🌷🌷🌷🌷🌷

108 9 8
                                    

"May nakalimutan ba ako, Lynette?" Tanong ni Tricia sa nurse habang tinatapos niya ang orders sa chart ng pasyente niya.

"Wala naman po, Doc."

"Okay, aalis na ako. If ever you need me you know what to do."

"Okay, Doc. Salamat po."

Mabilis na nagligpit si Tricia. Tiningnan niya ang oras sa kanyang smartwatch. She's just in time.

Usapan ni Jillian at Theo na magkikita sila ngayon sa isang coffee shop na malapit lang sa trabaho ni Tricia. Gaya ng napagkasunduan nilang magkapatid, siya ang makikipagkita kay Theo imbes na si Jillian.

Nang makarating si Tricia sa meeting place nila ni Theo, nagpalinga-linga ito. As usual, wala pa siya kaya naupo na lang si Tricia sa bakanteng pwesto na malapit sa pinto. Pinili niyang maupo duon para kitang kita niya ang lahat ng pumapasok na tao.

Pinili na lamang ni Tricia na gumawa ng article para sa journal nila ng mga kapwa niya duktor sa The Lancet.

She was in the middle of her work nang mahagip ng peripheral vision niya ang pamilyar na nilalang na kanina nya pa hinihintay.

Nag-angat siyang tingin at pinanuod si Theo. Naka tshirt at jeans lang ito, malayung-malayo sa usual na bihis niya sa ilang beses nilang pagkikita. Halatang may hinahanap dahil matamang tinitingnan ang mga tao na nasa loob ng coffee shop na iyon.

Napansin niyang may pinindot ito sa cp niya, at may tinatawagan. Maya maya ay nakita ni Tricia ang sariling cell phone na nagriring.

It worked! Gumana ang plano nila ni Jillian. Agad niyang sinagot ang tawag.

"Kung hinahanap mo si Jillian sa loob ng restaurant na ito, I'm sorry pero wala siya."

"Who are you?" inis na tanong ni Theo sa kabilang linya.

"I'm Dr. Janine Patricia G. Robredo, your grandfather's physician, and unfortunately, Jillian Robredo's older sister," Tricia answered, smiling. Pakiramdam niya ay naisahan niya si Theo.

Napansin niyang ibinaba ni Theo ang cell phone nito, at makikitang hinahanap siya. When he saw her, lumapit ito sa puwesto niya at naupo.

"Did I invited you to sit down?" she said in an irritated tone.

"What's wrong with you? May problema ba tayo, Dr. Robredo?"

"Actually, wala. Not until you asked my sister for a meeting outside of work."

"So?"

"So, that is the problem, Mr. Soliven."

"I don't see any problem with that. Your sister is a fine woman, and I like her."

"With the image that you have pagdating sa babae, I will not allow you na isama ang kapatid ko sa koleksyon mo."

Theo just smirked.

"Dr. Robredo, hindi ko kasalanan kung madaling nagkakagusto sa akin ang mga babaeng naiinvolve sa buhay ko. It was purely unintentional. Sadyang nabiyayaan lang ako ng charm," he casually said.

"Ang kapal!" Tricia rolled her eyes in disgust.

"Mr. Soliven, I'm warning you, try to lure my sister again, ako ang makakalaban mo," pagbabanta ni Tricia.

"Uh, nakakatakot, Doc," sarkastikong sagot ni Theo.

Padabog na niligpit ni Tricia ang gamit niya. Bago tuluyang makaalis ay tiningnan pa niya ng masama ang ngingiti ngiting si Theo.




"Ang kapal talaga ng mukha, nakakainis!" Tricia blurted out nang makauwi at kausap na si Jillian.

"Mukhang mas ok na hindi na lang talaga ako ang nakipagkita, right, Ate?"

"Baka kung ano na nangyari sa'yo. Wala talaga akong tiwala sa pagmumukha ng taong 'yon," gigil pa rin si Tricia.

"Ate, I just want to know, bakit parang feeling ko, matagal mo nang kilala si Theo?"

"He was my patient's grandson. 'Yung client ninyo, siya ang pasyente ko."

"Oh, I see. Eh, bakit parang abot-langit ang galit mo kay Theo?"

"Unang meet up pa lang namin, he did a disgusting impression on me. He accidentally bumped into me at natapunan niya ako ng coffee, but instead of saying sorry, ako pa ang pinagsalitaan niya, the nerve of that guy!"

"Kaya naman pala. But, is it true Ate, na may reputation siyang womanizer daw?"

"Well, kilala siyang ganu'n. Kaya as much as possible, try to avoid him. Ayokong mabiktima ka niya."

Jill just nodded. Wala siyang masyadong alam sa issue ni Theo, lalo pa't sa New York siya nakabase at madalang lang umuwi ng Pilipinas.

"Ate, dinaanan pala ni Ate Aiks si Mama sa hub ng NGO. Sabay na lang daw silang uuwi later."

"May gagawin ka ba Sis? I have all the afternoon, gusto mo puntahan natin si Mama?"

"Sounds great, Ate. Matagal na rin tayong hindi nakakapagbonding, eh."

They immediately prep up and went to their mother's office.


"Ano'ng ginagawa ninyo dito?" Their Ate Aika was surprised nang makita silang dalawa.

"Coffee, anyone?" Jill raised the 4 papercups na nasa holder pa. Tricia was the one holding some cookies and bread na binili nila bago dumiretso sa opisina ng Mama nila.

"Bored kami sa bahay, and since wala naman akong duty, I decided na yayain si Jillian. Bakit, ayaw mo kaming makita, Ate?" Tricia sounded sad.

"Hindi naman, in fact, I'm happy we had this chance."

"Si Mama pala?"

"Nasa conference room. May kausap na mga benefactors para sa NGO."

Hindi nagtagal ay pumasok si Atty. Leni sa kanyang opisina and saw her daughters na nakaupo paikot sa mesa.

"Hi, girls! Bakit nandito kayo?"

"We just want to visit you, Ma," Jill answered and gave her mom a tight hug. Sumunod na din si Tricia sa kanya.

They spent the next few minutes chatting over their coffee.

"Good thing Ma, hindi nakipagmeet si Jillian sa lalaking 'yun kahapon." Tricia told her Mama and Ate about the supposedly meet up of Theo and Jillian.

"I've heard of him. Medyo may reputation nga siyang ganu'n. Isn't Mr. Magno Soliven your patient, Patty?"

"Oo, Ate. Pero hindi naman ganu'n ang ugali ng lolo niya. Siya lang talaga, napaka antipatiko," Tricia rolled her eyes.

"Naku, Patty. 'Pag ikaw ha? Malaman-laman na lang namin, si Theo naman pala ang end game mo," Aika teased her sister.

"Ate!"

"Enough na. Ikaw naman Aiks. Bakit hindi mo muna intindihin ang sarili mong lovelife bago ang lovelife ng mga kapatid mo?" Atty. Leni interrrupted.

"Ma, ako na naman," sighed Aika.

"Siyempre Ate, alangang si Jillian? Sino ba panganay?"

They all laughed in unison.

Atty. Leni looked at her girls. They have grown up to be pretty and smart ladies. All she wishes now is for her daughters to be with someone like their Papa.

Naputol ang kwentuhan nila nang may tumawag kay Tricia.

"Hello? Ano? Wala ba kayong pwedeng tawagang ibang Doctor? Ok, I'll be there."

"What happened, Ate Trish?"

"Si Sir Magno."

🌷

Happy New Year!

Apologies for this very late update. Salamat sa suporta.

Leave Before You Love MeWhere stories live. Discover now