19. KHINO's BIRTHDAY

276 15 0
                                    

THIRD PERSON's POINT OF VIEW


Katulad nga ng sinabi ni Hell ay bumalik din agad sila sa school pagkatapos nilang kumain ng lunch. Ang plano kanina ng binata ay kumain sila sa isang eleganteng restaurant pero hindi pumayag ang dalaga dahil hindi ito sanay na kumain sa isang eleganteng restaurant. Para sa kaniya ay nararapat lamang siya sa karinderya at mga fastfood chains. Sa tingin niya ay hindi nababagay sa isang taong tulad niya ang kumain sa mamahaling kainan.






Ihinatid siya ng binata sa kanilang classroom at tulad ng inaasahan ay halos patayin na siya sa tingin ng mga kaklase at school mates niya na halatang inggit na inggit sa kaniya.





Pagkapasok na pagkapasok nga niya sa kanilang classroom ay nilapitan kaagad siya ni Cassidy, ang binansagang 'pabida' sa kanilang classroom. Naupo ito sa armrest ng kaniyan inuupuan habang naka-krus ang mga braso nito at nakataas ang kilay na nakatingin sa kaniya. Amoy na amoy ni Hera ang mamahaling pabango nito na talagang nanonoot sa ilong niya.







Nagtataka niyang tiningnan ang kaklase. Nakatuon sa kanila ang atensyon ng kanilang mga kaklase na kaniya-kaniyang bulungan patungkol na naman sa kaniya. Ang ilan pa ay hindi maalis ang ngisi sa mga labi habang may mapanlait na tingin sa kaniya. Wala ang kaibigan niyang si Moren dahil bakante pa rin ang upuan nito.







"Ikaw."






Napasinghap siya nang idiin ni Cassidy ang hintuturo sa kaniyang noo at dinuro-duro siya na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan dito.





"Bakit ba dikit ka ng dikit kay Hell, ha?" ika pa nito at hinawakan ang kaniyang buhok at hinila pababa dahilan para mapadaing siya. Nanlilisik ang mga mata nito at nagngingitngit ang mga ngipin dahil sa inis.






Hindi sumagot si Hera at nanatili lamang na nakatingin sa galit na mukha ng kaklase. Ngunit ilang saglit pa ay napadaing siyang muli nang bigla nitong hawakan ang kaniyang panga. Napakahigpit noon kaya't napapikit siya ng mariin sa sakit.






"C-Cassidy, n-nasasaktan ako," daing pa niya sa kaklase at pilit na tinatanggal ang kamay nito. Ngunit sa halip, tinawanan lamang siya ni Cassidy pati na rin ng iba niyang mga kaklase na tila ba nasisiyahan silang nakikitang nasasaktan siya at binubully ni Cassidy. Hindi niya alam kung bakit ba tila ang laki ng galit ng mga ito sa kaniya gayong wala naman siyang ginagawang masama.






Kung ang ipinaghihimutok nila ay iyong pagsama niya kay Hell, pwes hindi niya rin naman iyon gusto. Ang binata ang panay ang lapit sa kaniya kahit na sinusubukan naman niyang iwasan ito.






"Well iyon naman kasi ang gusto ko eh, ang pahirapan ang hampas-lupang kagaya mo! Alam mo hindi ka naman nababagay dito eh, lalong-lalo na kay Hell. Look at yourself, you're completely a trash! Look at your clothes, siguro sa lola mo pa iyan!"





Puno ng panlalait na sambit ni Cassidy kay Hera habang pahigpit ng pahigpit ang kapit nito sa buhok niya. Sinundan iyon ng mga tawanan ng kanilang mga kaklase at may ilan ring mga estudyante sa labas ang nakasilip at tila kanina pa rin nanonood sa kanila. Halos maiyak na si Hera sa sakit ng kaniyang anit ngunit hindi niya hinayaan ang sarili na umiyak sa harapan ng mga mapanlait niyang kaklase. Dahil kung nakita siya ng mga ito na umiiyak ay baka mas lalo lamang siyang apihin dahil alam ng mga itong mahina siya.





"T-Tama na, pakiusap. Hindi ako naparito para maghanap ng gulo. Gusto lamang naman mag-aral ng maayos."








Punong-puno ng pakiusap ang boses ni Hera nang sambitin niya ang mga salitang iyon sa harapni Cassidy na hindi maalos ang ngisi sa pulang-pulang labi nito. Inilapit nito ang mukha sa kaniya at bumulong.






Hell's Addiction | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon