Prologo

31 8 2
                                    

Meron raw noong isang imortal na tagalapangalaga ng kabundukan ang umibig sa isang tao.

Hinangaan na nya ang binibini mula ng unang beses pa lamang nya itong makita.

Nangyari iyon nang minsang mamasyal ilog sa may bundok ang binibini upang mamitas ng paborito nitong bulaklak ng sampaguita na sagana sa tabing-ilog.

Una itong nabighani sa kanya pambirang tinig na tila isang musika para sa binatang imortal.

Mas lalo syang nagkagusto rito dahil bukod sa magandang tinig ay tinataglay din nito ang kagandahang natatangi.

Batid nang binata ang kanilang pagkakaiba kayat pinili na lamang nyang wag magpakilala sa mortal dahil isa ito sa mga ipanagbabawal sa kanila, at maaring manganib ang sinumang tao na umibig at ibigin ng isang imortal.

Ngunit isang araw, habang namamasyal sa bundok ang binibini na lingid sa kanyang kaalaman ay laging pinagmamasdan ng naturang binata, aksidente syang nadulas sa may ilog dahilan upang anurin sya sa malalim na bahagi ng ilog.

Dali dali syang pinuntahan ng binata at tinulungan.
"M-maraming s-salamat sa pagligtas sa aking buhay g-ginoo"
Wika ng dalaga at ngumiti
Sadya ngang napakaganda nya

"Walang anuman binibining Lalia"
Sagot nito at ngumiti pabalik.Akmang aalis na sya ng bigla syang hawakan sa kamay ni Lalia dahilan upang syay magulat.
Agad namang napagtanto ng binibini na di kanais nais tignan ang kanyang ginawa kung kaya't agad syang bumitaw.
"P-paumanhin ginoo, n-nais ko lamang sana itanong kung paano nyo nalaman ang aking pangalan."
Anya.

Napagtanto ni Mateo ang kanyang pagkakamali, narinig nya ang pangalan ng dalaga ng minsan rin syang mamasyal sa bundok kasama ang kanyang tagapagsilbi.

"H-hinulaan ko lamang."pagsisinungaling niya.

Agad na sumilay ang ngiti ang ngiti sa mga labi ni Lalia na may halong pagkamangha.
"Kung gayon isa po ba kayong manghuhula?"
Isa akong imortal
"P-parang ganon na nga." tugon nya at napakamot ng ulo.
Manghang-mangha ang dalaga sa kanyang natuklasan, itinuturing ring malakas ang mga manghuhula sa panahong iyon.

"Maari ko po bang malaman ang iyong ngalan ginoo?"

"Ako si Mateo."

"Natutuwa akong makilala ka ginoo, ako nga pala si-"

Naputol ang kanyang sasabihin ng may napagtanto.

"Batid nyo ng nga po pala ang aking ngalan."
Sa di malamang dahilan ay pareho na lamang silang natawa.

Mula nang araw ng iyon ay mas napadalas ang pamamasyal ng binibini sa tabing ilog, mas lalo namang pinayabong ni Mateo ang halamang sampaguita na nakatanim roon.

"Magandang umaga binibini," anang binata at iniabot rito ang isang kumpol ng mga sariwang sampaguita.

Agad namang namula si Lalia.
"Maraming salamat Ginoo."

"Aking mas ibig kung akoy iyong tatawagin na lamang sa aking ngalan."suhestyon niya.

"Kung gayon ay Lalia na lamang rin ang iyong itawag sakin,"

Sa paglipas ng panahon ay mas lalo nyang nakilala ang dalaga, napagtanto rin niya na isang manggagamot ang kanyang ama na kilala sa kanilang bayan.

Di nagtagal ay nahulog narin sa kanya ang dalaga at inamin na may pagtingin rin sya rito.

Naging magkasintahan ang dalawa, subalit lingid sa kanilang kaalaman ay may nagsuplong kay Mateo sa mga kapwa nya imortal, ang isang imortal ay di pwedeng umibig sa isang tao sapagkat kapalit noon ay ang buhay ng kanilang iniibig.

Walang nagawa si Mateo laban sa batas na iyon.

Nang malapit ng mamaalam si Lalia ay nagbitiw muna sila ng pangako sa isat-isa.

"Aking binibini, patawad kung di kita nagawang iligtas sa buhay mong ito ngunit nangangako ako na sa ikalawang pagkakataon ay muli tayong magtatagpo, at sa sandaling iyon, magkakaroon ng tayo ng magandang wakas."
Sambit ni Mateo habang kalong kalong sa bisig ang nag aagaw buhay na minamahal.

"P-pinapangako ko rin, na sa susunod kong mga buhay, ang puso ko'y mananatili lamang sayo.Sa buhay kong ito, at sa mga susunod pa, ikaw lang ang mamahalin ko."
At tuluyan na syang namaalam.

Aantayin ko ang iyong pagbabalik, aking binibini.

The Promise of Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon