17. LET'S TALK

437 15 3
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"May gumugulo ba sa isip mo? Halatang wala ka sa sarili kanina. Napagalitan ka pa tuloy ni propesor."







Kasalukuyang nasa cafeteria ngayon si Hera kasama ang kaibigan niyang si Moren. Recess na at imbis na kumain ng nilibreng spaghetti sa kaniya ng kaibigan ay pinaglalaruan niya lamang ito ng tinidor. Hindi niya alam kung bakit wala siyang ganang kumain ngayon gayong kanina naman ay nagwawala na ang sikmura niya sa gutom.






Pambihira.







Kanina pa siya wala sa sarili. Gumugulo sa isip niya ang mga sinabi ni Hell sa kaniya hanggang ngayon gayundin ang mga sinabi ni Khino kanina sa hardin. Sobrang crowded ng isip niya dahilan siguro para biglang mawalan siya ng gana sa pagkain. Pilitin man niya ang sarili na huwag isipin ang mga bagay na iyon ay talagang ginugulo nito ang isipan niya.







Napabuntong hininga si Hera at napahilot sa sintido.






Napansin iyon ng kaibigan niyang si Moren na nakaupo sa kaniyang harapan. Kaya naman, kaagad siyang dinaluhan nito at tinanong.







"May problema ba, Hera? C'mon, if something's bothering you, you can tell me. You know I am always here to listen. Para saan pa at naging magkaibigan tayo, diba?" ika pa nito sa kaniya pagkatapos hawakan ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa.






Napatingin siya sa mukha ng kaibigan at napangiti. Susubukan niyang tanungin ito tungkol sa bagay na gumugulo sa isipan niya. Baka sakaling may sagot ito na tiyak na magpapalinaw sa mga iniisip at nararamdaman niya.







"Paano ba masasabing gusto mo ang isang tao?" deretsong tanong niya sa kaibigan na siyang ikinatigil nito. Natahimik ito at kunut-noong napatitig sa kaniya. Did she say something bad?








Si Moren naman ay tila naguguluhan sa naitanong ng kaniyang kaibigan. Like why would she ask such thing like that? Does she like someone? Kung mayroon man, sino?






Ipinilig ni Moren ang ulo at kunut-noong tinitigan si Hera na halata ang pagkadesperada sa mukha na masagot ang tanong nito sa kaniya. May isang tao siyang pinaghihinalaan na maaaring nagugustuhan ng kaibigan pero hindi niya gusto ang ideyang iyon. Hindi maaari.






'No, that can't be, Moren,' ika pa niya sa kaniyang isipan at wala sa sariling humigpit ang kapit sa tinidor niyang hawak.







Napansin iyon ni Hera kaya naman kaagad siyang nagtaning sa kaibigan.







"May nasabi ba akong mali, Moren?"







Hindi umimik ang kaibigan. Sa halip ay mabilis itong nag-iwas ng tingin sa kaniya saka humugot ito ng napakalalim na hininga. Kapagkuwan ay muki nitong ibinalik ang tingin sa kaniya. Nagtatanong ang singkit na mga mata nito habang derektang nakaingin sa kaniyang mga mata.







"Gusto mo ba si Hell?" Nanlaki ang mga mata ni Hera na halos lumabas na ang mga iyon sa pinaglalagyan. Napaubo-ubo siya nang masamid ng sariling kaway dahil sa naitanong sa kaniya ng kaibigan. Nabigla naman ito at kaagad siyang dinaluhan at inabutan ng tubig. Tinanggap niya iyon at ininom nang mahimasmasan.







Paanong- Bakit si Hell agad ang naisip nito na nagugustuhan niya?







"H-Ha? Bakit mo naman nasabi iyan?" Pekeng napatawa si Hera at nag-iwas sa mapanuring tingin ng kaibigan.






Hell's Addiction | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon