Aelia"Salamat naman at natapos rin natin ang project natin. Makakagala na ako." Masayang ani ko habang sinasabayan si Krane na nakapamulsang naglalakad sa hallway.
"Yeah." ani nito.
"Do you have a girlfriend?" Napatakip na lang ako ng bibig nang itanong ko iyon. Nilingon niya naman ako habang naglalakad.
"No, study first." walang ekspresyong usal niya.
Nagningning naman ang mga mata ko. Wala raw siyang girlfriend! Pero, study first raw. Mas okay naman yun kaysa sa may girlfriend no.
"Study first? Well, alam mo ba na mas nakaka inspire mag aral kapag may girlfriend o crush ka?" Nakangising usal ko habang nakatingin sa kanya. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"I do have a crush though."
"Yeah, alam ko. Ako yan no? Sus, alam ko!" Umangat ng konti ang dulo ng labi niya at sinabing "Asa ka."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumiko na siya at iniwan na naman akong nakanganga.
Ouch! Edi wow!
Nandito ako ngayon sa mall. Hindi ko kasama si Shera dahil may family dinner raw sila.
Naghahanap ako ng magandang libro na pwedeng basahin dito sa nbs kaya nag-ikot ako upang maghanap.
"The truth about people." Mukhang maganda ang librong ito ah. Nilagay ko ito sa cart at namili pa ng iba. Namili rin ako ng mga ballpens, papers, at mga paint brush.
Pagkatapos kong mamili ay pumunta ako sa mcdo upang kumain. Nag order ako ng isang mc fillet, oreo ice cream, at isang burger. Hindi naman halata na gutom ako no?
Habang kumakain ako ay may naglapag ng kanyang tray na may lamang pagkain sa harap ko. Isang matangkad at gwapong lalaki. Mestiso ito at base sa kanyang kasuotan ay mahahalata mo na mayaman ito.
"Hi miss, pwedeng makiupo? Puno na kasi eh." Nahihiyang ani nito. Nilingon ko naman ang paligid at tama nga ang sinabi nito.
"Sure, okay lang kuya." Sagot ko na lamang.
"Thank you ah." Naupo siya sa harap ko. Ako naman ay pinagpatuloy ang pagkain.
"Uh, St. Therese High?" Napaangat ang tingin ko sa kanya nang magsalita ito. Tumango naman ako. "Yep."
"Uy sakto. Bukas ang pasok ko roon. Mabuti naman at may kilala na ako. Hehe." Napakamot siya sa ulo at tila nahihiya sa sinabi.
"Transferee?" Takang tanong ko. Tumango siya at ngumiti. "Yes. Anong grade mo?" Pagtatanong niya. Makulit rin ang isang to ah.
"Senior high po, grade 11." Nginitian ko siya at nagpatuloy sa pagkain ng aking mcflurry.
"Oh, senior high rin ako. Grade 12." Tinatanong ko ba kuya? Joke, ang sama ko.
"I'm sorry if madaldal ako ah. Ganito lang talaga ako hehe." Napahawak siya sa batok niya at tila nagsisisi sa ginawa.
"Uy okay lang. Ganyan rin ako no." Tumango-tango naman siya at napangiti sa sinabi ko.
"By the way, I'm Aelia. Ikaw?" Pagpapakilala ko sa sarili.
"I'm Andrei. Nice meeting you." Nginitian niya ako ng sabihin niya iyon. Nginitian ko rin siya pabalik.
Masaya naman pala kausap itong si Andrei. Tawa ako nang tawa sa mga jokes niya. Kahit minsan ay nakokornihan ako, hindi ko pa rin maiwasang matawa dahil sa kakornihan nito.
"Um, do you know him?" Taka ko siyang tiningnan sa sinabi.
"Huh? Who?" Itinuro niya ang sinasabi gamit ang kanyang mga mata. Napatigil naman ako sa pag ngisi nang mapagtanto kung sino iyon.
"Krane?" Nasa table siya malapit sa amin. Walang ekspresyon itong nakatingin sa akin.
"Kilala mo?" Kuryusong tanong nito sa akin. Tumango naman ako at ngumisi. "Oo, crush ko." Nagulat siya sa sinabi ko.
"I didn't know na straightforward ka pala." Natatawang usal niya habang kumakain na.
"Siyempre, ngayon lang tayo nagkakilala eh. Malamang hindi mo alam." Nagtawanan kami sa sinabi ko.
Nilingon ko ulit si Krane na nasa isang table malapit sa amin kung saan siya nakaupo kanina. Nakatutok lang ito sa cellphone niya. Maya maya ay may dumating na isang babaeng may bitbit na tray na puno ng pagkain.
Si Lucy?! Anong ginagawa nila? Nagde-date ba sila? Hindi naman siguro! Hindi naman siguro sila magde-date sa isang fast food restaurant diba?
Tila ay naramdaman ni Krane ang masasamang titig ko kaya naman ay napalingon siya sa gawi ko. Inirapan ko ito.
"Oh, what happened? Bat biglang sumama ang mukha mo?" Tiningnan ni Andrei ang mukha ko at tinawanan. Kumuha siya ng tissue sa table at natatawang ipinahid iyon sa gilid ng labi ko.
"May chocolate." Simpleng sabi niya. "Uh, tapos na ako. Mauna na ako? See you tomorrow, Aelia." Tumayo ito at nginitian ako.
"P-pwede ba akong sumabay?" Masama ang loob ko. Nakakahiya kasi hindi pa kami masyadong magkakilala pero magpapahatid kaagad ako.
"Huh? Sure, tara." Sabay kaming lumabas sa mcdo. Hindi ko na nilingon si Krane dahil naiinis ako sa kanya. Alam ko naman na wala akong karapatan na maramdaman to kasi hindi naman kami at hindi niya ako gusto.
"Are you okay? You look sad." Tinanong niya ako at pinagbuksan ng pinto ng kotse niya.
"Okay lang. Sanay na akiz." Mahina siyang natawa sa biro ko. Umikot na siya upang makapasok na sa kotse niya.
"Where do you live?" Sinabi ko sa kanya ang address ko at tumango naman siya. Tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa tinanong niya ulit ako kung anong kulay ng bahay namin. Itinuro ko kung saan ito kaya inihinto niya ito sa harap.
"Thank you, Andrei. Babawi ako promise. Sorry rin ah kung nagpahatid ako." Tumango naman siya at ngumiti.
"It's okay, don't think about it too much." Nginitian ko siya pabalik. "Thanks." Nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa gate namin. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagmukmok.
Hmp! Study first daw siya. Sinong niloko niya?!
Ginawa niya pa talaga akong uto-uto. Sa sobrang pag-iisip ko ay naisipan ko na lamang na mag-aral upang mabawasan ang inis ko. Pagkatapos naman ay dumiretso na ako sa kama at natulog.
Kinabukasan ay naglagay na naman ako ng lunch box sa desk ni krane habang wala pa siya. Kahit inis ako sa kanya, ayaw ko pa rin na magutom siya no. Nagse-search pa talaga ako sa youtube para malutuan lang siya ng iba't ibang ulam araw-araw.
Nilagay ko rin ang ginawa kong poem at flower crochet sa tabi ng lunch box. Sana nga lang ay binabasa niya ang mga poems ko dahil mahirap mag rhyme ng mga words no.
"Hey."
"O-oh. Hi." Nginitian ko lamang siya at bumalik na sa chair ko. Nakita kong tiningnan niya ang mga nasa desk niya at sumulyap sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.
"Stop doing these, please. Stop wasting your time for me." Ani nito at inilapag ang flower crochet, lunch, at poem sa desk ko.
Inirapan ko siya ng harap-harapan.
"Okay. Alis na." Pagtataboy ko rito. Sinunod niya naman ako at umalis siya sa harapan ko.
Kung ayaw niya, edi wag!
BINABASA MO ANG
Chasing Krane
Roman pour AdolescentsAelia Margarette Silva, known as the smart girl who has a huge crush on Krane Chandler Salvatore. She chased him, but he won't stop running. What will happen if Aelia gives up?