🌻🌻🌻

112 9 4
                                    

"Now I know ba't ang daming nababaliw d'yan sa Theo Soliven na 'yan, iba naman pala talaga ang dating," Aika said as she made a curve papunta sa office ni Atty. Leni.

"Yeah, but may good side din naman siya, Ate," Tricia answered.

"Teka, Ate, dati halos isumpa mo 'yang Theo na 'yan, ba't ngayon may pagdefend ka na?" kunut -noong tanong ni Jill.

"Well, let's just say I had the chance to get to know him more dahil sa lolo niya," sagot ni Tricia kay Jill.

"So, you wouldn't mind if ever matuloy akong makipagdate sa kanya?"

Halos sabay na lumingon ang dalawa niyang ate kay Jillian.

"What?!" Maang nitong tanong.

"Jillian Therese, don't you dare," pinaningkitan ni Aika ng mga mata ang bunso na nasa passenger seat.

"Ate, natuto naman na 'yon si Theo. We tricked him the last time he attempted na makipagdate kay Jill," Tricia defended her sister.

"Paanong trick?"

"I diverted his call sa phone ko. So, nung tinawagan niya si Jill, ako ang nakasagot. Ako din ang nakipagmeet. I even warned him. For sure Ate, if Jill would decide to meet Theo outside of work, hindi naman siguro siya gagawan ng masama," Tricia explained.

"Naks, Ate, supportive ah!" Jill said at bahagya pang tinulak ang balikat ni Tricia.

"If magyaya siya ulit, hindi na kita pipigilan, just make sure na alam mo limitations mo."

"Dinner lang, Jillian, sinasabi ko sa'yo. Mama would kill us kapag nalaman niyang tinotolerate ka namin."

"Sisters, relax. Masyado kayong apurado. Hindi pa naman nagyayaya ulit. Pero magkikita kami the day after tomorrow. Tuloy na 'yung project namin sa company nila, eh," sabi ni Jill.

Nakarating sila sa opisina ni Atty. Leni na si Theo pa rin ang topic nilang magkakapatid.











Nakakasilaw ang flash ng mga camera habang kinukuhanan ng pictures si Lolo Magno na nakaupo sa wheelchair habang nasa likuran niya si Theo. Isang naman sa mga senior representative ng Plural Synergy ang kasama nila at nakipagkamay kay Lolo Magno. Si Jillian naman ay nakatayo at pinapanuod ang kanyang superior. This is a breakthrough sa kanilang company.

After the picture-taking ay kanya kanya na ang mga bisita para i enjoy ang munting salu-salo na inihanda ng kumpanya ni Lolo Magno.

Nagpalinga-linga si Jillian at hinahanap ang mga katrabaho niya.

Bigla siyang napasinghap nang may humawak sa bewang niya mula sa likuran.

"Congratulations, Miss Robredo," bulong nito sa kanyang tainga.

Nang lingunin niya ito, nagulat siya nang makita si Theo. May dala itong bouquet ng bulaklak at iniabot iyon sa kanya.

"T-thank you?" she reluctantly said.

"Let's just say it's my way of appreciating all your efforts just to make this deal possible," Theo said.

"You don't need to. It's our job to find worthy clients like your company Mr. Soliven," Jillian said. She gave Theo a smile.

"Miss Robredo, I'm sorry if magiging makulit na ako sa tingin mo, but, can I ask you again for a date?"

Hindi agad nakasagot si Jillian.

"Please?" Theo clasped his hands, as if begging for Jillian's precious answer.

"Hmmm, okay. On one condition," she said.

Leave Before You Love MeWhere stories live. Discover now