say na posisyon, hindi tama na mamahamak at mamahiya ka ng iba. Maybe ang boring ng buhay no'n at wala siyang mapagtrip-an. Ikaw pa? Ang galing mo kaya!"
Hinawakan ako nito sa ulo at tinapik-tapik niya 'yon. Namutla ako nang bahagya sa ginawa nito, saka ko agad na hinawakan ang kamay niya. Nagkatitigan kami saglit at napangiti kami nang sabay ni Tabitha.
"Ehem!" Naputol agad ang moment na 'yon nang umubo ako at nanatili lang siyang nakangiti sa akin. "Tabitha, kapag ako kumita na sa trabaho... gusto ko na may gawin tayo. Baka gusto mo na mamasyal muna tayo no'n? Malaki-laki rin ang kikitain ko sa isang buwan at mukhang may bonus pa ako. Twenty thousand pesos, sobrang laki no'n."
"Ikaw talaga. Mas maganda kapag itinulong mo na lang 'yon sa nanay at sa kapatid mo. We can eat sa fast food restaurants, it's not a big deal. It's better if mas maging priority mo ang nanay mo at si Hilda. I'm always here." Naramdaman ko na naghahawak ang mga kamay namin kaya ako na ang naunang humawak sa kamay niya. Mahina kong pinisil ang kamay nito, at hinaplus-haplos niya iyon. "Lucinda, what if we go out? Kumain kaya tayo nang magkasama? You know, let's see if maganda na magsama tayo sa labas. Let's eat?"
"Sige ba!" agad kong pagpayag sa kaniya. "Kapag natapos ang training ko sa makalawa, aalis agad tayo. Saan mo gustong kumain? Huwag sa mga mamahalin, ha? Kasi napapansin ko na maraming kubyertos doon samantalang kutsara at tinidor lang ang alam kong gamitin. Gusto mo ba ng fried chicken?"
"Kung hindi mo naitatanong, it's my favorite. Mahilig talaga ako sa manok. Ikaw?"
"Barbeque. Kaya iyon ang business ko, gusto ko kasi na maumay at magsawa para 'di ako kain nang kain. Sige, ha? Kakain tayo ng manok. Susunduin ba kita?"
"Sure! Gusto kong sakyan ang motor mo. Ang saya kasi, saka para akong nililipad ng hangin. I'm really happy..."
"Nadinig mo naman mula sa akin, gusto ko na maging masaya ka. Ang ganda mo kasi kapag ngumingiti ka." Agad kong kinuha ang kaliwang pisngi ni Tabitha at pinisil ko iyon. "Alam mo, maganda kapag ipinakilala kita kay Nanay Luning. Medyo ayaw niya na magkaroon ako ng karelasyon na babae pero matatanggap ka niya kapag nalaman niya ang gusto ko sa'yo. Alam mo naman ang mga nanay, kahit ayaw nila... wala silang magagawa kapag nariyan na ang isang bagay. Tatanggapin na lang."
BINABASA MO ANG
La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]
RomanceNararapat bang respetuhin ang mga puta? Sila nga ba ang talagang walang respeto sa sarili nila, o biktima sila ng kinagagalawan nilang mundo? Hindi lahat marumi. Hindi lahat ginusto ang nangyayari sa kanila. May mga talagang biktima. May mga nahubog...