Kabanata 8:His choice

7 4 0
                                    

Matthew

Matagal narin simula noong hiniling ko sa hari ng mga imortal na gawin akong isang ganap na tao at nang sa ganoon ah maari ko ng makasama si Lalia, ngunit isa parin akong imortal sa ngayon.

"Hindi ka pa magiging ganap na mortal hanggang sa 'di pa bumabalik ang alaala ni Lalia at hanggang 'di mo pa nababatid kung sino ang nagsuplong sa inyong dalawa noon na siyang naging dahilan upang kayo'y magkahiwalay."Anang hari.

Tama siya, ang bundok ng walang hanggan na aking pinangangalagaan ay may panangga laban sa iba pang mga imortal kaya't walang sinuman ang maaring pumasok dito ng walang pahintulot ko.

Hindi ko malaman kung paanong may nakaalam ng tunkol samin ni Lalia at ipaalam ito sa'king mga kapwa imortal.

"Pag aari ba 'yan ng taong mahal mo?"tanong niya bigla.

Dinala ko siya ngayon sa tabing ilog kung saan nagsimula ang lahat sa amin, ang bundok na ito'y kilala na ngayon sa tawag na Mt. Infinity.

Gaya nang dati ay manghang-mangha parin siya sa lugar na ito, masayang isipin na matapos ang maraming taon ay muli kaming narito sa aming tagpuan, sa ibang katauhan nga lang niya.

Tumango ako." Ah ganoon ba?"
Tugon niya, at kapansin pansin ang lungkot sa mga mata niya.
Ikaw ang babaeng iyon.

"Paano mo pala nalaman ang lugar na ito?"tanong niya, iniiba niya ang usapan.

Panahon na rin siguro upang malaman niya ang totoo, malapit narin siyang maglabing-walo, at dito'y manunumbalik na ang kanyang mga alaala nang nakaraan niya, namin.

"Dahil ako ang imortal na tagapangalaga nito."











The Promise of Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon