"Oh baby ko nasaan kana ba?" Sigaw kong kanta habang naliligo.
"Verlice ano ba, tatlong oras kana diyan sa cr at ilang beses mo na din pinaulit ulit yang kanta mo" Sigaw ni mama, nako kung diko to nanay.
"Oona lalabas na matatae kalang e"
"Nyeta kang bata ka bilisan mo na diyan" Sigaw niya.
"Yes mother earth" Nag tapis nako at lumabas.
Pagkabukas na pagka bukas ko ng pinto ay isang kurot agad sa singit ang nakuha ko galing kay mama.
"Si mama bastos" Nakanguso kong sabi.
"Sus" Pang aasar niya at pumasok na sa banyo.
Naiiling akong dumiretso sa kwarto ko at nag bihis.
Skirt na hanggang tuhod ang suot ko at white t shirt na naka tack-in sa skirt ko.
Inilugay ko ang hanggang balikat kong buhok na straight at nag make up ng plain gaya ng lagi kong ginagawa pag papasok.
Nag doll shoes lang ako ng kulay itim dahil wala lang trip ko lang.
Kinuha ko na ang bag ko at nilock ang kwarto ko bago lumabas.
"Maa alis nako" Sigaw ko.
"Kumuha ka ng 300 dun sa wallet ko sa kwarto" Sigaw niya.
"Okay" Sigaw ko pabalik, sigawan kami bingi e char.
Kumuha ako ng 300 sa wallet niya gaya ng sabi niya at umalis na.
Habang nakasakay sa jeep ay napaisip ako kung bakit kulay puti ang white yawa.
__________
"Verlice" Sigaw na tawag ni Jed saakin kaya napangiwi ako."Ano?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
"Iloveyou" Ibinato ko sa kanya ang eraser ng white board namin na ikinatawa niya.
"Joke lang e, hinahanap ka ni Levi kanina" tawang tawang sabi niya samantalang ako ay napakunot ang noo.
"Bakit daw?" Naupo ako sa lamesa ng teacher, hehe kapalan ko na mukha ko.
"Diko alam, tanong mo sa kanya" Tumango nalang ako dahil wala naman siyang kwenta.
Napatingin ako kay Sea na nakadukdok, humikbi siya kaya nag taka ako.
Bumaba ako sa lamesa at nilapitan siya.
"Hoy" Itinulak ko ang ulo niya para makita ko ang mukha niya.
Pulang pula ang kanyang mata at ilong.
Niyapos niyako sa bewang at doon humagulgol.
"Ano bang nangyari?" Lumuhod ako para magkapantay kami.
"S-si Mama at papa Verlice" Nahihirapan niyang sabi.
"Anong nangyari?" Takang tanong ko, padalawa nato ha.
"P-patay na sila" Nasamid ako sa sarili kong laway.
Lah kausap ko lang kahapon yun ah nangutang panga ako ng ₱100.
"Wag kanga umiyak" Pinunasan ko luha niya.
"Di bagay sayo gaga" Natatawa kong biro.
Napasimangot siya.
"Wag ka umiyak kasi luluha ka hihi" Taas baba ang kilay ko sa kanya.
"I'm always here for you Se" Kumindat ako na ikinatawa niya.
"Inamo bano" Sambit niya pinunasan ang kanyang luha.
"Pumunta ka sa cr at ayusin mo yang sarili mukha kang gurilya" Natatawa kong sabi.
"Fuck you hahaha" Tumayo na siya dala ang kanyang bag at pumunta sa pinaka malapit na cr.
"Ver" Napalingon ako kay Lev.
Tamo talaga tong lalaking to papansin, Kung noong crush ko pa siya nag papansin sakin edi sana ayos kami at nag pakasal na.
"Yes V'p?" Tanong ko.
"Nothing, gusto lang talaga kita makita"
"Ayown si Vp hahaha"
"Ampt landi niyo"
"Yucks"
"Ew kadiri"
"Langgam oh"
Pang aasar ng mga kaklase ko pero wala namang epekto saakin.
Sana ikaw nalang si Brix, Lev.
"Huh?" Maang maangan ko nalang.
"Wala bye" Hinalikan pa niya ang noo ko bago umalis.
Diko nalang yon ininda at naupo nalang sabay dukdok sa arm chair ko.
Pano kaya kung tigilan ko din si Brix, gugustuhin din niya kaya ako? joke lang balasiya pake ko kung di niyako gustuhin pabalik ang mahalaga gusto ko siya tsk.
:))))
YOU ARE READING
YESTERDAY'S SUNSET
Historia CortaVerlice Tolentino, 18 y'old, Grade 11 Student and architecture is my course. I have a crush, He's name is Brixton Arl Fernandez, sa pagkakaalam ko 19y'old na siya, He's Grade 12 student and he's course is Pilot and Engineering, hindi ko alam kung pa...