Chapter One

9 1 0
                                        

Aelia

Nakakainis talaga! The reason why I’m so frustrated right now is because of my score. Imagine, out of 30 items, I only got 25. And the reason behind that? Him. Hindi ako nakapag-focus kagabi because my mind was too busy thinking about him. Now I understand why lola always reminds me not to let a man affect my studies. This is exactly what happens.

Aelia Margarette Silva is my name, a consistent honor student here at St. Therese High. I’m a Grade 11 student. Krane Chandler Salvatore, my crush and my classmate. I’m always excited to recite because of him. It’s been a year since I started liking him. Naging crush ko siya when we were in 9th grade. At first, I didn’t care about him. All I knew was that he was my classmate, but for some reason, I started liking him. Is it because of his looks? Hmm, I don't think so. Maybe it's because of his intelligence. Nakakainlove naman kasi talaga ang lalaking matatalino.

"Hey! Ang lalim naman ng iniisip mo, lods!" Nagulat ako nang bigla akong sigawan ni Shera, my friend. I don't consider anyone as my best friend because nadala na ako. Best friend daw pero naging worst friend. Not that I don't trust Shera, but I always make sure may boundaries kami.

"Sorry, I was thinking about what we should eat later. Is it spaghetti or carbonara? But I want rice," palusot ko. I can't tell her na I am bothered by my score kasi nahihiya ako. She's my friend, but I am a little bit threatened by her. Her being the third honor from our class can easily snatch my rank if she wants to.

"Are you worried about your score again?" Oh no, she noticed my sadness again. I feel guilty tuloy sa mga pinagsasabi ko kanina. Shera is such a good friend. "Don't worry too much about your score, girl. Duh, there's always room for improvement. At isa pa, you got 25 without even studying. You're such a smart girl." She tried to comfort me. I laughed.

"Ikaw talaga, tara na nga." I immediately changed the topic because I felt uncomfy. Basta grades and scores ang pinag-uusapan, nalulungkot ako. I don't even know why.

Hinila ko na si Shera sa cafeteria and we talked and talked habang nasa pila. Nawala ako sa sarili nang magtama ang paningin namin ni Krane. Nasa table siya at kumakain kasama ang mga barkada niya. Agad kong iniwas ang aking paningin at kunwaring nagtitingin sa menu.

"Oh? Ba't nanahimik ka bigla?" Tiningnan ko si Shera at tinaasan ng kilay dahil malaki ang ngisi nito habang nakatingin sa akin.

"Bitch, if I were you, wawalain ko yang ngisi mo sa labi mo." Binantaan ko siya, but she only laughed.

"Girl, you are too obvious and guilty. 'Wag mo iwasan ang tingin, girl. Instead, makipagtitigan ka. Matira matibay." This girl is out of her mind. Sinong tanga ang makikipagtitigan sa crush niya? Wala!

"Pwede mo bang hinaan ang boses mo? Tangina, baka marinig ka nila." Nakangiting usal ko sa kanya habang pinapandilatan ko siya. Tumawa naman siya at kumindat. "Got it."

Humarap na lang ako ulit sa pila at hinintay ang babaeng nasa harapan ko habang hinihintay ang kanyang order. Nang ako na ang nasa harap, agad ko nang sinabi ang order ko at naunang umupo sa table na two tables away from Krane's table.

"Naneto, hindi man lang ako hinintay. Affected much ka talaga d'yan sa crush mo!" Pasimple ko namang inapakan ang bagong pedicure niyang paa at nginitian ng matamis. "Pwede bang manahimik ka na lang d'yan?"

"Hays, girl, what if umamin ako sa kanya? Then pag na-reject ako, I will try to court him." Agad namang napaubo si Shera sa kinakain niyang spaghetti.

"Tangina?! Are you serious?" bulalas niya. "Teh, hindi na uso ang mag-confess sa panahong to. Ano 'yan? Gagayahin mo 'yong mga stories sa Wattpad na 'She fell first, but he fell harder'? Gosh, 'di yan gagana in real life 'no!" Ang daming sinasabi ng babaitang 'to.

"Shut up, gagana yan. May nakita nga ako sa TikTok na kagaya niyan eh. Umamin siya sa crush niya tas hinabol niya, tas 'yon, naging sila. Don't underestimate me, bitch. Ako pa!" Mayabang kong usal. Inirapan niya naman ako at nginisihan.

"Fine, tingnan natin kung saan ka dadalhin niyang kabaliwan mo," nagpatuloy siya sa kanyang pagkain habang umiiling. "You know, ayaw lang kitang masaktan. Nakikita mo naman na halos mga babae ang nasa circle of friends niya, diba? Nakikita mo rin naman siguro kung gaano sila ka-sweet ni Lucy, right? El, nakikita ko kung gaano ka nasasaktan sa tuwing nakikita mo silang magkasama. I think that's not a crush anymore. I think it's more than a crush."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. She's right, hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang babae. Feeling jowa yarn?

"Sher, gusto ko lang naman subukan eh. I think may konting chance rin naman na gusto niya ako. Lagi kaya kaming nagkakatinginan. Hindi naman kami magkakatinginan kung hindi niya ako tinitingnan eh." Napangisi na lang ako sa katangahang naisip. Oo nga naman, hindi naman magtatama ang mga mata namin kung hindi niya ako tinitingnan.

Napapikit na lang si Shera at inaabot ako at saka hinampas.

"Aray!" asik ko.

"Ewan ko kung maiinis ba ako sayo o ano eh. Sige, bahala ka kung anong gusto mo. Basta binigyan na kita ng advice ah. 'Wag kang iiyak-iyak at magsisi sa huli dahil sinubukan na kitang pigilan. Ayaw lang talaga kitang masaktan, El. Pero kung iyan ang gusto mo, then go, try it. Nandito lang ako lagi sa tabi mo," ani niya.

Aw, konti na lang talaga at tuluyan na niyang makukuha ang tiwala at pagmamahal ko as a friend. Ang bait-bait niya at sobrang mapagmahal na kaibigan.

"Ew, super drama mo talaga kahit kailan eh 'no? Pa-kiss nga!" Tinawanan ko naman siya nung bigyan niya ako ng masasamang mga tingin.

"So, ano? Oplan umamin at paibigin si K?"

Ngumisi ako.

"Hashtag, Oplan umamin at paibigin si K!"

Chasing KraneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon