PROLOGUE

662 24 3
                                    

WARNING!
Grammatical and typographical errors ahead!
Please read at your own risk!

HER POINT OF VIEW

"Hell ano ba, nasasaktan ako-"

"Masasaktan ka talaga kapag hindi ka sumama sa'kin!"

Nagpupumiglas ako sa mahigpit niyang kapit pero dahil mas malakas siya sa akin ay wala akong magawa. Pakiramdam ko nga ay mababaliaan na ako ng buto. Pauwi na sana ako sa apartment ngunit naglalakad pa lamang ako papalabas ng school ay hinarang niya na ako at pinipilit na sumama sa kaniya kahit na ayoko.

Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school kung saan naroon ang kaniyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat ng kotse at sapilitan akong ipinasok doon at saka isinara ulit iyon. Nang umikot siya papunta sa diraver's seat ay kinuha ko iyong tyempo para mabilis na lumabas sa kaniyang kotse.

"Fvck!" rinig kong mura niya nang makalabas ako at nagtatakbo palayo sa kaniya.

Imbes na palabas ng school, sa sobrang pagkataranta ko ay di ko na namalayan na nagtatatakbo na ako ngayon sa hallway ng isang building. Sa tantsa ko ay lampas alas sais na ng gabi. Wala nang katao-tao dito sa schoolbukod sa akin, sa amin ni Hell. Nagsisisi tuloy ako na nagpaiwan pa ako kay Moren. Sana ay sumabay na lamang din ako sa kaniya palabas kanina ng school.

At kung mamalasin ka nga naman, sa abandonadong building pa ako ng school napadpad. Napakadilim dito at walang kailaw-ilaw kumpara sa ibang building dahil nga sa abandonado na ito.

Binilisan ko ang pagtakbo dahil alam kong nakasunod siya sa akin. Hinihingal na ako at sumasakit na rin ang dibdib ko sa pagod ngunit hindi ako maaaring huminto. Dahil kapag naabutan niya ako at nahuli, siguradong yari ako.

"C'mon, baby. Pinapagod mo lang ang sarili mo. Alam naman natin na kahit saan ka tumakbo, maabutan kita. But if you want this, if you wanna play this game, then game!"

Papalapit na ang boses niya tanda na malapit na rin siya sa akin. Kaya naman mas binilisan ko ang pagtakbo na halos magkandarapa na nga ako. Hanggang sa inakyat ko na ang hagdan dahil wala na akong ibang tatakbuhan, nasa dulo na ako ng hallway.

"RUN, BABY! RUN AS FAST AS THE FVCK YOU CAN! YOU CAN RUN BUT YOU KNOW YOU CAN'T HIDE FROM ME!"

Umalingawngaw ang mala-demonyong tawa niya sa buong building na siyang nagdagdag ng matinding takot sa aking sistema. Napadaing ako sa sobrang sakit nang madapa pa ako sa hagdanan. Pero hindi ko na ininda iyon dahil mabilis rin akong tumakbo ulit hanggang sa nasa hallway na ako ngayon ng second floor ng building.

Natataranta na ako at nanginginig sa takot na maabutan niya ako kaya't nang makita ang pinakadulong room ay pinasok ko iyon at isinara ang pinto. Nagtago ako sa lumang teacher's table at tinakpan ng aking palad ang aking bibig. Hinihingal ako sa pagod at naiiyak na rin dahil sa matinding takot.

Naririnig ko na mula rito ang matutunog na yabag ng mamahalin niyang sapatos. Kasabay noon ay ang malakas na kabog ng puso ko, tila sumasabay sa ritmo ng bawat hakbang niya.

"Where are you? Hmm, it's so dark already, c'mon don't make it hard for yourself. Bahala ka, maraming ipis dyan!" rinig kong halakhak niya sa hallway. Ipis, marami n'on sa bahay nung amain ko kaya't hindi ako natatakot.

Lalo akong nagsumiksik sa ilalim ng teacher's table at para na akong hihimatayin sa kaba. Papalapit na ang yabag niya pati ang kaniyang boses. Kung bakit ba naman kasi hindi nalang ako lumabas ng gate kanina? Sa sobrang pagkataranta ko yata ay hindi ko na namalayan kung saan ako dinala ng mga paa ko makalayo lamang sa kaniya.

"Boo!" napaigtad ako sa gulat at muntik nang mapasigaw nang marinig ang sigaw niya kasunod noon ang malakas na naman na halakhak. Lalong hindi iyon nakatulong at dinagdagan lamang lalo ang takot ko. Tahimik na ang paligid dahil gabi na rin kaya naman rinig na rinig ang kaniyang boses. Lalo pa at nagi-echo iyon sa hallway nitong building.

Jusko, ano nang gagawin ko? Papaano ba ako makakatakas sa kaniya nito?

"Opps,maling classroom, I thought you're here. C'mon, where are you, darling! Damn, c'mon, just show yourself up!"

Hindi ko alam makakahinga na ba ako ng maluwag dahil papalayo na ang kaniyang boses pati ang kaniyang mga yabag. Siguro ay pababa na siya dahil hindi niya ako mahanap.

Naghintay ako ng ilang minuto bago ako tumayo at maingat na naglakad papalapit sa pinto. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at binuksan iyon. Doon ay sumalubong sa akin ang isang pamilyar na bulto. Nanginig ang aking katawan at muling umakyat ang takot sa aking sistema habang dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kaniya.

Tila nanlamig ang buong sistema ko at wari ko ay namumutla na ako sa matinding takot nang masalubong ko ang mala-demonyo niyang ngisi.

"Nandito ka lang pala, baby. Pinahirapan mo pa 'ko."







M A J E S T I C P R I N C ES

Hell's Addiction | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon