Chapter 26: Distance
MAKUKUHA rin ba sa isang sorry ang sakit na narinig ng anak ko, Mommy?
Kaya bang palitan ang isang sorry sa mga sinabi nila na hindi sinasadyang marinig ng aking anak?
Kaya bang ibalik ang mga oras na iyon para lamang huwag silang bantaan ni Jinsel na sasabihin ang katotohanan sa kanyang ama?
Dahil makakaya ko rin ang magpatawad, Mommy. Pero hindi ngayon na masyado ng magulo ang utak ko at nahihirapan na akong mag-isip pa kung ano na naman ang magiging eksena o mangyayari sa akin kinabukasan. Nakakapagod din naman ang paulit-ulit na ganito.
UMUWI ako sa mansion naming mag-asawa. Siyempre pahirapan na naman ako sa pag-akyat sa balkonahe ni Jinsel at nang nakasampa na ako ay napaatras pa ako sa gulat nang makita ko ang anak ko na nakasilip sa sliding door niya. Malaki ang ngiti sa kanyang mga labi. I smiled at him back, before I approached him.
"You scared me naman, anak ko," sabi ko.
"Sorry, Mom."
"Where's your daddy, baby? Natulog na ba siya?" ang tanong ko sa kanya kaagad at mabilis na tumango. Yumakap sa binti ko kaya naman ay pinangako ko na siya.
"Are you sleepy na, baby?" malambing na tanong ko sa kanya at inayos ko ang pagkakabuhat ko siya.
Medyo bumibigat na nga siya at parang hindi ko na siya kayang buhatin pa.
He rested his head on my left shoulder, "Hindi pa po, Mommy. Hinintay po kita, eh. I know darating ka na this time," sagot niya sa mahinang boses.
He's always waiting for me.
Hinagod ko ang likod niya. Past 10 na pero heto gising pa ang baby ko.
"Mabuti at hindi ka tinabihan sa pag-sleep ni daddy? Dahil nalaman niya na umiiyak ka every night."
"Eh, kanina pa po niya ako tinatanong tungkol sa 'yo, Mommy. Ang dami ko nang naibigay sa kanya na clue pero hindi pa rin niya nakukuha ang mga iyon," ang dismayadong saad niya kaya natawa na rin ako.
"Mommy is hungry. Can you join me in the kitchen to get some foods?" tanong ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pagtango niya, "This is exciting! But what if mahuli tayo ni Daddy, Mom?" inosenteng Tano niya sa akin.
"Hindi 'yan. Let's go, let's just be careful," sabi ko at ibinaba ko na siya. Mahigpit na hinawakan ko ang kanang kamay niya.
I took off my shoes that I just changed earlier. So, I can climb properly without falling and getting caught. Mahirap na.
Carpeted floor ang mansion namin na sinadya ng asawa ko para sa future kids daw namin. Kaya kahit wala kaming suot na panyapak ay hindi kami mahihirapan na maglakad nang hindi rin maririnig ang footsteps namin.
"M-Mommy..." Mahinang natawa ako sa kinilos niya. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig at nanginginig sa lamig nito. Pero hindi naman siya mukhang kinabahan.
"Are you nervous, baby? Puwede naman na ako lang," sabi ko sa kanya at hinaplos ko ang buhok niya.
"No!" pabulong na sigaw niya at umiling.
"Let's silip na muna natin si Daddy. If deep na po ang tulog niya," suhestiyon niya na ikinatango ko. Good idea. He's indeed a smart kid and I'm so proud.
Aaminin ko na kinabahan ako nang nasa tapat na kami ng pintuan ng kuwarto namin ni Jinsen. Kasi what if nga na gising pa ito at mahuhuli kami?
Tapos idadahilan ko na napadaan lang ako? Dinalaw ko lang ang anak niya sa ganitong oras? Hindi iyon maniniwala sa akin.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 4:The Forgotten Wife (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Hersey J-nea, she's happy and contented with her husband who is a doctor and they have a child. Unfortunately it seems like a nightmare happened to her husband and their happy marriage. It was an accident and he doesn't rememb...