Kabanata 14: Their Story

2 1 0
                                    

A/N:Good day mga mambabasa!
Baka malito kayo,sa  kabanatang ito ay ikwe-kwento ni gwapong nilalang-esti Matthew pala ang part ng story nila ni Lalia before, enjoy reading 🥰

Matthew

Nagpapahinga ako noon sa isang puno nang may narinig akong isang napakagandang tinig,hinanap ko ang pinagmumulan noon at nalaman kong isang di pangkaraniwang babae ang may ari ng boses na iyon.

Doon ko rin napagtanto na di lamang boses ang maganda sa kanya bagkus ay nakabibighani rin ang kanyang wangis.Mahaba at medyo kulot na buhok, mapungay na mga mata at maliit ngunit matangos na ilong.

Hindi sya ganoon katangkad ngunit di yung nakabawas sa taglay niyang ganda.

Sa ilang daang taon ng buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng babaeng kasinganda niya.

Maya't maya pa ay may isang binatilyong lumapit sa kanya.

"Binibining Lalia, kayo po'y pinapatawag na ng inyong ama."anang binatilyo.

Iyon pala ang kanyang ngalan,Lalia.

"Ako'y susunod niya..."tugon naman ng binibini sa binatilyo.

"Sige po binibini."

Bago umalis ay namitas muna ang dalaga ng bulaklak ng sampaguita,bukod sa pagpasyal ay ang mamitas ng naturang bulaklak ang isa pang dahilan kung ba't mas napadalas siyang pumapalagi sa ilog.

Lagi ko ring inaabangan ang kanyang pagpunta na siyang 'di naman ako nabibigo.

Hanggang sa namalayan ko na lamang na aking nang iniibig ang binibini, subalit batid ko ang aming pagkaaiba at ang parusang kapalit kung sakali man na nalaman ng mga kapwa ko imortal na ako'y umiibig sa isang tao, kanyang buhay.

Dahil sa amin pagkakaiba ay pinili ko na lamang na 'wag na siyang lapitan pa at makuntento na lamang habang siya'y pinagmamasdan mula sa malayo.

Ngunit isang araw, sa kalagitnaan ng kanyang pamamasyal ay bigla siyang nadulas papuntang ilog dahilan upang siya'y mapunta sa malalim na bahagi nito.

Di na ako nagdadalawang isip pa at dali dali ko siyang tinulungan.

"M-maraming s-salamat sa pagligtas sa aking buhay g-ginoo"
Wika ng dalaga at ngumiti
Sadya ngang napakaganda nya

"Walang anuman binibining Lalia"

Sagot nito at ngumiti pabalik.Akmang aalis na sya ng bigla syang hawakan sa kamay ni Lalia dahilan upang syay magulat.

Agad namang napagtanto ng binibini na di kanais nais tignan ang kanyang ginawa kung kaya't agad syang bumitaw.

"P-paumanhin ginoo, n-nais ko lamang sana itanong kung paano nyo nalaman ang aking pangalan."
Anya.


Napagtanto ni Mateo ang kanyang pagkakamali, narinig nya ang pangalan ng dalaga ng minsan rin syang mamasyal sa bundok kasama ang kanyang tagapagsilbi.

"H-hinulaan ko lamang."pagsisinungaling niya.

Agad na sumilay ang ngiti ang ngiti sa mga labi ni Lalia na may halong pagkamangha.

"Kung gayon isa po ba kayong manghuhula?"
Isa akong imortal

"P-parang ganon na nga." tugon
nya at napakamot ng ulo.
Manghang-mangha ang dalaga sa kanyang natuklasan, itinuturing ring malakas ang mga manghuhula sa panahong iyon.


"Maari ko po bang malaman ang iyong ngalan ginoo?"

"Ako si Ma-" Napatigil ako sa pagk-kwento nang bigla tumunog ang cellphone ni Lia.

"Sorry Matthew, kailangan ko nang umuwi, hinahanap na ako sa bahay..." Aniya at tumayo na ngunit napatigil muna siya at lumingon sa akin,

"Salamat uli, Matthew..."sabi niya at nagpaalam na.

Walang anuman, aking Binibini.
















The Promise of Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon