CHAPTER 11

3K 90 7
                                    

"Arghhhh" Sigaw ko kaya napatingin sakin ang mga kaklase ko miski si Sir ay napatingin sakin habang nakakunot ang noo.

"Miss Tolentino may problema ba?" Tanong ni Sir pero umiling lang ako.

"Pwede po bang lumabas?" Tanong ko.

"Go ahead" Diko na inantay ang sunod niyang sasabihin at tumakbo nako palabas ng room.

Ilang linggo ko ng hindi nakikita si Brix simula nung sinabi niya saking mag focus daw ako sa pag aaral ko.

"Verlice" Napatingin ako sa tumawag sakin.

Si Kale yung college student na naging kaibigan ko dahil kay Kleo.

"Yes?" Tanong ko doon, hindi ko kayang makipag biruan sa kanya dahil seryoso siyang tao.

Pag biniro mo kasi siya habang seryoso siya ay kailangan mo talagang lumuhod sa asin para pansinin ka ulit niya.

"Bakit ka nandito sa labas?" Tanong niya at sinabayan ako sa paglalakad.

"A-ah wala naman hahaha"

"Hinahanap mo ba ulit si Brix?" Tanong niya na ikina tigil ko.

Kale's POV

"Oo" Nahihiya niyang sagot sakin.

Haha sakit ah.

"Nandun siya sa cafe kasama sina Levi, gusto mo samahan kita?" Tumango siya saakin at ngumiti.

Kung sana ako lang dahilan ng pag ngiti niya edi sana masaya ako.

Cafeteria

Verlice's POV

"Yea ganon tala- bro si Verlice" Saad ni Kyno kay Brix pero di ako nilingon ni Brix.

"Ano nga ulit yun?" Tanong ni Xio.

"Diko na alam hahaha" Tawanan nila.

Tumingin si Brix sa gawi ko kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Tama siya kailangan ko mag focus sa pag aaral ko, tsaka ko na siya kukulitin pag nakapag tapos nako.

"Verlice punta ka dito" Tawag ni Xio pero umiling ako.

"Sige na" Pamimilit niya pa kaya wala akong nagawa kundi ang pumunta doon, nakasunod saakin si Kale kaya nakahinga ako ng maluwag.

"b-bakit?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa mga kasamahan niya.

"May problema ba?" Natatawa niyang tanong kaya umiling ako.

"Una nako" Rinig kong sabi ni Brix.

Hindi naniya inantay ang sasabihin ng tropa at umalis na.

Gusto kong umiyak dahil iniiwasan niyako pero ang sabi naman niya ay hihintayin niyako diba.

"A-ah ano wala una nadin ako ah, may pupuntahan pa kasi kami ni Kale, diba Kale?" Kinurot ko ang bewang niya.

"A-ah oo"

Ngumiti ako kina Xio at tinulak na si Kale palabas ng cafe.

YESTERDAY'S SUNSET Where stories live. Discover now