🌷🌷

164 11 8
                                    

"Sir, looking good, a. Mukhang sinusunod mo ang mga bilin ko sa iyo," the doctor said matapos nitong ma examine physically si Lolo Magno.

"Ayan ka na naman Doc ganda. I told you to drop the formalities. You can call me Lolo Magno."

"N-nakakahiya naman po. P-pero if you insist Lolo Magno."

"I insist Doc. Alam mo, parang gusto ko pa ngang nagkakasakit, eh," he said.

The doctor was stunned sa sinabi ng matanda.

"Bakit naman po? Gusto n'yo bang nasa hospital?"

"Siyempre kapag nagkasakit ako lagi kitang makikita. Maalagaan mo ako. Sino ba naman ang aayaw sa care ng isang maganda at mabait na Doc Tricia," natatawang sagot nito.

"Kayo naman po, binobola na ninyo ako. Besides, if lagi kayong magkakasakit, ibig sabihin hindi ako maayos na doktor kasi hindi ko kayo nagagamot."

"Kung sabagay, may punto ka."

"Ganito na lang po, kung gusto ninyo akong makita ay regular kayong pumunta sa schedules natin. Ok po ba 'yon, Lo?

"Aprub, Doc ganda!" Nag thumbs up pa ito.

Napangiti na lamang si Doc Tricia.

Nagsulat ito ng request sa prescription pad niya.

"Lolo, let's do your laboratory work up po sa weekend, ok? I made a request ng lahat ng tests na kailangan mong i-undergo para masure natin na your medicines are doing their job."

"Sure, Doc. Maigi sigurong maisama ko ang apo ko nang magkakilala na kayo. Pihadong magkakasundo kayong dalawa."

"Kayo talaga, binubugaw na naman ninyo ako sa apo ninyo."

"Aba, kung may magustuhan man ako para sa apo ko, I will not settle for anyone less. Just wait and see kapag nakilala mo na siya, I'm sure you will get along well."

"Okay, Lo, if you say so. Kung kasing pogi at kasing bait po siguro ng lolo niya ang apo ay baka nga magustuhan ko," nakikisakay na lang si Doc Tricia kay Lolo Magno.

"Siyempre, sa akin nagmana iyon," pagmamayabang nito.

"Lito, malapit na ba siya?" Lingon ni Lolo Magno sa driver na kasama niya.

"Opo Ser. May dinaanan lang daw siya."

"Lolo, here's your request. I'll see you sa schedule natin, ok? Babalik na po ako sa mga pasyente ko."

"Salamat, Doc ganda!"

Madaling binaybay ni Doc Tricia ang daan papunta sa kabilang wing ng hospital.

A resident doctor that she is, Doc Tricia specializes in Internal Medicine. She met Lolo Magno nang mapunta ang matanda sa hospital nila para sana magpacheck-up at supresang binisita ang kumpare nitong espesyalista sa hospital kung saan nagtatrabaho si Doc Tricia. Nagkataong wala pala ito kaya inendorse niya si Lolo Magno kay Doc Tricia. The old man was impressed by how she treated and assessed him kaya hindi na siya nagmimintis sa kanyang check ups. Paminsan kapag naisip niyang dumalaw ay tinatawagan niya ang hospital para malaman kung nakaduty si Doc Tricia, kagaya nang nangyari ngayon.

Natutuwa naman ang mga staff ng hospital kapag dumadalaw si Lolo Magno dahil tinitreat niya ang mga ito ng paborito nilang kape.

Nagmamadaling naglakad si Doc Tricia papunta sa ward ng kanyang mga pasyente nang bigla niyang maalala na naiwan pala niya ang stethoscope sa mesa kung saan sila huling nag-usap ni Lolo Magno. She turned around at sakto namang may nabangga siya.

May dala pala itong cup ng umuusok na kape kaya naman natapon ito sa coat niya at sa damit ng nabangga niya.

"Shit! Fuck!" Napasigaw ito habang pinapagpag ang mga kamay.

Leave Before You Love MeWhere stories live. Discover now