Aelia
Maaga akong pumasok upang masimulan ang plano ko. Pagdating ko sa classroom, nadatnan ko si Lucy na nakaupo sa upuan ni Krane kasama ang mga kaibigan niya. Tila inaabangan nila ang pagdating ko.
"Ang lakas ng loob, matalino sana kaso ang kapal," bulong ni Lucy na sapat para marinig ko.
Napairap na lang ako habang dumiretso sa upuan ko. Narinig ko ang malalandi nilang halakhak, pero hindi ko na lang pinansin.
"Hindi niya ba alam na nagkakamabutihan kami ni Krane? Gosh!" dagdag pa niya, na lalong nagpainit sa ulo ko.
Hinampas ko ang mesa at hinarap siya. "What are you doing? Nagpaparinig ka ba sa akin?" tanong ko nang mahina pero matalim ang tingin.
Tumawa lang siya, sabay lingon sa mga kaibigan niya. "Isn't it obvious, girl? Akala ko ba matalino ka?"
Tinaasan ko siya ng kilay at nginisihan. "Yeah," sagot ko, hindi nagpatalo. "Bakit hindi niyo na lang lamunin iyang mga calculator niyo at—"
Naputol ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Krane. Napakapogi niya sa suot niyang black hoodie, at tila bumagal ang oras sa pagpasok niya.
Shit. Napakapogi naman nito!
Naglakad siya papunta sa upuan niya. "What's happening here?" tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo.
Agad namang sumagot si Lucy, kunwaring inosente. "That girl, bigla na lang niya kaming sinigawan. I think she hates us," sumbong niya na parang siya ang api.
Tiningnan lang ako ni Krane, walang emosyon sa mukha niya. Ibinaba niya ang bag sa desk at umupo. Tumayo naman sina Lucy at ang mga kaibigan niya, inirapan pa ako bago umalis.
Huminga ako nang malalim at bumalik sa upuan ko para kunin ang lunch box na inihanda ko kanina. Gumising pa ako ng maaga para dito—sabi kasi sa mga nabasa ko sa Wattpad, "The way to a man's heart is through his stomach."
Lumapit ako kay Krane, hawak ang lunch box. "Magandang umaga! I cooked this for you," nakangiti kong alok sa kanya.
Tiningnan niya lang ito saglit, walang bakas ng interes sa mukha niya. "I don't need it," malamig niyang sabi. "You eat it."
At sa isang iglap, sinuot niya ang headphones niya at pumikit na parang wala na siyang pakialam sa paligid. Nakatayo lang akong nakatanga, hindi makapaniwala sa ginawa niya.
Nang magsidatingan ang mga kaklase ko, dali-dali kong itinago ang lunch box at bumalik sa upuan ko.
"Uy, ano 'yan, Aelia? Crush mo ba si Salvatore?" pang-aasar ni Luke, sabay kuha sa lunch box ko. "Akin na lang 'to, hindi pa ako nag-aalmusal!"
"H-huh?" Napatingin lang ako sa kanya habang tinatanggap niya ang lunch box na para sana kay Krane.
Tiningnan ko ulit si Krane—nakapikit pa rin, parang wala siyang pakialam sa effort ko. Hays, para sa'yo sana 'yon eh.
Dumating si Shera at umupo sa tabi ko, abala sa pagkalikot ng tablet niya.
"Hoy, nakatunganga ka na naman d'yan! Alam mo bang may quiz mamaya?" sabi niya, hindi inaalis ang tingin sa screen.
"Of course! Did you study?" sagot ko, bahagyang nadismaya pa rin.
"Oo naman," kampanteng sagot niya.
At nang ibalik ng kaklase namin ang papel ko pagkatapos ng quiz, muntik ko nang ibato ang ballpen sa inis—isang pagkakamali lang! Isa na lang sana, perfect na!
At syempre, hindi na ako nagulat nang i-announce ng teacher na si Krane na naman ang highest. Nakakainis!
"Sus, huwag ka nang mag-alala. Isa lang naman ang mali mo, ang galing mo na nga eh," aliw ni Shera, tapik-tapik pa ang likod ko.
"Hays, sayang kasi eh," buntong-hininga ko.
Sa cafeteria, naglakad ako mag-isa at nakita kong mag-isang kumakain si Krane habang nakatutok sa laptop niya. Nag-order ako ng iced coffee at tumabi sa kanya.
"Hi, coffee?" alok ko, sabay lagay ng baso sa harapan niya.
Hindi niya ako pinansin kaya nagpasya akong kumain na lang. Pero hindi ko natiis ang katahimikan.
"You look busy. Anong ginagawa mo? Wala naman tayong project or research ah?"
Bigla siyang tumingin sa akin, halatang naiinis. "Please stop bothering me and mind your own business," malamig niyang sagot bago kinuha ang gamit niya at umalis.
Tiningnan ko ang iced coffee na naiwan sa mesa. Sayang naman to.
Pagbalik sa classroom, hinanap ko si Luke at inabot sa kanya ang iced coffee.
"Hi, gusto mo ba? Don't worry, hindi ko pa iyan naiinuman. Ayaw kasi ng pinagbilhan ko, napakaarte," biro ko.
"Nakakakilig naman. Kahit second choice lang ako, okay na!" biro niya at nagtawanan kami.
Pero naputol ang tawanan namin nang biglang hablutin ni Krane ang iced coffee mula sa kamay ni Luke.
"It has poison, dude," malamig na sabi niya bago diretsong initsa iyon sa basurahan.
Napatingin sa akin si Luke, halatang nagtataka.
"Nagbibiro lang 'yon, haha," awkward kong sagot.
"Ang pangit niya namang magbiro," bulong ni Luke bago kami muling nagtawanan.
Nang matapos ang klase, nagmadali akong tumakbo palabas para habulin si Krane. Inabutan ko siyang nakangisi habang abala sa cellphone niya.
"Sabay na tayo! Taga saan ka ba, Chandler? Hatid na kita," alok ko, pilit ang ngiti.
Bigla siyang huminto at tiningnan ako nang masama.
"Stop. Calling. Me. That," madiin niyang sabi bago nagpatuloy sa paglalakad.
Sinundan ko siya, hindi pa rin sumusuko. "Why? Ayaw mo ba? Maganda naman ang Chandler, ah. Uuwi ka na ba o may pupuntahan ka pa? Sama ako!"
Huminto ulit siya at humarap sa akin, halatang nawawalan na ng pasensya.
"I said stop! Don't you understand? You are annoying the shit out of me. Stay away—I don't like a hard-headed girl like you."
At sa huling salita niya, sumakay siya sa kotse niya at umalis, iniiwan akong nakatayo roon—nagtataka kung bakit sobrang sungit niya sa akin.
Masakit. Ang sakit nun.
BINABASA MO ANG
Chasing Krane
Teen FictionAelia Margarette Silva, known as the smart girl, has a huge crush on Krane Chandler Salvatore. She chased after him, but he wouldn't stop running. What will happen if Aelia gives up?
