Chapter 56: Sleeping and safe
"FVCK... Si Jinsel..."
"Sir?"
"Hanapin niyo ang anak ko and make sure na ligtas siya... Please..." pabulong na sabi ko para hindi ako marinig ni Hersey.
Nag-alalang tiningnan ko ang asawa ko. Buntis siya at ayokong mag-alala na naman siya sa anak namin. But shet... Hindi ako mapakali... I feel nervous...
"Let's go home," sabi ko at pilit na pinapakalma ko ang sarili ko para hindi niya mahalata na kabado ako.
Sino ang hindi kakabahan? Ang hindi matatakot kung malalaman mo na hindi na naman ligtas ang anak mo? That his life is in danger again?
Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa manibela pero kailangan ko talagang pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong maaksidente kami. Ayokong mapahamak ang asawa ko lalo na buntis siya... Kasama ko pa ang mag-ina ko pero ang anak namin...
Please, Lord... Iligtas mo po ang anak ko... Huwag niyo pong pababayaan si Jinsel... Bata pa po siya para maranasan ito...
"What happened? A-Akala ko ba uuwi na tayo? Saan mo ako dadalhin?" malamig na tanong niya sa akin pero nasa boses ang pagtataka.
Diretso ito sa mansion ng parents ko. Doon ko siya dadalhin dahil hindi puwede sa subdivision namin. Hindi pa nila nahahanap si Jinsel at natatakot akong isipin na nasa loob pa siya ng mansion namin habang nasusunog ito.
"Is there a problem?" tanong pa niya sa akin. I didn't answer her but I remembered that she's an observant.
Even if I don't tell her something bad is going on, she already knows. Malalaman na niya sa isang tingin pa lang. Mas magdududa lang siya kapag nahahalata niyang nagsisinungaling ka.
"Huwag mo akong ihahatid sa mansion ng parents mo. Sa subdivision tayo," sabi niya. Hindi siya nakikiusap, sa halip ay nag-uutos siya.
"Sa subdivision, Jinsen," mariin na sambit niya.
"Nandoon si Jinsel," sabi ko at saglit na sinulyapan siya. Hindi naglaho ang seryoso sa mukha niya. Huminga ako nang malalim.
Sasagutin ko na sana siya nang may kausap na siya sa cellphone niya.
"What...what? H-How come?"
Nagulat ako nang hampasin niya ang balikat ko. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya.
"Sa subdivision tayo, Jinsen," utos niya sa akin. Kung kanina ay malamig ang boses niya ay ngayon mas malamig na malamig pa sa yelo. Hindi ako nakakibo agad.
"Thank you for the info, Red. I'll call you later."
She already know what's going on, Jinsel, kaya wala na akong kawala pa.
I have no choice but to obey her commands.Even though we haven't fully entered the subdivision, the noice can be heard from inside. Kitang-kitang ang malaking usok dahil sa malaking sunog. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko magawang i-park nang maayos ang sasakyan ko lalo na maraming mga tao ang nasa labas.
Pagkahinto ko ng sasakyan ko ay nagmamadali pang lumabas ang asawa ko.
"Wait up, Hersey! Shet!" Mabilis na binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at nagmamadali ring bumaba.
Tumakbo pa ako para maabutan ko si Hersey, dahil maging siya ay tumatakbo na rin. Hindi niya alintana ang maraming tao na puwedeng makabangga sa kanya. Fvck, maiipit siya!
"Hersey..." Nang makalapit ako sa kanya ay maingat na hinila ko ang siko niya at hinawakan ko ang baywang niya. Nagpumiglas pa siya.
"Hayaan mo akong protektahan ka rin," sabi ko. Halos yakapin ko na siya habang papalapit na kami sa mansion naming nasusunog na.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 4:The Forgotten Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Hersey J-nea, she's happy and contented with her husband who is a doctor and they have a child. Unfortunately it seems like a nightmare happened to her husband and their happy marriage. It was an accident and he doesn't rememb...