CHAPTER THIRTY-TWO

13 3 0
                                    

“The Man Who killed his Parents”


Agad kong binuksan ng marahan ang pinto kung saan tinatago ni Cruxian ang anak ni Mr. Oliver. Inihanda ko ang aking baril dahil hindi ko alam kung ano ang nasa loob. Dala na siguro sa kalumaan ay lumikha ang pinto ng tunog ng pag-irit nang binuksan ko ito.

Dalawang lalaking CRYPTIC ang nakasalubong ko sa loob at agad ko silang binaril. Hindi manlang nila nahugot ang kanilang mga baril bago ko sila  napatay.

Napakalawak ang loob kaya hindi ko agad nahanap ang kinaroroonan nina Eleneor at ang babaeng immune. Nakita ko sa loob ang mga naglalakihang mga cylinder tube na mayroong lamang tubig. Naalala ko tuloy ang unang beses kong pagdating sa laboratoryo ni Erso. Ganito din ang mukha ng mga cylinder nang obserbahin ako ni Beatrice.

Nauna akong pumasok sa loob at nandoon sa labas ang mga kasamahan ko. Sinamahan ako sa loob ni Bain Cane sa paghahanap kay Eleneor pero naghiwalay muna kami para mas mapadali ang aming paghahanap. Nandoon ang iba sa labas para bantayan kami sa loob kapag mayroong magtangkang dumating na mga CRYPTIC.

Nang dumaan ang ilang oras sa paghahanap ko sa kaliwang parte ng warehouse ay nakita ko ang isang lalaking pamilyar sa akin. Kahit malayo ang distansya ko sa kanya ay sigurado akong kilala ko ang lalaking ito. Wala itong malay na nakahiga sa harap ng naghehelerang nga cylinder tube. Siguro ay ilalagay siya sa loob para obserbahin pero bigla namin silang inatake kaya iniwan nila siya dito pansamantala.

“Geek!. Wake up!” sabi ko sabay niyugyug ang kanyang balikat para magising. Ilang ulit ko pang sinabi sa kanya na gumising siya pero ayaw nitong imulat ang kanyang mga mata.

Nararamdaman ko naman ang pagpintig ng kanyang mga pulso sa katawan at hindi na ako nag-alala pa dahil alam kong buhay siya. Mga ilang sandali ang nakalipas ay dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at laking gulat nito nang bigla akong sinapak sa mukha.

“STAY AWAY FROM ME! RELEASE ME!!! PLEASE!” sabi nito habang pilit niyang kumawala sa aking mga bisig. Agad ko siyang pinakalma dahil mukhang hindi niya pa ako nakilala. Medyo masakit ang kanyang ginawang pagsapak sa mukha pero hindi ko na iyon inintindi dahil kailangan ko siyang gisingin sa kanyang ikinikilos.

“Ako ito. Si Nate! Gumising ka!” sabi ko at sabay sinapak ang kanyang mukha para matauhan.

“Nate? H-how did you—?” nagtatakang tanong nito at unti-unti siyang kumalma nang nakumbinsi na niya ang kanyang sarili na ako si Nate.

“What’s going on?” biglang sabi ni Bain Cane habang hingal na hingal itong lumitaw sa harap namin, “narinig ko ang sigawan ninyong dalawa kaya agad ko kayong pinuntahan,” sabi nito na halatang hirap sa paghinga, “w-wait. I-Is that—”

“Geek,”  pagputol ni Geek sa sinasabi ni Bain Cane.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa at agad na tinanong si Geek kung nakita niya ba ang babaeng hinahanap namin. At tanungin kung nasaan si Cruxian dahil gusto ko ng ipaghiganti ang mga taong namatay sa mga kamay niya. Walang awa ko siyang pahihirapan hanggang sa magmakaawa itong patayin ko nalang siya.

“Nasaan si Cruxian?” tanong ko kay Geek nang may narinig akong paglagitik ng isang bagay sa likod ng ulo ko.

“Welcome home, my boy, Nate Peter Horseson.” Isang lalaki ang nagsalita at sa boses palang niya ay kilala ko na kung sinong hayop ang nagsalita habang tinutukan ako ng baril sa aking ulo. “Turn around. Let me see your face before I’m going to kill you.”

HORSESON [ UNDER REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon