Chapter 1: Accident
HERSEY J-NEA LEOGRACIA MONTALLANA's POV
“MOM, I'm on my way home...” I told my mother over the phone but I just heard her heavy sigh.
I was busy driving my car when my Mom called me, she wants me to visit her, na isang taon ko na ring hindi ginagawa. I know nagtatampo na siya sa akin.
Nasa Cebu si Mom kasama ang nakababata kong kapatid. At ako ay nasa Manila dahil nandito ang negosyo ko na ipinamana pa sa akin ng late father ko.
Yes, my Dad passed away, noong nasa first year college pa ako. May sakit ang Daddy ko sa baga na hindi rin namin naipagamot dahil nilihim niya sa amin ang sakit niyang iyon.
Kung sana nalaman namin ng mas maaga ay baka kasama pa namin ngayon si Dad pero hindi na. Maybe he’s too tired kaya naisipan niyang sumuko na lang. I can't blame my father, though.
"Urgh." I massages my temple when I heard my mother’s voice. She’s crying at alam ko mahirap aluin ang ina ko. Kung hindi siya pagbibigyan sa gusto niya.
“Mom. Where is Jerhen?” tanong ko sa Mommy ko.
Hindi naman ba umuuwi ang isang iyon kung kaya’t ako ang kinukulit ng Mommy ko ngayon? Simula talaga ng magbinata ang nag-iisa kong kapatid ay nagfe-feeling na itong independent.
Eh, ang kompanya pa ni Daddy ang bumubuhay sa kanya. Tsk. Remind me na pag-uwi ko sa Cebu ay babatukan ko talaga si Jerhen J-nue.
"W-Wala... Nasa unit siya," sagot ni Mom sa akin at suminghot-singhot pa.
"Fine, titingnan ko ang schedule ko kung hindi puno next week. I will visit you there, Mom. Stop crying, you looks like a kid," I joked at narinig ko na ang impit na sigaw niya. She's like that. Mababaw lang naman ang kaligayahan ng nanay ko pero hindi ko pa mapagbigyan. Nagiging maramot ako sa time ko sa kanya.
"Thank you, baby. Stay safe, I love you," malambing na sabi niya.
"Yeah, I love you, too Mom," sagot ko naman at napabuntonghininga ako saka ko tinanggal ang earpad ko.
Kailangan ko na ngang ayusin ang schedule ko next week para makabisita na ako sa Cebu. Alam ko na punung-puno iyon kasi may mga meeting ako sa mga investor ko at client but mother first.
Priority ko na muna ang Mommy ko. Ayokong magtampo siya at isa pa. Mas mahalaga sa akin ang ina ko kaysa sa mga taong tutulong man sa kompanya ko ay hindi pa iyon ikasasaya ko pero alam kong makahahanap pa ako kung sakaling mag-back out sila. And I don't care.
In the middle of highway, I encountered an accident. Isang itim na sasakyan at isang motorbike. Nahugot ko pa ang sarili kong hininga nang makita ko ang pagulong-gulong sa kalsada ang driver ng motorbike.
"Oh?" Nagsunud-sunod ang pagbusina ng mga sasakyan at nagkakagulo na sa highway.
Na-stress ako bigla dahil na-stuck na ako rito. Urgh! I want to get home, ASAP! I'm tired and I want to rest.
Tumingin ako sa likod ng kotse ko at wala namang kotse roon kaya umabante ako pero may bigla namang bumundol sa hood ng sasakyan ko and the next I knew ay isa-isa kaming dinala sa hospital.
***
"I'M fine, I don't have wounds," walang emosyon na sabi ko sa nurse ng akmang gagamutin niya ako. Umalis nga ang nurse para asikasuhin ang ibang pasyente.
Seriously? Hindi ako naaksidente pero bakit ako nandito? Shoot...
Nasa emergency room kami kaya masyadong maingay. May maririnig kang pasyenteng umiiyak at humihingi ng tulong sa kanila. Hindi ko gusto ang amoy ng hospital na ito may naaalala lang ako.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 4:The Forgotten Wife (COMPLETED)
RomansaGenre: Romance & Drama Hersey J-nea, she's happy and contented with her husband who is a doctor and they have a child. Unfortunately it seems like a nightmare happened to her husband and their happy marriage. It was an accident and he doesn't rememb...