🌻🌻🌻🌻

124 8 9
                                    

"Green light na!"

Naitulak ni Jillian si Theo. Pareho silang nagulat.

Panay na ang busina ng mga sasakyan sa likuran nila kaya naman pinaandar na ni Theo ang kotse nito.

There was a long silence between them. Walang naglakas-loob na magsalita.

Nakarating naman sila sa kanilang pupuntahan. Theo booked a reservation sa isang posh restaurant somewhere in BGC.

"Good evening, Sir, Ma'am," bati ng receptionist nang makalapit sila.

"Reservation for Patrick Soliven, please," he said as the receptionist checks on his computer.

"Table for two, the last table on the right side Sir," sagot ng receptionist. Tinawag nito ang isa sa mga waiter para samahan sila sa reserved table nila.

Nauna ang waiter at nakasunod naman sina Jillian at Theo.

"Bakit Patrick Soliven?" She asked nang makaupo na sila.

"Well, some restaurant staff tend to be nosy, nasusundan ako ng mga reporter," he casually said.

"Kagaya nu'n?" Pasimpleng itinuro ni Jillian ang isang lalaki na may nakalapag na camera sa mesa nito at halatang kinukuhanan sila ng litrato.

Lumingon si Theo at nakita niya ang itinuro ni Jillian. Agad itong tumayo at akmang lalapit na sana duon nang hinawakan siya ni Jillian.

"Hey, let him be. Ano ba ang ikinakatakot mo? Wala ka namang ginagawang masama."

"'Yun nga ang problema, wala na nga akong ginagawa, nagagawan pa rin ako ng kung anu-anong tsismis," lumingon siya kay Jillian.

Bumitaw ito sa pagkakahawak niya. Nilapitan niya ang lalaki at kinausap.

Jillian just watched from her seat. Nakita niya ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ng lalaki. Tila ba natatakot ito. Pagkatapos ay may kinalikot sa camera niya.

Hindi nagtagal ay bumalik si Theo sa upuan niya.

"Tinakot mo naman yata ang tao, namumutla na, o," Jillian said.

"Hindi naman. I just made sure na wala na namang bagong issue sa akin. Anyway, enough with it, hindi 'yan ang ipinunta natin dito."

Kinawayan ni Theo ang waiter at agad naman itong lumapit sa kanila at iniabot ang menu.

Pagkakuha ng order ay magalang itong nagpaalam.

"Thank you for making this possible. I appreciate it, so much," sabi ni Theo kay Jillian.

"No worries. My pleasure," she said.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Jillian. The first time I saw you, hindi ka na nawala sa isip ko. You had that charm na nakakuha ng attention ko. I want you to know that I like you, Jilian," Theo confessed and held Jillian's hand.

"I like you a lot, Jillian. If papayagan mo ako, I want to court you," he continued at hindi binitawan ang kamay nito.

Nakita ni Jillian na papalapit ang waiter sa gawi nila at may dalang bote ng wine kaya unti -unti niyang hinila ang kamay niyang hawak ni Theo.

Maingat na nagsalin ng wine ang waiter sa wine glass nila ni Theo at inilapag niya ang bote.

Nang makaalis ang waiter ay nagpatuloy si Theo.

"Give me the chance to prove myself to you, and mapatunayan kong hindi totoo ang sinasabi ng public eye tungkol sa akin," he said.

"Theo, don't you think it's too early for you to tell na gusto mo ako? Baka naman you're just fond of me?"

Leave Before You Love MeWhere stories live. Discover now