Kabanata 4:Camping

7 4 0
                                    

"ANG tagal mo kasing gumising, yan tuloy male-late na tayo!"panenermon sakin ni kuya.
Tong si kuya eh kunwari pa, lagi naman siyang late, nanisi pa eh.

Kasalukuyan kami ngayong nasa kotse habang binabaybay ang daan patungo sa aming eskwelahan. Luh ang lalim ng tagalog ko dun ah haha.
Teka balik tayo dun sa explanation ko, at dahil nga sa lunes ngayon ay may flag ceremony kaya't di pwedeng ma-late.Kung ano ano pang panenermon ang ginawa ni kuya pero deadma lang.

Iniisip ko parin yung tungkol sa pinanggalingan nung kwintas ko.

"Oh di ka pa ba bababa?"hindi ko namalayan na andito na pala kami ngayon sa school.
"Eto na nga po bababa na,"ang sungit naman ni kuya may regla ka?

Mabilis na natapos ang flag ceremony at agad na kaming bumalik sa room, dumating narin si Prof. Salazar, ang aming adviser.

"Half day lang muna ang klase nyo today for my co-profesors and I would pay a visit at Mr. Baltazar's funeral."anunsiyo niya.

Leo..kamusta na kaya siya?

Nagsalita ulit si Prof.
"Uh, bago ko makalimutan, I want you all to know that we will be having a three days camping."

Camping? excited na akeshh

"The event will happen at Mt. Infinity."dagdag pa niya. Ito nanaman yung feeling na pamilyar sakin yung isang bagay eh, Mt.Infinity, Bundok ng walang hanggan sa filipino, pakiramdam ko nakarating na ako dito noon.

"The event's agenda is for you students to find a different plant species that are now classified as endangered, you'll just going to take a pictures of it and take note that none of you are allowed to touch it, it's for your botany class."Paliwanag ni Prof.

"Okay Prof."sabay sabay naming sagot na animo'y nasa military training at nagcommand ang captain.

"You guys will going to be group by pair, girl and a boy."agad na umalma ang mga kaklase ko.

"Di ba pwedeng ka pair nalang ay yung gusto?"

"Hala di tayo magiging mag pair Sis."

"Olats bro."

Kanya-kanya nilang reaction.

"I decided to group you that wag to avoid wasting of time, baka kasi pag parehong lalaki ang magkagroupo ay magiging magulo lamang sila, ganun din sa mga babae, baka puros pagseselfie ang gawin nila instead of taking a picture of plant species."
Nagfi-filipino ka naman pala sir eh.

Nagsimula na Prof. na i-groupo kami.

"The first pair wait be Ms. Ramos and Mr.Gomez, " di maiguhit ang mukha ni Paris dahil si Allen ang kanyang kapareha.

"And lastly, Ms.Guevarra and Mr. Sandoval."

T-tama ba ang narinig ko?

Im Matthew Sandoval.

Ang ka-pair ko ay walang iba kundi si Matthew.

Omg-teka nga bat nga ba ganto ang reaksyon ko? Oa mo Lia huh, groupings lang yan wag malandi.
Pero iba kasi ang pakiramdam ko pagdating kay Matthew, laging bumabalik sakin yung pakiramdam na pamilyar sa tuwing nakikita ko siya.

"The camping will happen next week."ani Prof. at nagsimula nang magklase at ipakita samin ang ibat ibang plant species na aming hahanapin sa bundok na iyon.

Leo won't be able to attend the camping dahil inaasikaso pa niya ang kompanyang naiwan ng kanyang daddy na siya nang minana niya.Noong nakaraang linggo rin ay bumisita kami nila daddy sa burol ng kanyang ama.

The Promise of Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon