Devi Catalione Sinead
"Dismissed."
Halos pumanting ang tenga ko ng marinig ko iyon. Accounting is so boring! Sa sobrang boring mapapalublob ka nalang sa sarili mong desk.
"Ms. Sinead, in my office." nanlaki ang mata ko at agad na inangat ang ulo mula sa pagkakalublob sa desk ng marinig ko iyon.
"What did I do this time?" nakakunot noo kong tanong kahit na alam ko naman ang sagot.
"Seriously, tinatanong pa ba 'yan?" Inirapan ako nito tsaka na naglakad papalabas ng room.
That fucking old-gay is getting into my nerves!
Palagi niya akong pinagmamalditahan simula noong nalaman niyang close ako sa mga Decatoria. Wala naman akong pake sa mga mukha ng mga 'yun, loklok niya sa baga niya.
Kahit na labag sa loob ay kinuha ko parin ang bag ko at 'saka pumanhik na papalabas ng room. Medyo malayo layo pa dito ang office ng mga Professors kaya mas lalong nag-init ang ulo ko.
Ilang minuto pa ang lalakarin ko bago makarating duon and it's already 5:45 pm, lumulubog na ang araw.
"Hindi diyan ang daan pauwi, Devi." rinig kong boses mula sa likuran ko. Naramdaman ko ang isang mainit na kapit sa braso ko na ikinatindig ng balahibo ko.
"Get off me, Yuen." kalmadong ani ko.
I don't know why I feel so irritated when he's arround me but I also feel something inside. Yung parang kakaibang kiliti pag naririnig ko ang boses niya, yung parang may mga naglalaro sa tiyan ko pag hinahawakan niya ako. That's make me feel irritated when he's around me.
"Sasamahan kita, mag gagabi na." napapikit ako 'tsaka ito nilingon.
"Seriously? Pagkatapos ng pinag gagawa mo sa akin? Ilang araw kang nawala at ginambala ang utak ko dahil sa mga sinabi mo tapos heto ka ngayon, magpapakita na parang walang nangyari?!" I bursed out.
Unti-unting sumilay ang mga ngiti niya sa labi kaya napakunot-noo ako. Seriously?
"Do you miss me that much, my baby?" nanlaki ang mata ko. Halos mangatog pa ang mga tuhod ko dahil sa narinig. Parang mawawalan ako ng hangin at ramdam ko rin ang pamumula ng buong mukha ko.
"ARGH!" I screamed and walk out.
Tumakbo ako papalayo sa bulto niya dahil alam kong kahit anong oras at minuto pwede na akong mag collapse sa harapan niya dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. Hinihingal akong huminto sa pintuan ng office. Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob.
"What's with that face, Ms. Sinead?" bungad ng professor na nakataas ang kilay.
"I don't mind, I'm still prettier than you." saad ko at ngumisi. Kita ko ang pagdaan ng inis sa kanyang mga mata ngunit nabawin rin 'yun ng huminga siya ng malalim.
"In my table." naglakad ito at sumunod naman ako, papatungo ito sa pangalawang table kung saan ang pwesto niya. Apat na proffesor kasi ang gumagamit sa bawat office dahil iyon ang patakaran ng unibersidad.
"Hindi lang dahil sa pagtulog mo sa klase ko ang dahilan na pinapunta kita dito." paninimula niya. Kumunot ang noo ko, curiosity hits me.
"Hindi ako natulog. What is it?" I asked. Ngumisi ito sa akin at pumalakpak.
"Alam kong ayaw mo sa course mo. You want to be a Doctor right?" saad niya at bahagya akong tumango-tango. Parang napanting ang tenga ko dahil doon. Agad ring nanabik ang nararamdaman ko.
"Then don't miss this big opportunity, Ms. Sinead. The Famous University in France offer a Scholarship for a College Student who wants to be a Doctor at bigla kitang naisip. The one thing is that, you're going back in 1st year College kasi hindi pwedeng dideretso ka kung anong nasimulan mo dito." asik nito.
Napatango-tango ako sakanya, kahit papano ay may natitira pa palang kabutihan sa kalooban niya. Hindi na ako nagsayang ng minuto at agad ko itong sinagot.
"Tinatanggap ko, Prof." nagniningning matang sagot ko. I feel excited and nervous.
I really love to be a Doctor, gusto kong magligtas ng buhay. Ito na siguro ang panahon para sundin at tahakin ko ang daan na para sa akin, yung hindi kinokontrol ng iba.
"Perfect! Mr. Decatoria, tamang tama ang pagdating mo. Ikaw ang magiging saksi sa usapang ito." malaki ang ngiti na saad ng professor.
Lumingon ako sa likuran ko kung saan nakatingin ang Professor. As I gazed back, Thaddeus eyes are so cold. He seems so very mad, his eyes are dark. Parang kahit anong oras ay puputok na ang galit niya.
"Devi will not accepting it." he said then grab my hand.
Napanganga ako dahil sa gulat. Bigla bigla nalang ako nitong hingit papalabas ng opisinang iyon, nakita ko pa ang pag nganga ni Prof. Tuason. Parang hindi ito makapaniwala sa mga nangyayari.
"But—" rinig kong saad ni Prof pero agad na kaming nakalabas ng opisina.
Napatingin ako kay Thaddeus na higithigit parin ang aking kamay habang naglalakad sa tahimik na hallway ng University.
"What's the problem ba?" pilit kong hinihigit ang sariling kamay mula sa pagkakahawak niya.
"YOU! YOU'RE THE PROBLEM!" nagulantang ako ng dahil sa sigaw niya, agad ring umatras ang dila ko ng tangkain ko itong sagutin. Nanlalaking mata akong nakatingin sa madilim niyang awra.
"m-me?" mautal-utal kong sagot.
"Alam kong gustong-gusto mong maging Doctor, Catalione. Kayang kaya kitang pag aralin ng Medisina dito kung iyan ang gusto mo. Hindi ka lalabas ng bansa." seryosong ani nito at 'saka huminga ng malalim bago nilagay ang dalawang palad sa kanyang mukha.
Hindi ako nakasagot sakanya. Nanatili lamang akong walang imik dahil sa takot at pag aalinlangan. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang nakitang ganito magalit si Yuen, nakakatakot pala. Nakakapanginig ng tuhod.
Tumingin ito sa akin at bahagyang lumapit. Agad ako nitong niyakap at isiniksik ang mukha sa leeg ko.
"Don't leave me, please. Wag mo akong iwan." mahinang saad nito.
"A-ano bang n-nangyayari sayo?" nanginginig na saad ko. Nakakakaba kasi, parang iiyak siya ng wala sa oras. Hindi ito sumagot.
"Kung 'yan ang pinoproblema mo. Tatawagan kita palagi pag nandoon na ako, hindi ko iyan kakalimutan. Kung gusto mo papadalhan kita dito ng mga souvenirs or ano p-." naputol ang sasabihin ko.
"Damn it! Hindi ka lalabas ng bansa. Don't test me, Catalione. Baka ano ang magawa ko!"
—
BINABASA MO ANG
Fate Deception
Romance[ON-HOLD] Decatoria Series II "Marry me, Catalione. Yes or yes?" Devi Catalione Sinead, the known rude to rude and brave woman of Eligate University of Decatoria. The only love of Thaddeus Yuen Decatoria, the cold, serious type and one of the Royals...