3.ANG KULIT!

397 25 6
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

INIWAN ako ni Hell pagkatapos n'on. Talagang nanghina ako dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Ni hindi niya naman ako pinagbuhatan ng kamay pero sadyang napakalakas ng dating ng tingin at boses niya sa akin. Tila ba kusa ka na lamang susunod sa utos niya dahil sa takot.


Bumalik ako sa classroom, sakto at kakarating lamang din ni Moren.

"Hera, saan ka nanggaling?" tanong niya nang maupo ako sa tabi niya.

Ipinatong niya ang dalang libro sa armchair at tiningnan ako at sinuri. Ilang saglit pa ay umangat ang kamay nito na nay hawak nang panyo at inilapat iyon sa noo ko bago sinabing, "Pinagpapawisan ka, ano bang ginawa mo?"

Naiilang akong umiwas sa kaniya at napakagat sa ibabang labi. Sasabihin ko ba sa kaniya yung nangyari kanina sa likod ng school? Ah wag nalang, Hera!

"Wala tumakbo kasi ako hehe," pagsisinungaling ko sa kaniya.

Nanliit ang singkit niyang mga mata na tila ba sinusuri ang reaksyon ko pero kalaunan ay tumango-tango na lamang din siya bilang pagsang-ayon. Mabuti naman at hindi niya na rin ako kinulit. Ilang saglit pa ay dumating na rin naman ang aming guro sa History at nagsimula na agad na maglecture.

-

PAGSAPIT ng hapon ay sabay kaming lumabas ng gate ni Moren.

"Mauna na 'ko, Hera. Take care and see you tomorrow," pamamaalam niya at nakipagbeso-beso sa akin. Pagkatapos nun ay sumakay na siya sa service niyang kotse. Pagkaalis nito ay naglakad-lakad muna ako para magpunta sa paradahan ng tricycle ni hindi naman ganoon kalayo mula sa school.

Ngunit habang ako ay naglalakad ay napatili ako sa gulat nang may sasakyang biglang tumigil sa gilid ko at bumusina ng napakalakas. Tumigil ako at pinagmasdan ito. Napakagara ng kotse at puting-puti, parang nakakatakot iyong hawakan dahil baka madumihan o magasgasan.

Napakunot ang noo ko nang biglang bumukas ang pinto ng puting kotse dito sa gawi ko at dumungaw ang lalaking hindi ko na gustong makasagupa.

"Get in."

Napahakbang ako ng isang beses patalikod dahil sa maotoridad na utos niya. Maya-maya ay tumaas ang kilay nito at nagsalitang muli nang hindi ako kumibo para sundin ang utos niya.

"What? You didn't hear me?"


Hindi pa rin ako kumibo at nakatitig lamang sa lukot niyang mukha, wari's naiinis na. Kung sa bagay, gwapo nga talaga ang isang 'to. Kaya siguro grabe ang tilian ng mga estudyante kapag nakikita sila, o siya. Pero kung gaano kapansin-pansin ang kaniyang kagwapuhan ay halatang-halata rin na hindi maganda ang ugali niya.



"Come on, lady. I know I am handsome but please, just fucking get in the car. O baka naman gusto mong bumaba pa ako at buhatin kita? Now what, babe? "


Mabilis kong iniiwas ang tingin sa kaniya at wala sa sariling umiling. Masyado yatang napatagal ang pagtitig ko sa kaniya. Ngayon tuloy ay lumalaki ang ulo niya. Tsk, mga lalaki nga naman. Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Bahala siya riyan, kaya ko namang umuwi mag-isa ano.

Hell's Addiction | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon