Epilogue
JINSEN's POV
"TAKE care, honey..." Napangiti ako ng marinig ko ang boses ng asawa ko. Maalalahanin talaga siya.
Hinapit ko siya sa baywang niya, natatawang inayos niya lang ang necktie ko. Titig na titig ako sa maganda niyang mukha at tumatagal iyon sa kulay abo niyang mga mata.
Hinalikan ko ang gilid ng labi niya at marahan na hinampas pa ng asawa ko ang dibdib ko.
"Magtigil ka, honey. Pinapanood tayo ng anak mo," suway niya sa akin at nilingon ko naman sa kama namin si Jinsel, our son.
Nakahiga ito habang hawak niya ang laruan niyang eroplano. Those are his favorite toys because he knows his mother is a pilot. He silently watches us while he nibbles his one finger. Kahit nakahiga pa siya ay nagawa pa niyang itukod ang paa niya sa binti niya. Crossed legs...
He smiled at me when he saw me looking at him. Iyong ngiti niya parang nakikita ko lang din ang Mommy niya.
Pagkatapos ayusin ng asawa ko ang necktie ko ay nilapitan ko ang anak namin. Mabilis siyang bumangon at gumapang palapit sa akin.
Umupo ako sa gilid ng kama at binuhat na siya nang makalapit siya sa akin.
"Daddy... Stay..." sabi niya sa akin. Kinandong ko siya paharap sa akin habang mataman na tinitigan ko ang mukha niya.
Kamukha ko nga ang anak namin ni Hersey pero mas nakikita ko pa siya kay Jinsel. Nakuha nito ang mga mata niya, ang paraan ng pagngiti nito. Hindi nga lang ang pagdadaldal nito.
Seryoso niya rin akong tinignan at parang kinakabisado niya ang buong hitsura ko. Maging ako ay ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya na ikinangiti niya.
"Later, my son. May gusto kang pasalubong pag-uwi ko?" malambing na tanong ko sa kanya. He's now two years old at binabalak ko na sundan siya kahit ayaw pa ng Mommy niya dahil bata pa raw ang panganay namin. Pero gusto ko ulit magkaroon ng anak at gusto ko ay babae naman.
Pinakita niya sa akin ang laruan niyang eroplano at ngumuso pa siya na gumagawa na naman ng tunog sa bibig niya. Natawa ako at maging ang Mommy niya. Tumabi sa akin ang asawa ko at humilig sa balikat ko. Hinalikan ko ang ulo niya at muli kong binalingan ng tingin si Jinsel.
"I want more toys, Dad..." sagot niya sa akin at mas nag-ingay ang bibig niya. Pinapalipad pa niya ang eroplano niya.
"Marami ka ng laruan, baby..." umiiling na sabi sa kanya ng Mommy niya. Napatingin siya.
"But I want more, Mommy," nakangusong sabi niya. Hinalikan ng asawa ko ang labi niya kaya nawala ang pagkakanguso niya.
"More toys, Daddy..." sabi niya sa akin.
"Yes, baby..." nakangiting sagot ko at tumango.
"Halos araw-araw ay may pasalubong na toys si Daddy. Tambak na ang mga laruan mo sa playroom mo, Jinsel. Saan mo na ilalagay ang ibang laruan mo?" my wife asked our son. Ngumuso na naman ito at parang napapaisip pa.
"My room, Mom... It's a big naman po..." He just two years old pero ganito na siya katalas na magsalita. Walang bulol-bulol, diretso...
"Okay..." sabi ko at matagal na hinalikan ko ang noo niya. Ibinigay ko siya sa Mommy niya at pareho ko silang niyakap na mahigpit.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot... Niyayakap ko lang ang mag-ina ko pero kakaiba na ang nararamdaman ko ngayon.
Why does it feel like this will be the last time I'll ever hug my wife? Hindi ko alam kung bakit iyon ang pumasok sa isip ko...
BINABASA MO ANG
Gloom Series 4:The Forgotten Wife (COMPLETED)
RomansaGenre: Romance & Drama Hersey J-nea, she's happy and contented with her husband who is a doctor and they have a child. Unfortunately it seems like a nightmare happened to her husband and their happy marriage. It was an accident and he doesn't rememb...