Chapter Five

4 1 0
                                    


Aelia

Kanina ay napakaseryoso naming pinag-usapan ni Krane ang aming project. Well, malandi ako pero pagdating sa pag-aaral ay seryoso talaga ako.

Ngayon ay papalabas na ako ng classroom, hinihintay ko na lamang si Shera na kasalukuyang inaayos ang gamit niya.

"Pakibilisan naman! Baka hindi ko na maabutan si Krane." Napapakamot na ani ko sa kanya. Inirapan niya naman ako.

"Manahimik ka nga! Mauna ka na lang." Sabi niya habang inaayos pa rin ang bag niya. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at hinintay pa rin siya.

"Tara na." Aniya at sabay kaming lumabas ng classroom.

"Ang dami namang gagawin. Nakakapagod talaga mag-aral." Reklamo ni Shera habang nakatulala at nakasimangot habang naglalakad.

"Oo nga eh. Wag ka ngang reklamo nang reklamo dyan! Nagrereklamo ka pero gagawin po pa rin naman. Edi ano pa ang saysay ng pagrereklamo mo?" Ani ko kaya naman ay kinurot niya ako ng mahina sa tagiliran.

"Alam mo, dapat nagrereklamo tayo. Kasi yun lang ang tanging paraan para mailabas ang nararamdaman natin eh." Mahinahong aniya habang bahagyang nakatawa.

"Sabagay." Hinatid ko si Shera sa parking lot upang makasakay na sa kotse nila. Nang makaalis na siya ay pumasok akong muli sa campus upang hanapin si Krane.

"Nasaan na kaya yun?" mahinang bulong ko habang nagpapalinga-linga sa paligid.

"Are you looking for Krane?" Napalingon ako sa likuran ko nang itanong iyon ni Lucy. Ang malditang kalandian ni Krane.

Napatingin naman ako sa lalaking katabi niya. Si Krane.

"You are so desperate. Girl, give up. Aren't you ashamed? Hindi ka niya gusto!" Galit na usal niya at dinuro pa ako. How dare she!

"Ano naman? Are you threatened?" Ngisi ko. Mas lalo siyang nanggalaiti sa galit.

"Stop it. Let's go, Cy." Sabi ng lalaking masungit sa tabi ni Lucy maldita. Inaamin ko, medyo napahiya ako sa sinabi ni Lucy. Lalo na at sinabi niya ang mga iyon sa harapan niya.

At ano raw? Cy? Wow naman! Tapos ako hindi niya man lang mabanggit ang pangalan.

Pinanood ko na lamang ang pag-alis nila. Nakaangkla ang kamay ni Lucy sa braso ni Krane ngunit tila wala lang iyon para sa kaniya.

Gusto niya ba talaga si Lucy? Wala ba talaga akong pag-asa?

Pero ilang araw pa lamang ang naging paghahabol ko! Hindi, hindi muna ako susuko. Bibigay rin iyan.

Kada umaga ay lagi ko siyang dinadalhan ng lunch niya. Hindi ko nga lang alam kung saan niya ito dinadala. Kung kinakain niya ba talaga ito?

Minsay ay naglalagay rin ako ng mga crochet flowers at mga poems sa desk niya. Hindi niya naman ata ito tinatapon dahil nakikita ko siyang inilalagay sa bag ang mga ibinigay ko.

Hindi niya pa rin ako finollow back sa instagram. Nakakaiyak lang dahil ni-remove niya ang follow request ko at ginawa niyang private ang account niya.

Lagi ko rin siyang binabati sa pamamagitan ng text. Binabati ko rin siya lagi kapag nakikita ko siya o kaya naman ay nagkakasalubong kami sa hallway.

Kahit na hindi niya ako nirereplyan ay lagi ko siyang kinakamusta. Kahit na tanging tango at minsan ay tinitingnan niya lamang ako sa tuwing nagkakasalubong ay patuloy pa rin ang pagkahulog ko sa kaniya.

"Okay ka lang ba?" Nabalik ako sa ulirat ng pinitik ni Shera ang mga daliri niya sa harapan ng mukha ko.
Sabado ngayon at kasalukuyan kaming nasa kwarto ko habang nanonood ng movie.

"Oo, may iniisip lang." sagot ko sa kanya. Napailing na lamang siya sa naging sagot ko.

"Si Krane na naman ba iyan? Hindi ka ba napapagod? Ilang weeks na pero anong nangyari? Wala. Baka hindi ka talaga niya gusto." May bahid ng pag-aalala ang boses niya. Ito ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya, concerned siya lagi sa akin. Para ko siyang nakatatandang kapatid dahil siya ang laging nagpapalakas ng loob ko at pumapayo sa akin sa tuwing may problema ako.

"Kaya nga nililigawan ko eh, para magustuhan ako. Feeling ko magiging worth it naman lahat ng efforts ko." Nakangiting usal ko. Pero sa loob loob ko, napapaisip ako sa sinabi niya.

"Worth it? Hays. Ilang beses na kitang pinapayuhan pero hindi ka talaga nakikinig. Basta ah, hindi ako nagkulang ng advice sa iyo!" Aniya kaya naman ay napahalakhak ako.

"Yes po, maam. Hindi ko makakalimutan lahat ng payo mo na hindi ko naman sinusunod." Tinawan ko siya ng masama niya lamang akong tiningnan.

"Ewan ko na lang talaga sayo." Iling niya at nagpatuloy na lamang sa panonood ng movie.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang conversation namin ni Krane sa messages. Matatawag ba itong conversation? Ako lang nagte-text eh.

To: Krinkrin

Hi Mr. masungit! Anong ginagawa mo? Bored ka ba? Date tayo!

Napapikit na lamang ako sa hiya. Bahala na.

To: Krinkrin

Bakit ba ayaw mong magreply? Kahit tuldok man lang!

To: Krinkrin

Bahala ka nga! Maghahanap na lang ako ng kausap sa omegle.

Tinigilan ko na ang pag me-message dahil alam kong hindi naman talaga magrereply ang masungit na iyon kahit anong pilit ko.

Natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko.

From: Krinkrin

.

Nanlaki ang mata ko at napatili sa kilig. Tumalon talon pa ako sa kama ko sa sobrang saya.

"Anak ng! Ano ba! Tumigil ka nga!" Saway ni Shera sa akin. Hindi ako tumigil, kahit na tuldok lang iyon ay nakakakilig pa rin no.

"Hoy ano ba! Bakit ba, anyare?" Tumayo si Shera at kuryusong lumapit sa akin. Sinilip niya ang cellphone ko at napangiwi.

"Jusmiyo. Yan ba ang tinitilian mo? Nahihibang ka na! Anong nakakakilig sa tuldok ha?" Napaka bitter talaga ng isang to. Palibhasa ay walang crush kaya ganoon na lamang ang pangba-bash niya sa akin.

"Nakakakilig! Pangalawang beses na niya akong nireplyan. Sana ay magtuloy-tuloy na ito." Tumili ulit ako at nagtatatalon na parang bata.

Nang mapagod ay naupo ulit ako sa kama sa tabi ni Shera at nagtipa ng reply kay Krane.

To: Krinkrin

Omg, nakakakilig! Siguro ay ayaw mo akong mag omegle no? Don't worry, hindi kita ipagpapalit. Joke!

From: Krinkrin

What do you mean "joke"?

Napatili ulit ako ng replyan niya na naman ako. Napatakip na lamang si Shera ng tenga niya.

To: Krinkrin

Ang slow naman. Ibig sabihin ay joke lang ang sinasabi ko na ayaw mo akong mag omegle.

From: Krinkrin

Yeah

Tangina, si Krane ba talaga ito? Parang mahihimatay na ako sa sobrang kilig rito.

To: Krinkrin

Weh? Wag ka ngang paasa dyan.

Matagal kong tinitigan ang cellphone ko dahil hindi na naman siya nagreply. Nagtipa ulit ako.

To: Krinkrin

Oh diba? Akala ko naman crush mo na ako!

From: Krinkrin

Maybe?

TANGINA!






Chasing KraneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon