CHAPTER 15

6.5K 89 1
                                    

Chapter 15: Frustration

"WHAT invited? Hindi rin ako nakikipag-talk sa stranger like you. Si Jinsel lang ang kilala ko, right baby?" malambing na tanong ko sa anak ko. Tumaas ang sulok ng labi niya at tumango-tango.

"And hindi ako nakikipag-party sa birthday ng others. She's stranger too," maarteng sabi ko pa at pinasadahan ko nang tingin si Sarina Alfred.

Kulang na lang ay sumigaw siya dahil sa sobrang pagkainis sa akin. Kitang-kitang ko ang ugat sa leeg niya na halos pumutok na rin. Nagtitimpi lang siya ngayon. Aw, bad timing ba ang punta namin ngayon, dear?

"Who are you again, sweety?" nanunuyang tanong ko. To be honest, nagsasawa na ako sa pakikipagtalo ko sa lintang babae na ito.

Iyong kapag nagkikita kami accidentally man or sinasadya ko ay nakakasawa talaga ang ganitong eksena namin. Sino ba ang hindi magsasawa sa pagmumukha ng babaeng ito?

"I forgot kasi kung sino ka sa buhay ko. Well, maliban sa alam kong ikaw ay..."

"B-Babe. Doon na lang tayo sa cottage natin. Jinsel, baby. Come o--"

"I'll stay with them na lang po. Just enjoy your birthday, Tita Sarina," putol ni Jinsel sa sasabihin sana ni Sarina.

"I don't mind na you're with my Daddy," dugtong pa niya at binalingan naman niya nang tingin ang daddy niya.

"Go ahead, Dad. I'll be fine," he said.

Sa halip na sagutin niya ang anak namin ay ako ang tiningnan niya. Mukha na siyang naiinis ngayon at parang sasabog na rin sa galit like his lintang kabit.

"No. I don't allow you to be with them. Especially her," walang buhay na sabi niya at hindi na niya pinagsalita pa si Jinsel. Pinangako na niya ito at napasimangot ang anak ko saka sila tuluyang naglakad palayo sa amin.

Ngumiti lang ako sa kanya pero hindi nawala ang disappointment sa mukha ni Jinsel. He rested his chin on his father's right shoulder at bored na bored na tiningnan niya si Sarina Alfred. Mas lalo lang siyang napasimangot.

I laughed, he's so cute. Narinig ko rin ang pagtawa ni Aizen sa tabi ko at hindi na niya tinanggal pa ang braso niya sa akin.

"Saan ulit nagmana ang anak mo?" namamanghang tanong niya sa akin.

"Saan pa ba? Eh, sa maganda niyang Mommy," nakangising sagot ko at nilingon ko siya.

"Ang lakas ng hangin, 'no?" nanunuyang tanong niya sa akin at tumaas lang din ang sulok ng mga labi niya.

"Come on. Let's enjoy habang nananatili pa tayo rito. Let's make him jealous," he said at hinila na ako.

"Jealous? Jealous your ass, Aizen. Ni hindi ako no'n nakikilala, tsk," masungit na sabi ko.

"Hindi mo ba nakita ang mukha niya kanina? Nakatingin siya sa braso ko at parang babaliin niya any moment. Hindi nakakaalala ang gago mong asawa pero nagseselos?" sabi niya.

Napaisip naman ako. Nakita ko naman na ang naging reaksyon niya kanina at hindi maalis-alis ang tingin niya sa amin ni Aizen. Lalo na sa balikat ko. Tss. Jealous his face. Tse!

Napatingin sa gawi namin sina Jinsen at Sarina. Pero hindi ko sila binigyang pansin dahil ang anak ko ang tinitingnan ko. Nasa loob sila ng cottage at nakaupo rin si Jinsel. Walang ganang magsaya ang bata.

Nakahalukipkip lang siya sa table na gawa sa bamboo at humahaba ang nguso niya.

Nagulat naman ako nang walang permission na pumunta rin kami sa cottage nila. Magtatanong na sana ako nang maunahan na akong magsalita ni Aizen.

Gloom Series 4:The Forgotten Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon