🌻🌻🌻🌻🌻

173 8 10
                                    

It was a blessing in disguise na pinabalik ng headquarters nila sa New York si Jillian. Dahil sa magandang performance ay isang mas malaking project ang binigay sa kanya. May ipinadala namang ibang representative ang kumpanya nila para magtuloy ng deal sa MSD.

Nasa kwarto siya ngayon at nag-iimpake.

"Anak, masaya akong nandito ka pero mas gugustuhin ko pang malayo ka sa akin kaysa malapit ka sa lalaking iyon. You know I only want the best for all of you, lalo na sa iyo," ani Atty. Leni.

"I understand, Ma. Maigi na rin na ganito, kukulitin lang ako nuon kapag nandito ako," Jillian affirmed.

Undeniably, Theo is good-looking. Girls and even gays swoon over him but he has no appeal kay Jillian.

Hindi ang kagaya ni Theo ang gugustihin ni Jillian.

She wants someone like her Papa, someone like...Mikhail.

Mikhail is her bestfriend. Nakilala niya ito nang mag-aral siya sa NYU. Hilig sa music ang naging bonding nila.

The last time na nagkita sila ni Mikhail ay nuong graduation nila. Pagkatapos nuon, she applied sa company nila at nadestino siya sa London, while Mikhail stayed in New York to work for another firm. Naging madalang na lamang ang pag-uusap nila dala na rin ng pagiging busy nila sa kanilang mga trabaho.







"Doc, Mr. Soliven wants to see you po, nandun siya sa office ni Dr. Leachon," Lynnette informed Tricia na kasalukuyang tinitingnan ang chart ng isa nilang pasyente sa ward.

"Ok, salamat, Lynette," she said at pinasadahan ulit ang order niyang work up sa pasyente. Pagkasara ng chart ay isinabit na niya sa leeg ang stethoscope at nagtungo sa opisina ni Dr. Leachon.

Mahina siyang kumatok at pinihit ang doorknob.

"I cannot thank you enough, Anthony. Utang ko sa iyo ang buhay ko."

"Don't thank me, Kumpadre. Trabaho ko iyon."

Nalingunan siya ni Dr. Leachon na nakatayo sa pinto.

"Nandito na pala ang favorite doctor mo, Kumpadre," Doc Tony said at sinenyasan si Tricia para lumapit at okupahin ang bakanteng silya sa harap ni Lolo Magno.

Lumapit naman ito at naupo.

"Doc Tricia, nice to see you," Lolo Magno said and held Tricia's hands.

Ngumiti lamang ito sa gesture ng matanda.

He slowly let go of Tricia's hand at nagpatuloy.

"Kung wala kayo ay hindi ko makikitang umakyat ng entablado ang apo ko at kalauna'y maging isang ganap na abugado. I will be forever grateful," nangingiting sabi ni Lolo Magno.

"Kumpadre, sigurado namang aabutin mo pa ang mga achievements ni Patrick. Pati nga ang pagpapakasal ay maaabutan mo pa," natatawang sabi ni Dr. Leachon.

"Naku, paano ko naman maabutan iyon, wala namang ipinapakilalang nobya sa akin ang apo ko. Kung ako nga lang ang masusunod, ako na ang mamimili ng aasawahin nu'n," Lolo Magno laughed.

"Aba, mukhang may nakikita ka nang babagay sa apo mo, ah?"

"Oo, meron na, ewan ko ba kung bakit hindi pa niya nililigawan, naiinip na ako. Gusto ko kapag abogado na siya, mag-asawa na rin siya para pwede na akong magpahinga sa pag-iisip sa kanya," si Lolo Magno.

"Napakaswerte naman ng napili mo, Kumpadre. Isa ba sa mga nabalitang nakasama ni Patrick?" Dr. Leachon asked.

"No, but you might be surprised. I have no other one in mind but this brilliant Doctor here, Dra. Tricia," Lolo Magno was all smiles when he revealed it to Dr. Leachon.

Doc Leachon was surprised, si Tricia naman ay pinamulahan ng mukha nang sabihin iyon ni Lolo Magno.

May kumatok ulit sa pinto at nang bumukas ito ay sumilip si Theo.

"Andito na pala ang apo ko. Pumasok ka, nandito si Doc Tricia."

Sumunod naman si Theo. Nang makalapit ay marahan itong tumungo kay Tricia at nakipagkamay kay Dr. Leachon.

"Good afternoon po, Tito Tony," magalang na bati nito.

Lumapit ito sa kanyang lolo at humalik sa pisngi nito.

"We were just talking about you, and Doc Tricia, hindi ba, Doc?" Si Lolo Magno.

Lalong pinamulahan ng mukha si Tricia.

"Lolo naman. You're making Doc Tricia feel uneasy. Pasensya ka na sa lolo ko, Doc," Theo said at marahan ulit na tumungo.

"Sanay na ako kay Sir Magno," Tricia said.

"Well, I must say na magaling talaga pumili si Magno, especially when it comes to beauty," Doc Leachon said.

Lalong namula si Tricia.

"Konting panahon na lang naman ang hihintayin. Soon, I will have an attorney as my sole heir, and in due time may doktor na rin sa pamilya, with little children whom I can play with habang kaya ko pang makipaghabulan," Lolo Magno heartily laughed.

Nagkatinginan lang sina Tricia at Theo na halatang nahihiya na sa mga sinasabi ni Lolo Magno.







Jillian finally landed at ngayon ay papunta na sa apartment na provided ng company nila.

Nang makarating sa apartment, madaling nag-ayos si Jillian. Kaunti lang naman ang ligpitin niya dahil fully furnished na ang bahay.

Naisipan niyang mag grocery na lamang ng ilan niyang mga kailangan sa bahay. She headed sa pinakamalapit na grocery sa area nila.

She has her list on hand habang nag-iikot sa grocery, isang bagay na namana niya kay Atty. Leni, pagiging organized.

Habang tulak tulak ang cart at nakatingin sa mga display sa shelf ay aksidente niyang  nabangga ang isa pang customer.

"Oh, I'm sorry I didn't mean to..."

"M-Mikhail?"

"J-Jill?"

Halos sabay silang nagsalita at nagkagulatan pa.

"Jillie Bean! I missed you so much!" niyakap ni Mikhail si Jillian.

Gumanti rin naman ng yakap si Jill at lalo pa itong hinigpitan.

"I missed you more, Mikki!"

"Kumusta ang buhay sa London? Kumusta ang work?" Si Mikhail.

"Okay na okay, nag-eenjoy ako ng sobra. Actually kagagaling ko lang ng Pinas, may client kasi kami duon. I was reassigned on another project kaya dito naman ako sa branch namin sa New York," paliwanag ni Jillian.

"Oh, I see. Kumusta pala sina Tita Leni at sina Ate Aiks at Ate Trish?"

"They're good. Busy sa kanya kanyang career."

"Saan ka nga pala nakatira ngayon, within the area ka lang din ba?" tanong ni Mikhail.

Sinabi ni Jillian ang address nito.

"Oh my, one block away lang tayo!" Mikhail was so thrilled nang malaman iyon.

They continued shopping at nang matapos ay nag offer si Mikhail na ihatid na si Jillian. Pumayag naman siya since wala siyang sasakyan at medyo mabigat ang bitbit niya.

They continued their kumustahan habang nasa byahe.

"Sa bahay ka muna, Jillie Bean, ipagluluto kita. I know namiss mo ang luto ko. Ihahatid na lang kita mamaya," Mikhail offered.

"Sure thing, Mikki. Para makapagkwentuhan pa tayo. I missed you more than your cooking," Jillian replied.

Nakarating sila ng apartment ni Mikhail.

Nang nasa pinto sila at akmang sususian ni Mikhail ang doorknob ay bigla itong bumukas.
Parehong nagulat sina Jillian at Mikhail.

Standing in front of them is a tall caucasian guy.

🌷

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leave Before You Love MeWhere stories live. Discover now