Chapter Four

6 1 0
                                    


Aelia

"Ate pwede po ba akong magpatulong rito?" Napalingon ako sa pintuan ng  kwarto ko nang pumasok ang kapatid ko bitbit ang libro niya.

"Ano yan? Anong subject?" Inikot ko ang swivel chair at humarap sa kaniya.

"Math ate, trigo." Aniya at ipinakita sa akin ang mga problems.

"Sus, dali lang niyan." Kumuha ako ng ballpen sa drawer ko at tinuruan siya sa kanyang assignment. Pagkatapos ay nagpasalamat siya sa akin at lumabas na ng silid ko.

Naisipan kong mag open ng instagram upang i-stalk si Krane. Akala niya ba susuko ako sa kanya? Ha! Asa siya.

Hanep ah, may 7,498 followers! Ano ba ang mga pinagpo-post niya rito at ang dami niyang followers? Nag scroll down ako upang tingnan ang mga posts niya. Kadalasan ay mga pictures lang ng places ang post niya, o kaya naman ay ang aso niya. Nag scroll pa ako upang maghanap ng selfie o picture niya.

"Ang pogi, tangina." Usal ko habang napahinto sa picture niya habang naka sideview at nagbabasa ng aklat. Mukhang stolen shot lang ito. Pinindot ko ang heart kahit na ilang buwan na ang nakalipas matapos niyang i-post yon.

Napagdesisyonan kong i-chat si Wayne sa messenger upang manghingi ng number ni Krane. Time for my plan #2.

Aelia Margarette Silva: Hey Wayne! Do you mind if I ask you a question?

Wayne Sanchez: Hindi. What is it Prez?

Aelia Margarette Silva: Uh, pwede ko bang hingin ang cellphone number ni Krane?

Wayne Sanchez: Uy ikaw ah. Sure, it's 09*********. Don't tell him na ako nagbigay ah! Lagot ako dun.

Aelia Margarette Silva: Sure! Thank you so much ah.

Wayne Sanchez: No prob, prez!

Napangisi ako nang matapos kong i-save sa contacts ko ang number niya. Get ready for my texts and calls day and night. Chariz.

Kinabukasan ay dumiretso ako sa seat ni Krane upang ilagay sa desk niya ang lunch box that I prepared again. Hoping na kakainin niya ito. Wala pa si Krane dahil lagi namang late yun. Hindi ko na lang pinansin ang mga kantyaw ng mga kaklase ko sa akin at dumiretso na sa seat ko.

Tinabihan na ako ni Shera at dinaldal ako ngunit wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil tinatamaan ako ng antok. Sumandal ako saglit sa balikat niya at tuluyan na nga akong nakaidlip. Nagising na lamang ako ng yugyugin ako ni Shera dahil magsisimula na ang first subject.

Nakita ko si Krane kasama ang mga kaibigan niya sa bench. Mukhang nag-uusap at nagbibiruan. Madadaanan namin ni Shera ang pwesto nila kaya naman ay huminto ako sa harapan nila. Taka naman nila akong tiningnan.

"Hoy ano ba!" Mahinang saway ni Shera habang mahinang hinihila ang likod ng uniporme ko. Hindi ko naman siya pinansin.

"Uy, hello guys! Hi Krane, uh did you eat the lunch that I gave you kanina?" Nakangiting tanong ko. Napaubo naman si Wayne kaya tiningnan ko siya. Nginitian niya lamang ako.

Tiningnan lamang ako ni Krane at ibinalik ang tingin sa cellphone niya. Hays, hindi man lang ako sinagot.

"Uh, o-oo! Oo kinain niya h-haha!" Ani ng isang kasama nila. Mukhang kaibigan rin ito ni Krane. Napangisi ako at nagpaalam na sa kanila.

"Nakakahiya ka talaga! Jusko naman, naiiyak ako dahil wala kang hiya!" OA na aniya. Inirapan ko lamang siya habang naglakakad pa rin kami papuntang locker.

"Atleast medyo may progress na kami ngayon kahit papaano. Kinain niya ang lunch na inihanda ko, at nakuha ko na rin ang number niya." Namilog naman ang mga mata niya sa narinig.

"At saan mo naman nakuha aber?" may himig ng pagdududa ang boses niya nang itanong niya iyon sa akin.

"Kay Wayne." Masiglang sambit ko. "Kay Wayne?!" Gulat na sagot niya.

"Oo. Bakit?" takang tanong ko naman. "Wala," sagot niya at binuksan na ang locker niya.

"Layasan muna kita ah, punta lang akong library." Pagpapaalam ko sa kaniya. Tinanguan niya lamang ako kaya naman ay tuluyan na akong naglakad palabas ng locker room.

Weird. Anyare dun? Bahala na nga! Ang importante ay makapunta ako sa library upang makaidlip kahit papaano. Alas 12:45 pa naman, may 45 minutes pa ako bago ang first subject ngayong hapon.

Pumunta ako sa pinakadulo kung saan medyo may kadiliman at walang katao-tao. Well, wala naman talagang tao rito bukod sa librarian! Pero mas gusto ko kasi roon kasi malamig.

Umupo na ako at nilagay ang ulo sa table upang makatulog na ngunit napamulat ako nang may maalala. Ite-text ko si Krane! Tutal alam ko naman na lagi niyang hawak ang phone niya, malabo na magdahilan siya na hindi niya nakita ang text ko.

To: Krinkrin

Hi my honeybunch sugar plum! It's me! Save mo number ko ah!

Napahalakhak ako sa kalokohan ko. Nai-imagine ko ang nakasimangot niyang mukha sa oras na nabasa na niya ang message ko.

From: Krinkrin

Where did you get my number?

Hindi niya tinanong kung sino ako. Ibig sabihin ba ay nakilala niya agad ako? Sabi na eh! May gusto rin sa akin yun!

To: Krinkrin

Hulaan mo muna kung sino ako?

Hinintay ko ang reply niya ngunit wala na akong natanggap. At dahil bored na ako, natulog na lamang ako.

Naalimpungatan ako nang may malakas na kalabog akong narinig. Tila isang makapal na aklat ang nahulog sa sahig. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit tanging dilim lang ang nakita ko at walang bahid ng taong pumasok. Nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto.

Multo! Teka, anong oras na ba? Tiningnan ko ang relo ko sa kamay at mabilis na napatakbo papalabas. Late na ako ng 30 minutes!

Hinihingal pa ako nang dumating sa tapat ng classroom. Kumatok ako at pinapasok naman ako ng P.E teacher namin. Tinanong niya ako kung bakit ako late kaya naman ay sinabi ko na lamang na may pinuntahan lamang ako saglit at hindi ko namalayan ang oras.

"Gaga ka! Alam kong natulog ka na naman sa library!" Mahinang bulong niya dahil baka marinig kami ni Ms. Sandoval.

"Oo, ang sakit nga ng leeg ko eh." Ani ko at napahawak sa batok.

"Okay class, I will divide you into two. You will do the activity that I will assign to you together." Nilingon ko naman si Shera at sinimangutan.

"Sana partner tayo." Nakanguso kong ani. "Imposible yang hinihingi mo." Sagot niya.

Ipinares na na ni Ms. Sandoval ang iba kong kaklase habang nakatingin pa rin sa laptop niya.

"Salvatore and Silva." Partner kami?! Ang swerte ko talaga.

"Ma'am, ang unfair naman po nito! Bakit niyo naman po pinagsama ang rank 1 and 2? Paano na po kami niyan?" Napailing lamang si Ms. at tiningnan kami.

"Alphabetical ito, Mr. Fuentes." Ani naman ng guro. "Go to your partners and discuss the project with each other." Napabuntong hininga na lamang ako at nagkusang lumapit sa seat ni Krane. Alam ko namang hindi lalapit yan sakin kaya ako na nag-adjust!

"Uy." Pagbati ko sa kanya. Tanging pagsulyap lamang ang natanggap ko mula sa kanya.

Napakasungit talaga niya!














Chasing KraneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon