🌷

312 11 6
                                    

He woke up with something heavy on his chest. He opened his eyes and saw a naked woman sleeping and hugging him.

Dahan dahan niyang tinanggal sa pagkakayakap sa kanya ang braso ng babae at iniangat ang ulo nito. Bumangon siya at isa isang pinulot ang damit niyang nakakalat sa sahig.

Hindi na niya maalala ang mga nangyari kagabi, lalo na kung paano siya nauwi sa condo ng babae gayong ang huling natatandaan niya, kasama niyang umiinom sa bar ang mga barkada niya.

Nagsusuot siya ng sapatos nang magising ang babaeng katabi niya.

"Where are you going baby?"

"I'm going home. I have something important to do," walang lingon niyang pagdadahilan sa babae.

"You're leaving me?" sabi nito sa kanya.

"Sandra..."

"Who's Sandra? I'm Yvonne!" Pagalit na sabi ng babae. Bumangon ito at iniharap ang hubad na katawan sa kanya. Umupo ito paharap at lumingkis ng yakap sa kanya.

"Alright, Yvonne. Listen to me," marahan nitong itinulak ang babae.

"Please, hayaan mo na akong umuwi. May aasikasuhin pa ako," dugtong niya.

"Kelan ulit tayo magkikita?" Iniyakap ng babae ang mga braso sa kanyang leeg at hinalikan siya sa labi.

He did not respond. He held her wrists at tinanggal sa pagkakayakap sa leeg niya ang mga braso nito.

"I'll just call you, ok?" Sagot niya nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

Tumayo na ito at kinuha ang susi ng kotse at cell phone niya.

Isang ngiti ang iniwan niya sa babae bago tuluyang umalis sa kwarto ng condo unit na iyon.

He is Theo Patrick Soliven. One of the most eligible bachelors na kilala sa mundo ng socialites at business. The sole heir to one of the largest conglomerates sa Pilipinas, ang Magnus Soliven Diversified. Graduated on top of his class sa kursong Accountancy, he also topped the Accountancy board exams. After nuon ay nagproceed siya sa Law. He is on his last year sa UP.

A smart-ass babe magnet, as what he was describe sa article ng Esquire Magazine kung saan ay na feature na siya.

He was driving pauwi sa bahay ng Lolo Magno niya.

After a while ay nakarating na din ito sa bahay nila.

Inabutan niyang nag-aalmusal ang kanyang Lolo Magno kasama ang tiyuhin niyang si Pocholo.

"Good morning!" Masigla niyang bati. Lumapit siya matanda at humalik dito.

"Good morning, hijo. O, inumaga ka na naman. Who is it this time?"

Saglit itong nagkunwaring nag-isip at tumingala pa habang nakahawak sa kanyang baba.

"Hindi ko na matandaan ang pangalan, Lo," sabi nito sa matanda sabay tawa.

Nakitawa naman ang ito at ginulo ang buhok niya.

"Ikaw talaga, manang mana ka sa akin," humahalakhak pa ang matanda.

"Sige po, Lolo. Magpapahinga na po muna ako, may pasok pa po ako mamaya,"pagkasabi ay humalik ito sa pisngi ng lolo niya.

"Hindi ka ba muna mag-aalmusal?"

"Hindi na po, Lolo, nabusog na po ako sa kinain ko e," sabi nito sabay kindat sa matanda.

Nakuha naman nito ang ibig sabihin ng apo kaya lalo itong natawa.

Mabilis nang umakyat si Theo papunta sa kanyang kwarto.

"Kaya namimihasa 'yang apo mo, kinukunsinti mo kasi," sabi ni Pocholo. Nagbabasa siya ng dyaryo pero wala duon ang kanyang atensyon.

Leave Before You Love MeWhere stories live. Discover now