"Hunn ang ingay mo" Reklamo ni Brix at nag talukbong ng kumot.
"Edi bumangon ka diyan"
"Give me 60 minutes please" Antok na sabi niya.
60 minutes? tangina 5 minutes lang dapat yon ah, sobra siya.
"Brixton Arl Fernandez tanginamo bumangon kana" Napatayo siya sa sobrang lakas ng sigaw ko.
"Yes ma'am" Humalik siya sa labi ko at pumunta sa cr.
"Nasaan toothbrush ko hunn" Sigaw niya.
"Aba malay ko, tignan mo sa Library baka nag babasa don" Pilosopong sagot ko.
"Hunn asan kasi"
"Kumuha ka nalang ng bago diyan sa cabinet, tinapon ko kanina e"
"Ok" Sigaw niya.
Jusko siguro pag nag tagal tanggal tulig ko dito sa lalaking to sa kakasigaw niya.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya at nahiga sa hita ko.
"Adobo o kaya sandwich nalang" Tumango siya at niyakap ako sa bewang.
"Ang aga aga Brixton"
"Sabi mo kanina tanghali na" Pamimilosopo niya.
"Mag luto kana nga gutom nako"
"Busog kapa e" Pang aasar niya.
"Gutom ako"
"Busog kapa"
"GUTOM NAKO" sigaw ko
"Oo gutom ka, kaya nga tatayo nako at ipag luluto ka e loveu" Hinalik halikan niya muna ako sa mukha bago lumabas ng kwarto.
_______________
"Anong oras ka pupunta sa site?" Tanong ko kay Brix habang nakain."Pagka hatid ko sayo"
"kaya ko namang mag drive"
"Kaya naman kita ihatid"
"Tsk"
"Ayaw mo?"
"Gusto, sayang gasolina ng sasakyan ko" Naiiling siyang sumubo ng fried chicken.
Gagong to mag luluto daw pero nag order lang naman pala sa grab.
Nilagay pa sa kawali para daw kapanipaniwala.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Se.
"hello mahlabs so sweet hahahaha" bungad ni Se.
"How are you?" Tanong ko at niloud speaker ang cellphone ko para marinig ni Brix dahil aawayin nanaman ako non.
"I'm okay hihi, saya dito sa Paris beh"
"Halata nga ang saya saya mo e"
"Teka Kyle nakikiliti ako ahihi, mamaya na tayo mag usap gagawa lang kami ng pamangkin mo hahaha" Pinatay na niya ang tawag kaya napangiwi ako.
"Oh bat ganyan mukha mo?" Tanong ko kay Brix na nakasimangot.
"Gusto ko din bigyan sina Se ng pamangkin hun"
"Gago kumain kana nga lang" Tinawanan niyako na parang gago.
YOU ARE READING
YESTERDAY'S SUNSET
Historia CortaVerlice Tolentino, 18 y'old, Grade 11 Student and architecture is my course. I have a crush, He's name is Brixton Arl Fernandez, sa pagkakaalam ko 19y'old na siya, He's Grade 12 student and he's course is Pilot and Engineering, hindi ko alam kung pa...