22. SCANDAL

218 4 0
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

This is the night that all the students are waiting for. 5 o'clock pa lamang ng hapon ay nakahanda na ang lahat, excited sa gaganaping event ng paaralan, ang aquaintance party. Naglipana ang nga estudyante sa malawak na unibersidad suot ang kanilang magagarang damit. Kanya-kanyang pasikat ng mga mamahaling alahas na suot nila. 6 o'clock pa ang simula ng party ngunit heto at handang-handa na sila.

Napakagarbo ng mga dekorasyon lalo na sa loob ng gymnasium kung saan gaganapin ang contest para sa Campus King & Queen. Lahat ay excited na kung sino ba ang tatanghaling reyna at hari sa nasabing unibersidad.

Samantala, habang nagkakagulo sa saya ang mga estudyante sa loob ng Harvard University ay tahimik naman pareho sa loob ng kotse si Hell at Hera. Nasa parking lot sila ng condiminium at nagtataka si Hera kung bakit ba hindi pa rin pinaaandar ni Hell ang makina ng sasakyan. Gayunpaman, ayaw niyang magsalita.

Nakabihis na sila pareho ng magarang damit at handa na rin sana para sa gaganaping acquaintance party sa paaralan. Terno pa ang suot niyang baby pink fairytale dress sa suot nitong neck tie. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o matutuwa dahil ito mismo ang pumili ng kulay para daw terno sila. Isipin mo nga na ang isang suplado at badboy na si Hell ay  nagsuot ng kulay baby pink na neck tie?

"Bakit hindi pa tayo umaalis? Baka mahuli na tayo sa party."

Nag-iwas siya ng tingin sa binata matapos sabihin ang mga salitang iyon. Narinig pa niya ang malalim na pagbuntong hininga nito saka tinatamad na ipinatong ang isang kamay sa manibela. Tila wala pa itong plano na paandarin ang sasakyan.

"I don't want to attend the party," saad nito.

Nakakunot ang noo na nilingon siya ng dalaga. Paanong ayaw niyang um-attend?

"Bakit?" buong pagtataka ni Hera na tanong sa kaniya.

Nilingon siya ng binata at umirap saka muling nag-iwas ng tingin. Teka, anong ginawa niya? Bakit napaka suplado niya naman ngayon?

"You joined the contest and paired with another man and you fvcking want me to watch you? Just by thinking of that made me feel like you're cheating on me!" inis na wika nito at napasabunot pa sa sariling buhok.

"Edi huwag kang manood. Hindi ko naman sinabing manood ka eh-"

Tila umurong ang dila niya nang biglang nilingon siya ng binata gamit ang nanlilisik na mga nata dahil lang sa mga salitang binitiwan niya. Ano na naman!

"And now you're talking back to me? Do you really like being punished? Huh baby?"

Mabilis na napailing at nagbaba ng tingin si Hera. Ayaw niya pero bakit tila may parte sa kaniya na gusto ang parusang sinasabi ni Hell?

'Hindi, huwag kang malandi, Hera! Hindi ka naman ganyan dati ah.' suway niya sa kaniyang isipan.

"Damn, and look at you! Damn it!"

Napakagat siya sa ibabang labi at kunut-noong tiningnan ang binata. Ano naman ang problema nito? Bakit ngayon ay nagrereklamo siya gayong siya naman ang nagpresinta na kumuha ng make up artist para ayusan ang dalaga at nagpabili ng mga magagarang damit para ipasuot dito. Ngayon ay nagrereklamo siya?

"Ano naman ang problema sa ayos ko?"

Napasabunot sa sariling buhok ang binata at matalim siyang tiningnan? Mabilis naman na nag-iwas ng tingin ang dalaga dahil sa takot sa paraan ng pagtingin niya.

"You're too gorgeous and I hate it!" singhal niya at napapitlag si Hera nang bigla nitong pinatunog ang busina ng kaniyang sasakyan ng ilang beses. Ano ba ang problema ng isang 'to? Lahat na lamang ay mali para sa kaniya. Napakagulo niya naman!

Hell's Addiction | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon