24. YOU'RE SAFE NOW

461 13 3
                                    

THIRD PERSON'S POV




Habang nakasakay sa elevator ay patuloy pa rin sa pag-iyak si Hera. Maga-alas sais na ng hapon siya umuwi dahil matapos ang nangyari sa kaniya sa locker room ay tumambay muna siya sa rooftop. Ayaw niyang ipakita ang sarili sa kapwa mga estudyante sa ganoong kalagayan, sa ganoong hitsura.





Maging ang kaibigan niyang si Moren ay wala ring alam sa nangyari sa kaniya.





Ngayon ay pauwi na siya sa condo na tinutuluyan niya. Tumawag si Hell sa kaniya kanina para kamustahin siya. Sinabi niya  naman na ayos lamang siya kahit na ang totoo ay hindi. Hindi niya pwedeng sabihin kay Hell ang nangyari sa kaniya. Siguradong magagalit iyon. Mabuti na lamang nga at hindi pa makakauwi ang binata.





Pagkalabas ni Hera ng elevator ay nagmamadali siyang nalakad patungo sa condo unit niya at binuksan ang pinto. Saglit pa siyang natigilan at nagtaka nang mapagtanto na hindi pala iyon naka-lock. Siguro ay nakalimutan niyang i-lock  kanina.




Pumasok na siya sa loob at pagkatapos ay isinara na ulit ang pinto at ni-lock iyon.




Patungo sana siya sa kwarto nang may maamoy siyang mabango. Amoy spaghetti. Saan naman galing iyon? Sa kabilang unit? Imposible naman yatang mangyari yun lalo na at naka-air conditioner lahat ng condo unit dito. Ibig sabihin ay saradong-sarado.





Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Imbes na magi-emote siya dahil sa sakit na nararamdaman eh mukhang gutom na ngayon ang nararamdaman niya.






Kaya naman naglakad siya patungo sa kusina at hindi niya inaasahan ang maaabutan niya roon.





"Sur—prise," ang dapat masiglang bati ng binata sa kaniya ay napawi. Natigilan ito at inilapag sa kitchen counter ang hawak na platong may lamang spaghetti. May suot itong apron ngunit walang suot na pang-itaas.




Kunot ang noo na naglakad ito papalapit sa kaniya.





"W-what, what happened? Who did this to you?"




Punung-puno ng pag-aalala ang boses nito. Napaluha si Hera sa hindi malamang dahila. Niyakap niya ang binata na hindi siya mahawakan dahil sa pagkabigla. Halatang bigla itong nataranta nang makita ang hitsura niya.





"Who the fuck did this to you? Who hurt you?  Baby, please talk." Kalaunan ay maingat nitong hinawakan ang mukha niya at iniangat dahilan para magtama ang mga mata nila.





"Hell." Tanging ang pangalan lamang ng binata ang nabigkas niya at pagkatapos ay napahagulgol. Tila siya isang bata na nag-iiyak ngayon sa harap ng binata.





Lalo siyang napaiyak nang makita ang butil ng luha na tumulo sa isang mata nito. Tila nasasaktan sa kalagayan niya ngayon. Sa kabila noon ay ramdam din niya ang galit ng binata.





Whoever hurt   his girl will surely taste the hell. That's the only thing running to his mind right now. Malaman niya lang talaga kung sino o sino-sino ang mga ito.





"Tell me, who the fuck did this to my baby. Who hurt  you? Fuck! Please, tell me please, baby," may pagsusumamong sabi sa kaniya ng binata.





Hindi siya makasagot at mas lalong lumakas pa ang iyak. Kaagad naman siyang niyakap ng binata at pinapatahan ngunit talagang ayaw niyang tumigil sa pag-iyak. Sa huli hinayaan siya ng binata hanggang sa nakatulog na nga siya sa mga bisig nito.





Hell's Addiction | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon