Chapter Seven

4 2 0
                                    


Aelia

Habang naglalakad kami ni Shera patungong library ay may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko naman makita kung sino kaya napakibit-balikat na lamang ako.

"Sino ba yun?" Takang tanong ni Shera. "Ewan ko rin."

"Aelia!" Kinalabit ako nito sa likod kaya agad akong napalingon rito.

"Oh! Andrei?" Binigyan niya ako ng isang ngiti.

"Thank god at nakita rin kita. Nagtanong pa talaga ako sa mga grade 11 rito kung kilala ka ba nila. Luckily, may nagturo sa akin. Sikat ka pala eh." Baliw talaga ang isang to. Anong sikat ang pinagsasasabi niya.

Nilingon ko naman si Shera na tinitingnan ako gamit ang mga nagtatanong niyang mga mata.

"This is Andrei, Shera. Andrei, this is my frie— bestfriend, Shera." Napangiti ako sa sinabi ko. Nitong nakaraan ay narealize ko na hindi naman pala masyadong masama ang magtiwala ulit.

"Hi, Shera. Nice meeting you, I'm Andrei." Inilahad ni Andrei ang kamay niya sa harapan ni Shera. Tinanggap niya naman ito.

"Shera. Sherayah Madrigal."

"Punta kaming library. Sama ka?" Anyaya ko rito. Pumayag naman ito at  sumabay sa amin sa paglalakad.

"Transferee ka?" Tanong ni Shera rito. Aba himala at interesado ang isang to. Madalas kasi ay wala siyang pake sa iba.

"Yep. Actually, I am from Japan. Kakarating ko lang kahapon ng umaga." Paliwanag nito. Tango lamang ang ginawa ni Shera.

Nang makarating ako sa library ay iniwan ko ang dalawa sa isang table upang hanapin ang librong hinahanap ko.

"Asan na ba yun?" Hinalungkat ko ang mga libro sa shelf ngunit hindi ko pa rin ito makita. Inangat ko naman ang tingin ko sa itaas.

"Baka nandoon?" Ani ko sa sarili. Kinuha ko ang ladder at ipinuwesto iyon. Sinigurado ko naman na maayos ang pagkakapuwesto nito at sinimulan na ang pag-akyat ko.

Inisa-isa ko ang mga librong nandoon ngunit tila wala roon ang hinahanap ko. Medyo nahirapan pa ako dahil nakahawak ang kamay ko sa isang shelf bilang suporta upang mabalanse ko ang katawan.

"Ano ba yan! Ang hirap naman hanapin ng librong pinapakuha ni maam." Reklamo ko sa sarili. Bababa na sana ako ngunit natalisod ang isa kong paa. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman na mahuhulog na ako.

Shit! Medyo mataas pa naman ang babagsakan ko!

Napapikit ako sa sakit nang tuluyan akong bumagsak sa sahig. Tumama pa ang ulo ko sa isang shelf dahilan ng pagkahilo ko. Ang ladder naman ay natumba at gumawa ng isang malakas na kalabog. Mabuti at hindi ako nito tinamaan.

Hilo at sakit sa paa ang nararamdaman ko ngayon. Tila nandidilim ang paningin ko. Nakahiga pa rin ako dahil hindi ko makaya ang sakit ng ulo at paa ko.

"Aelia?! Ael— Oh my gosh!" Narinig ko ang boses ni Shera habang ako ay nakapikit. Kasama nito si Andrei na agad akong dinaluhan.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.


Nagising ako isang silid. Nasa hospital yata ako dahil puros puti ang nakikita ko. Nararamdaman ko rin ang dextrose na nakakabit sa kamay ko.

"A-aray. Ang sakit..." Mahinang daing ko. Napahawak naman ako sa ulo ko. Nakabenda ito. Ang isang paa ko naman ay nakabalot ng benda.

"Aelia! Okay ka lang ba, anak? Anong nararamdaman mo? May masakit ba?!" Tarantang tanong sa akin ni mama. Umiling lamang ako at mariing napapikit dahil sa kirot na naramdaman mula sa aking ulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing KraneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon