1.TRANSFEREE

516 23 4
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

"Alis na ho ako, Nay."


Hinagkan ko ang picture frame kung saan naroon ang litrato ng aking ina. Pumanaw siya noong nasa edad sampung taong gulang pa lamang ako. Lumabas ako ng bahay at hindi na nagawang makapagpaalam sa mga ibang kasama ko sa bahay dahil nagmamadali ako. Ito ang unang araw ko sa Harvard University, isang sikat na paaralan at talaga namang napakaraming mayayamang estudyante ang nag-aaral doon.


Isa akong scholar, sa kabutihang palad ay nakapasa ako para makamit ang libreng scholarship. Labis ang tuwa ko nang malaman iyon dahil sa wakas ay hindi na ako gagastos ng malaki para magbayad ng tuition fee. Ang kailangan ko lamang pag-ipunan ay ang mga kakailanganin tulad ng activities at projects sa paaralan.


"Aba, akalain mo nga naman at makakapasok ka sa sikat na paaralang iyon, Hera!"

Pati si Aling Nena ay tuwang-tuwa nang malamang makakapag-aral ako ng libre sa sikat na paaralan. Dumaan kasi muna ako sa tindahan niya upang bumili ng pandesal dahil hindi ako nag-agahan. Tanging kape lamang at isa pa, wala naman kaming bigas.


Malawak akong ngumiti kay Aling Nena saka nagpaalam. Sumakay ako ng tricycle at tinungo na ang nasabing paaralan. Ilang minuto lamang din naman ay narating na rin namin iyon. Nagmamadali kong iniabot ang bente pesos kay manong Kaloy, isang tricycle driver, saka bumaba na. Halos malaglag ang panga ko sa lupa nang makita ang paaralang papasukan ko.


"Napakaganda!"


Nabulalas ako habang nakatingala sa malaking gate ng eskwelahan. Nakabukas na iyon at marami na ring estudyante ang nagsisi pasukan. Sa dami nila ay nababangga na nila ako. Pero hindi iyon naging dahilan para maudlot ang pagpapantasya ko. Talagang napakalawak. Narito pa lamang ako sa labas ng gate ay tanaw ko na ang napakalawak paaralan.


Saglit kong pinasadahan ang aking sarili. Nakasuot lamang ako ng mahabang palda na umabot sa kalahati ng binti ko at isang plain at puting Tshirt na medyo fit sa akin. Medyo halata tuloy ang hugis ng aking katawan. Hindi naman sa pagmamayabang pero ang daming nagsasabing maganda raw ako at ang katawan ko, hindi nga lamang marunong mag-ayos. Para daw akong babae sa sinaunang panahon dahil sa istilo ng aking pananamit. Ang kutis ko ay halos kasing puti ng isang mannequin kaya ang iba ay tinatawag akong 'snow white.'


Abot hanggang tenga ang aking ngiti nang magsimula akong maglakad papasok sa eskwelahan. Ang aking paningin ay hindi mapakali at sadyang naaaliw sa magandang tanawin ng unibersidad. Maraming building na sa palagay ko ay kung saan naroon ang iba't ibang classroom. Tanaw ko mula rito sa baba ang mga estudyanteng nagpapabalik-balik sa hallway doon sa itaas at baba ng building.


Napatingin ako sa dalang brown envelope na naglalaman ng aking mga papeles. Ipapasa ko iyon sa Dean kuno ngunit may malaki akong problema. Hindi ko alam kung saan ba ang opisina nito at kung paan ko hahanapin gayong napakalaki ng paaralang ito. Baka abutin ako ng isang oras kakalibot para isa-isahin ang sa tingin ko ay higit sa limang building na nasa harapan ko. Ngayon ay nakatayo ako sa masasabi kong tila sentro ng paaralan at halos malula ako sa mga building na nakapalibot sa akin.


Inilibot kong muli ang aking paningin hanggang sa mahagip ko ang isang babaeng nakaupo sa bench. Halos dalawang metro lamang ang layo niya sa akin. Nagbabasa ito, kung hindi ako nagkakamali ay History book yung hawak niya. Pinasadahan ko siya ng tingin at hindi maiwasang humanga. Maayos at bagsak ang kaniyang buhok. Makinis at maputi ang kaniyang balat. Nakasuot siya ng color beige na polo shirt na nakatupi hanggang siko niya at sa pang ibaba naman niya ay brown na trouser. Ang kaniyang sapatos ay nakakahiyang apakan sa sobrang puti noon. Nakasuot siya ng bilog na salamin at hindi pa rin noon nabawasan ang gandang taglay niya.


Hell's Addiction | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon