Aelia
This is it, pancit. Ngayong araw na ako aamin kay Krane, and I hope it will go well. Kinakabahan ako, pero kakayanin ko 'to. Ako pa ba?
Kinulot ko nang bahagya ang dulo ng aking buhok at sinimulan ang paglalagay ng kolorete sa mukha. Simple lang naman—matte liptint na pinkish, powder, eyeliner, at eyelashes. Hindi na ako naglagay ng blush on dahil ayaw ko.
Inayos ko ang aking bangs bago bumaba sa hagdan. "Good morning, Ma. Si Lily?" Tanong ko habang humalik sa pisngi ni Mama at umupo upang kumain. Lily is my sister—two years younger than me.
"Nasa school na, hinatid na ng driver natin. Bakit mo natanong?" Sagot ni Mama. Nalungkot naman ako. Matagal-tagal ko na ring hindi nakikita ang batang iyon. Minsan kasi, pag dumadating ako, hindi na kami nagkakasalubong. We’re not that close.
"Nak, si Papa mo nga pala nagbigay na naman ng pera. Eto, kunin mo." Inilapag ni Mama ang isang makapal na sobre sa harapan ko, pero itinulak ko iyon palayo.
"Hindi ko kailangan ng pera niya. Mauna na po ako." Tumayo ako at dali-daling naglakad palabas ng bahay. Magta-taxi na lang ako ngayon.
"Teka lang, Aelia! Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo!" Narinig kong sigaw ni Mama, pero hindi na ako lumingon at agad pumara ng taxi.
Sayang ang effort ni Mama sa pagluluto. Napabuntong-hininga ako. I admit—medyo bastos ang ginawa ko kanina, pero dahil lang iyon sa perang galing kay Papa. I don't need that money.
"Miss, saan po tayo? Kanina pa kayong tulala d'yan," tanong ni manong driver.
"Pasensya na po, Kuya. Inaantok pa po kasi ako. Sa St. Therese High po." Napatawa na lang si manong at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Pagdating ko sa school, agad akong dumiretso sa upuan at dumukdok sa armchair. Nahagip pa ng paningin ko si Krane na napatingin dahil sa padabog kong pag-upo. Pake niya?
Bad trip lang talaga ako ngayon. Kahit si Shera, hindi ko masyadong pinapansin. Hays, ang immature ko pa rin talaga. I need to change this attitude of mine.
"Uy, Shera," tawag ko. Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.
"Oh, ano? Okay ka na ba? Nawala na bad trip mo?" Sarkastiko niyang tanong.
"Eh, sorry na. Libre na lang kita sa canteen mamaya," sabi ko, at pumalakpak ang tenga niya. Napaka-simple talaga ng babaeng ‘to—basta libre, walang inuurungan.
Matapos ang klase, diretso kami sa canteen. As usual, nakasagot na naman ako sa mga tanong sa Math. Favorite subject ko kasi iyon.
"Oh, ayan. 1,000 pesos yan ha. Pili ka na lang dun, tinatamad ako eh. Burger at Coke in can lang akin," sabi ko habang iniaabot ang pera.
Inilapag ni Shera ang pagkain sa mesa bago nagsimulang kumain.
"Hoy, tandaan mo—I'm always here. Kung may problema ka, 'wag kang magdalawang-isip na magsabi. Masama ang nag-iipon ng sama ng loob. Hindi ko sinasabing kailangan mong sabihin sa akin lahat, pero mali na magbigay ka ng silent treatment sa ibang tao dahil lang may pinagdadaanan ka," sermon niya.
Napayuko ako. She’s right.
"I'm sorry, Sher. Nakasanayan ko na kasi. But I'll try to change, and I'll also try to... open up," sagot ko habang nginingitian siya.
"What about your plan? Yung Oplan Umamin at Paibigin si K?" Bigla niyang tanong.
"Hala, oo nga!" Pasimple kong inilibot ang tingin sa loob ng canteen. Napabuntong-hininga ako nang makita ko si Krane—kasalukuyang nag-aasaran sila ni Lucy.
"Tsk. Kahit feeling ko wala akong pag-asa, gagawin ko pa rin ang plano ko," sabi ko habang napapailing.
Dahil feeling ko ay may lakas ng loob ako ngayon, napagdesisyunan kong lapitan siya.
"Uy! Si Pres pala 'to! Hello, Prez! May kailangan ka?" Si Wayne, isa sa barkada ni Krane, ang unang nakapansin sa akin. Napaangat ng tingin si Krane, at parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang aming mga mata.
"Hello! Um, sorry sa istorbo ha, pero I just wanna ask—Krane, may time ka mamaya? After school?" Tanong ko habang pilit na nginingitian siya.
"Huh? Why?" Tanong niya na may halong pagtataka.
"Uh… basta. Meet me mamaya sa gazebo. See ya!" Kinindatan ko siya bago tumakbo palabas ng canteen.
"Hoy, gaga ka!" Sumulpot si Shera sa likuran ko at binatukan ako. "Ako na yung nahiya sa pinaggagawa mo kanina! Jusko ka! Ano 'yon? Nakakadiri yung kindat mo, te," natatawang sabi niya.
"Support ka na lang. Nilunok ko ang pride ko para magawa 'yon, pati na ang dignidad ko," sabi ko, kunwari’y nagpapahid ng pekeng luha.
Pagkatapos ng klase, sinukbit ko ang bag sa balikat at tinignan si Krane. Prente lang siyang nakaupo habang abala sa kanyang cellphone. Napatingin siya sa akin nang maramdaman ang titig ko. Tinaasan niya ako ng kilay—parang nagtatanong kung bakit ako nakatingin.
‘Follow me,’ bulong ko habang nakatitig sa kanya. Mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin kaya tamad siyang tumayo at sumunod.
Tumigil ako sa gazebo na medyo malayo sa ibang estudyante.
"What do you need? I still have things to do," malamig niyang tanong.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I like you, Krane. It all started in 9th grade. I don't know why, pero I just found myself liking you. Kaunting titig mo lang, kinikilig na ako. I-I'm... nahihiya akong umamin," amin ko habang ramdam ang init sa pisngi ko.
"What? I'm sorry, but I like someone else. I can't reciprocate your feelings. Just find someone else," diretsong sagot niya.
Masakit. Pero hindi ako susuko.
"I'll go first. Take care," dagdag niya bago tumalikod.
"Liligawan kita. I don't care kung ano ang isipin nila. I like you, and I will do anything for you to like me back," sagot ko, puno ng determinasyon.
Humarap siya sa akin, tila nanghahamon.
"Go. Do whatever you want. Don't blame me in the end," sagot niya bago tuluyang naglakad palayo.
Napangisi ako, kahit ramdam ko ang hapdi sa loob.
"This is just the beginning, Krane Chandler. I'll make sure na magugustuhan mo ako."

BINABASA MO ANG
Chasing Krane
Novela JuvenilAelia Margarette Silva, known as the smart girl, has a huge crush on Krane Chandler Salvatore. She chased after him, but he wouldn't stop running. What will happen if Aelia gives up?