(𝘛𝘢𝘣𝘪𝘵𝘩𝘢)
Tahimik lang ako na nagmumuni-muni habang nakahiga sa kama. Nasa hospital na ako ngayon pero biglang umalis si Fern sa 'di ko malaman na dahilan. Pilit lang ako na nagpapakalakas para hindi na maging sakit niya sa ulo.
"Huwag ka ngang matakot or maiyak, tiyak na good news ang dala ng kasintahan mo." Tiningnan ko na si Lucinda na kanina pa narito para magbantay sa akin. "Ikaw naman. Sige na, masama iyan sa kalusugan mo. Saka takot ka ba sa akin? Mukha ba akong manyakis na walang ginagawang tama?"
"Hindi. Tama ka, mas malaking problema kay Fern kapag nagkaroon ng problema sa health ko. Dapat lang na hindi sakit sa ulo ang dala ko sa kaniya. Salamat." Kinuha ko ang kamay nito at nakangiti niyang ibinigay iyon sa akin. "Talaga bang ayos na kayo ni Fern? Wala na ba kayong away? Paano kayo nagkabati?"
"Napakagandang tanong. Actually, bigla na lang kaming nagbati. Iyak kasi siya nang iyak sa'yo at ako naman, dakilang comforter. Iyon, ayos na kami at wala nang kaso sa kaniya kung maging magkaibigan tayo. May bago na akong nililigawan. Si Blaire." Napangiti ako sa sinabi niya at tumango na lang ako. "Bagay kami, e! Mas maganda pala siya sa'yo?"
"How dare you? Hindi, ah! Pantay lang kami. Siyempre magagandahan ka sa kaniya dahil manliligaw ka. Si Fern, ako lang ang maganda sa mga mata niya dahil nobya niya ako, ikaw talaga!" Mahina kong pinalo ang kamay niya at ngumiti na ako ulit. "Bagay kayo ni Blaire. Dapat lang na maging masaya muna tayo, nalulungkot ako sa sinapit ni Jayden pero—"
"Tabitha! I have good news!" Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at excited na tumakbo si Fern papunta sa akin. Basang-basa ang mga mata nito ng luha pero halata ro'n na masaya siya. "Jayden's alive! He's alive! I thought he's dead, but he's alive! Apparently, walang major na bahagi ng kaniyang utak na natamaan ang bala and hindi matindi ang nangyari sa kaniya. He's comatose and magigising siya soon. I thought he's dead... until nakita namin na hindi pa. I'm so worried about him and I'm glad na he's doing okay. Hindi malakas ang firearm na ipinambaril niya but may impact iyon kay Jayden. Kapag gumaling siya, we'll bring him sa mental hospital and after that... sa kulungan na. I hope matatanggap niya. I don't want him to die. Kapatid ko siya at mahal na mahal ko."
"Yes, I'm happy para sa inyo. At sa atin, masaya na ako. Puwede na tayong maging malaya." Niyakap ko agad siya at hinalikan ko ito sa balikat. "I'm really happy. Fern, payapa na tayo."
"I'll resign. Tabitha, we'll be peaceful once again. Wala nang takot... wala na ang lahat. I want you to feel safe." Kumalas na ito sa pagyakap sa akin at nakipagnose-to-nose siya. "Tabitha, I'm glad that we're okay na. Malapit nang matupad ang lahat."
Naiiyak na rin ako pero nakaya kong pigilan iyon. Agad na naman naming pinagdikit ang balat ng labi ng isa't isa, at nauna na itong nagdala ng paru-paro sa aking sikmura.
"Iyan na naman! Naglalaplapan na naman sila!" Binawi ko na ang mukha ko mula sa mapusok naming paglalampungan at natatawa naming tiningnan si Lucinda. "Sige na, aalis na ako. May naghahanap pa sa akin sa bahay. Bye!"
Kinuha na ni Lucy ang bag nito mula sa sofa at kumaway na ito sa amin. Kumaway kami pabalik ni Fern sa kaniya, kaya agad na itong lumabas at tuluyan nang sumara ang pinto ng kuwarto ko.
"Tabi tayo, mahal..." paglalambing ko kay Fern. Umusog agad ako pakaliwa at itinuro ko ang malaking espasyo roon. "Dali, tabihan mo na ako. Mukhang pagod ka na at mas magandang sa kama ka na humiga. I miss you."
"Huwag na, baka mapatid ko pa ang dextrose mo. O kaya, baka aksidente kitang madaganan. Sasamahan na lang kita rito and I'll sleep sa sofa." Sumimangot ako sa kaniya kaya inabot ng kaliwang kamay nito ang pisngi ko. "Mahal, don't be like that. Para ka namang bata. Sige na, tatabihan na kita. I don't want you to be sad."
BINABASA MO ANG
La Prostitutée [G×G] [Lady of the Night]
RomanceNararapat bang respetuhin ang mga puta? Sila nga ba ang talagang walang respeto sa sarili nila, o biktima sila ng kinagagalawan nilang mundo? Hindi lahat marumi. Hindi lahat ginusto ang nangyayari sa kanila. May mga talagang biktima. May mga nahubog...